Chapter 40
Catnip
Hinila ako ni King palayo sa lugar na 'yon. Linampasan namin sina Jhoven at Regine na gulat pa sa nangyari.
"King! Wait! What just happened?" Harang sa kaniya ni Jhoven nang matauhan.
"What do you think?" King said nonchalantly.
"Ryleigh is hurt..." Ani Regine sa gilid. "I understand your anger but he is your friend."
"He is no friend of mine if he won't shut his fucking mouth."
Tinulak ni King si Jhoven na hindi makapaniwala sa sinabi ni King sa kaniya. Magmula pa nang sabihin ni Ryleigh ang tungkol sa relasyon namin ni King ay napansin kong iniiwasan niya ang bagay na 'yon.
May tinatago sa akin si King. Bagay na alam kong ayaw niyang malaman ko. Hindi ba't karapatan ko ring malaman kung anong kahihinatnan ko sa relasyon na ito?
Tama pa ba na ituloy namin ito kung ganoon?
Hindi ako nagsalita at sinundan ko lang si King sa paglalakad. Pinakiramdaman ko siyang tahimik, hinihintay na baka sakaling siya mismo ang magsabi sa akin ng nililihim nila. Pero hindi siya nagsalita. Kaya ako na ang bumitaw.
"King, mag-usap tayo."
"What for?" Iritado niyang tanong.
Huminga ako ng malalim, sinusubukan na hindi pantayan ang nararamdaman niyang inis ngayon.
Siguro, sa susunod ko nalang tatanungin. Kapag malamig na ang ulo niya.
"Hindi ba dapat hanapin natin si Ryleigh?"
Kumunot ang noo niya roon. "Because?"
"Nasaktan 'yong estudyante mo oh. Ang guro, hindi pinababayaan ang mga estudyante niya. Hindi ba dapat ganoon ka rin?"
Umirap si King at namaywang. "My students respect the people I value."
"Isa lang naman yata ang estudyante mo?"
Marahas na napabuntong hininga si King.
Ngumiti ako para maibsan ang inis niya.
"Alam mo ba, bibihira lang makahanap ng ganiyang kaibigan sa buhay naming mga tao? Ang swerte swerte ko dahil nakilala ko si Genna sa buhay ko. Kapag nag-aaway kami ay ganito rin, nagkakatampuhan. Pero hindi namin pinababayaan ang isa't isa."
"I don't have friends, Monique." Aniya.
"You may not see them as your friends, but they see you as their friend. You should consider it too."
"But he was–"
"Ako ang sinasabi mong nadisrespect, ayos lang sa akin dahil naiintindihan ko siya. So dapat ayos na rin sa'yo 'yon."
Tumaas ang kilay niya. "Are you ordering me here?"
"Sino bang amo dito?" Taas kilay ko rin.
He glared at me for a second and then sighed afterwards.
"Fine. I'll search for him. Pero pauuwiin muna kita."
"Nga pala, about diyan... Magpapaalam sana ako. Babalik na sana ako sa dati kong apartment."
King creased his forehead and shifted his weight.
"No. You are still unsafe."
"King, mas malapit kasi doon 'yong school ko. Malapit na ang pasukan namin kaya mas convenient kung doon na ulit ako. Atsaka ilang linggo na rin naman na walang nangyayari sa akin kaya ayos na ulit na huwag akong samahan palagi–"
YOU ARE READING
The Girl Who Found A Mysterious Cat
FantasyOne day, Monique found an unconscious strange cat. She went closer to check the cat. It's wounded and barely moving. She decided to take it. She took good care of it. But something happened. The cat talked... The cat became a guy! -- Fantasy story...