Chapter 49

53 8 1
                                    

Chapter 49

Hiwalay

Ilang minuto na ang lumilipas, hindi pa rin ata tapos mag-usap ang mag-asawa. Napatingin ako sa aking telepono nang magvibrate ito. Nang makitang si sir Damon ay binasa ko ito. Kaso si King pala ang nagmensahe sa akin.

Damon: Where are you? This is King.

Damon: You went somewhere and you didn't tell me?

Damon: Text back, human.

Sunod sunod ito na kinailangan ko pang patayin ang phone ko para lang matigil.

Tumingin ako sa pinuntahan nila sir Sehana. Wala sa sarili akong napatayo at pumunta roon. Iniisip na baka tapos na sila. Kaya lang, hindi pa. Dahil nakita ko sila sa isang hallway. Nagtago ako sa takot na makita nila ako.

"This... This is the reason why I chose that decision. What you are doing is so wrong, Sehana!"

"I did all of this because I want to be with you..."

"Nandamay ka pa ng ibang tao..." Naiiyak na sabi ni Carlynne. "Mga inosente, Sehana... You caused too much problem in the death realm. Now in animal deities... Hindi pa ba sapat ang isang beses?"

"I'm sorry... I'm sorry..."

"I understand that you will do everything for me. And I admit, if only I can have you without choosing between you and me, and let the other human beings be entangled in this forbidden love, I will support you stupidity Sehana."

"I just can't lose you again... I don't know how to live without you Carlynne..." May sakit na sabi ni sir Sehana.

"Monique... That human girl... She's too kind to deserve this... Hindi mo ba naisip na kapag nalaman nila ang tungkol sa kaniya ay maaaring matulad siya sa sitwasyon ko?"

"Carlynne..."

"Your love for me is getting wicked, Sehana. That you can now do things like this just because you want to be with me."

"I'm sorry... I'm sorry..."

"Now that my memories are now fully recovered... My decision will always be the same, Sehana."

"No... No! No! Don't do this to me, please-"

"I am choosing you, Sehana. I am choosing you."

"I can endure it. I can endure it! I can protect you. I can't lose you. I don't want it. I don't want it!"

Napahawak ako sa aking bibig. Nanginginig dahil sa mga sinasambit nila sa isa't isa.

"Hindi ko kakayanin na magdurusa ka nang dahil sa akin, Sehana. Mahal na mahal din kita na kaya kong... Kaya kong gawin ko para sa kaligtasan mo... Sa kaligtasan ninyong lahat..."

"No no no... No! I will not accept this. I will not accept this Carlynne. I will never-"

"Kung mahal mo ako... Pipiliin mo ang kapakanan ng lahat... Ayaw kong umabot pa sa puntong hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko at ikaw ay aking masaktan pa."

Sumilip ako sa kanilang dalawa. Si sir Sehana na nakaluhod sa harapan ni Carlynne habang umiiyak ito. Si Carlynne na hawak hawak ang magkabilaang pisngi ni sir Sehana. Umiiyak din.

"Maging mabuti kang deity Sehana. Huwag mong hayaan na ito mismo ang sumira sa'yo..."

Niyakap siya ni Carlynne. Tinanggap ito ni sir Sehana.

"Humingi ka ng tawad kay Monique dahil sa ginawa mo sa kanila ni King. Tama na ang pagsisira mo sa iyong sarili. "

"I don't know how to survive without you.. "

The Girl Who Found A Mysterious CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon