Chapter 58
Punishment
"Talaga bang itutuloy ang kasal pagkatapos ng nangyari? Huwag nalang King!" Sabi ko matapos ng ilang sandali.
"Bakit hindi?" Kunot noong tanong ni King.
"Wala pa sila sir Damon oh! Tapos kita mo ba itong mga taga-rito, wala hindi ba? Baka napano na sila!"
Umiling siya. "Kaya na nila 'yon. Haven't you heard what I told the old lady back there? We were just fooling around, acting like we were weak but we were not."
Nilingon ko sina sir Damon na hindi pa rin nauubos ang mga wraiths. Napansin ko na parang mas dumami pa ang mga wraiths kaysa kanina.
"Parang iba ata ngayon. Sigurado ka ba na kaya nila 'yon? Tingnan mo, mas dumami pa sa kanina."
"What?" Sumulyap si King doon. "Ah shit..."
Nilingon ko ang mga taga rito na nakasilip lang sa bintana. Kailangan tumulong si King sa kanila.
"They might've sensed our presence."
Humigpit ang hawak ni King sa akin at walang pasabi na hinila ako sa isa sa malapit na maliit na mukhang grand hall.
Hindi na siya kumatok. Basta na lamang niya iyon binuksan at nakita namin ang lahat ng mga taga rito.
Agad lumapit ang matanda sa amin. "Ginoo, kumusta na ang labas? Sinabi ninyong manatili kami rito kaya kami ay nanatili."
Kaya pala hindi ko na nakita ang matanda kanina. Sinecure na sila ni King.
"Manatili pa kayo. Hindi pa tapos. You stay here." Aniya sa akin sa huli. "Take care of them."
Tumango ako bago niya kami iniwan. Nilingon ko ang mga taga-rito na binibigyan ako ng mga matang punong puno ng hope sa akin. Ang una kong ginawa ay ngumiti... Paano ba ang gagawin ko?
"Maupo kayo rito, binibini..."
"Uhh... Ayos lang po." Sumunod ako sa matanda.
Pag-upo ko, napatingin ako ulit sa kanila na pinagmamasdan lang ang bawat galaw ko. Kaya medyo na-awkward ako dahil naiilang sa kanilang titig sa akin.
Kailangan kong magsalita. Tumikhim ako para sana magsalita na nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Ryleigh na hinanap kaagad ako. Nang makita ay namaywang siya.
"King told me to stay with you." Hinihingal niyang sabi.
Napatayo ako kahit na kauupo ko lang. "Bakit daw? May problema ba?"
Umiling siya at sinarado ang pintuan. "Wala. Sadyang hindi lang siya mapakali na wala kang bantay kaya nandito ako."
Agad siyang binigyan ng upuan ng mga taga-rito sa tabi ko. Humingi pagkain na agad naman siyang binigyan ng matanda.
"B-bakit?! Wala naman na 'yong mangkukulam kaya puwede na ako maiwan mag-isa?"
"I don't know. Baka kasi may bigla raw lumapit na wraith sa'yo kahit na protektado ka naman na dahil kasal na kayo."
Dinig ko ang singhapan ng lahat sa sinabi ni Ryleigh. Pati ako nagulat kahit na ako naman 'yong kinasal.
Napalunok ako. Hindi ko pinansin ang mga gulat nila at pinilit na magfocus sa usapan namin ni Ryleigh.
"Talaga bang susunod ka nalang palagi kay King? Alam mong mas kailangan ka nila roon dahil madaming wraiths."
"This works for me. Makakapagpahinga pa ako."
Napaface-palm ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko na siya kinausap dahil pakiramdam ko tataas lang presyon ko kaya umupo nalang ako.
Lumapit naman ang matanda sa akin para tanungin ako sa sinabi ni Ryleigh kanina. Laking pasalamat ko talaga na medyo nakaclose ko na ang head villager nila rito.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Found A Mysterious Cat
FantasyOne day, Monique found an unconscious strange cat. She went closer to check the cat. It's wounded and barely moving. She decided to take it. She took good care of it. But something happened. The cat talked... The cat became a guy! -- Fantasy story...