Chapter 4
Personification
Nag-iilusyon yata ako. Baka naman kabaliwan ko lang ang lahat ng 'to?
May nakain ba ako kanina sa school? Baka naman nananaginip lang ako? Tama! Panaginip lang ang lahat ng ito. Ang totoo ay tulog pa ako ngayong araw, 'yong pusa ay nasa taas ng cabinet ko pa rin. Kasi imposible naman na may nagsasalitang pusa, hindi ba?
Kaso. . .
Totoo talaga! Nagsasalita talaga 'yong pusa! Hindi ako namamalikmata!
Nanginginig ang kama ko nang abutin ko ang phone ko na nahulog at hindi na naicharge kanina. Kailangan may matawagan ako. Si Genna! Tama! Maniniwala 'yon dahil matagal ko na siyang kaibigan.
"Oh? You're functioning. Good!"
Naiwan sa ere lahat ng plano ko. Dahan dahan akong napalingon sa pusa na abala sa paghimas ng ulo nito. Napalunok ako. Hindi talaga ako nag-iimagine. Totoo talaga lahat ng 'to.
"Collect yourself human. You look stupid."
Like a lightning bolt, it strike me. Para akong tinamaan ng ilang bato sa ulo.
"Nagsisimula na akong mairita sa mukha mo."
Nainis ako sa sinabi niya. Alam kong isa siyang maligno o demonyo pero wala siyang karapatan na pagsabihan ako niyan!
Ibabato ko sana 'yong una kong mahahawakan sa ibabaw ng study desk ko nang may nagdoor bell sa pintuan ko. Nanlaki ang mga mata ko. May tao!
"Oh? Ang bilis." Sabi nung pusa.
Hindi ko na pinansin dahil iisa nalang ang tumatakbo sa utak ko ngayon. May pag-asa na akong may tutulong sa akin!
Dali dali, kumaripas ako ng takbo papuntang entrance. Pagbukas ko, ang bumungad sa akin ay ang pagmumukha nung police officer na humahanap ng pusa kanina. Nandito siya!
Nakangiti niya akong binati. "Good afternoon Miss. May nabalitaan ako na nandito na raw iyong–"
"Sir!" Mangiyak ngiyak kong sabi. "Tulungan niyo po ako!"
Natigil sa ere ang gusto nitong sabihin. Maya maya ay sinapo nito ang mukha niya na parang may nalaman siyang problema na hindi niya nagugustuhan.
"That idiot!" Aniya bago ako nilingon gamit ng kalmadong mukha. "Anong problema, miss?"
"Nandito na po 'yong pusa. Nandito na po. Kunin niyo na po!"
"Oh? Sure sure!" Sabi nito.
Kung alam niya lang na demonyo 'yong pusa, hindi siya aakto ng ganiyan! Kaso wala na akong pagpipilian. Sabi niya, hindi siya naririnig ng ibang tao bukod sa akin. Kung totoo ito, ibig sabihin ako ang may problema sa pag-iisip. Pero kung totoong demonyo siya, delikado ang buhay ko!
Laking pasalamat ko nang makita ko ito sa sala. Prenteng nakaupo sa ibabaw ng sofa at matamang nakatingin sa lalaking kasama ko. Sinamaan ko siya ng tingin, matapang na dahil sa wakas ay may kukuha na sa kaniya. Kung sino man nagsabi na nandito na ang pusa, siguro mga kapitbahay ko, sobrang laki ng pasasalamat ko!
"Iyan po 'yong pus–"
Nagulat ako nang biglang binato ng police officer 'yong pusa nang katatanggal nitong sapatos. Sumakto ito sa ulo ng pusa, dahilan para matumba ito sa upuan ng sofa. Hindi kaagad ako nakabawi lalo na nang sigawan ito ng police officer.
"You idiot! Ang laki laki na ng problema ko sa'yo tapos dinadagdagan mo pa?! Lumapit ka sa akin dahil sasakalin talaga kita!"
Bumangon iyong pusa na hinihimas ang sentido. Lumapit naman ang police officer na pinatutunog ang mga daliri at galit na galit sa pusa.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Found A Mysterious Cat
FantasyOne day, Monique found an unconscious strange cat. She went closer to check the cat. It's wounded and barely moving. She decided to take it. She took good care of it. But something happened. The cat talked... The cat became a guy! -- Fantasy story...