Chapter 14

150 13 11
                                    

Chapter 14

Tonight

"Why are YOU here?" Tanong pabalik ni King.

Teka, kilala siya ni Jericho? Kailan pa sila nagkitang dalawa?

"Kasabay niya akong umuwi. Nakatira kami sa iisang apartment." Pagsagot naman ni Jericho, hindi bumibitiw sa titig kay King.

"Yeah I knew that." Tamad na sabi ni King.

Kumunot ang noo ni Jericho. "You knew?"

Natigilan si King. Ako naman ay nataranta dahil sa pagkakadulas niya. Pumagitna ako at ngumiti kay Jericho.

"Ano... Jericho, nasabi ko kasi sa kaniya na nakatira tayo sa iisang building."

Sa akin naman napatingin si Jericho. "Sinabi mo?"

"Tss." Dinig kong ismid ni King.

Tumango ako ng dalawang beses. "Oo. Uhh, magkakilala ba kayo?"

Hinawakan ni Jericho ang kamay ko at hinila ako papunta sa likuran niya. "Hindi. But we met already."

Natigilan ako nang hawakan ni King ang kamay ko para mapigilan akong mapunta sa likod ni Jericho.

"What are you doing?" Tanong ni King.

"We'll go home."

"Does he know that you don't use your bike anymore?" Baling sa akin ni King kaya umiling ako.

Nabusy kasi si Jericho sa mga practice match nila sa iba't ibang schools kaya hindi na kami mas'yado napang-aabot bukod sa PE namin kung saan ko sila nakikita. Minsan ay nasa ibang school sila para makipaglaro. Ngayon nga lang kami ulit nagkausap.

"Anong sabi niya?" Bumaling si Jericho sa akin.

Bakit parang ako ang na-hohotseat sa mga pinagtatanong nila sa akin? Kinuha ko ang mga braso ko at lumayo ng kunti sa kanila.

"Teka lang. Linawin niyo muna. Kailan kayo nagkita at paanong kilala niyo ang isa't isa?"

Umirap si King. Mariin namang pinagdikit ni Jericho ang kaniyang mga labi.

"I'll tell you that after I take you home." Ani King.

"Ako ang kasabay niya sa pag-uwi." Si Jericho naman.

"Look, I know that I made a bad impression of me that day. Hindi ko gagawin kay Monique iyon."

"Hindi ko alam iyang sinasabi mo." Hinila ako ni Jericho sa kaniya.

"Oh, so you want to play dumb?" Hinigit naman ako ni King.

"Teka lang! Ano ba?!" Tinanggal ko ulit ang mga kamay nila sa akin. "Hindi ako sa inyo sasabay, okay?!"

Sabay silang napalingon sa akin. Hindi sang-ayon sa sinabi ko. Napabuntong hininga naman ako.

"Jericho, hindi na ako nagbibike pauwi." Pauna ko bago siya nilingon.

Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Sino ba iyong naghahatid sundo sa'yo palagi na usap usapan?"

I bit my lower lip. Hindi pa pala humuhupa ang chismis na iyon. Akala ko ay wala na dahil hindi ko naman na naririnig.

"Pinsan ko iyon." Pagsakay ko sa cover-up ni Jhoven. "Hinahatid niya ako palagi."

"You have a cousin here?"

"Excuse me, I am also here." Pagsingit ni King bago humarang sa harapan ko. "That cousin of yours will not drive you home today so let's go."

Kinuha ni King ang kamay ko at balak na sanang hilain nang magsalita si Jericho.

The Girl Who Found A Mysterious CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon