Ranked #04: Welcome!

126 24 4
                                    

Chapter 04: Welcome!

Jeremy's Point Of View

"That's the last one."

"Grabe. 'Di ko akalaing ang dami pala nila."

"Shadow. What should we do now?"

Kakatapos lamang naming matalo ang lahat ng mga cyborg soldiers sa paligid ng gubat, and it took us more than 30 minutes to finish eliminating all of them.

Hindi biro ang bilang nila. Isa pa. Maliliksi silang lahat kumilos kaya't hindi talaga yun naging madali samin na tapusin sila. Maswerte na nga kami, dahil 30 minutes lang din ang inabot bago namin ito matapos.

Nagpahinga kami ng ilang minuto bago nadin nagpasyang pasukin ang Portal Village. Yup! We made it inside.

Kailangan lang pala naming talunin ang mga Portal caster na cyborg din na nagkalat sa gubat and when we've done it, the barrier is automatically deactivated.

What greeted us inside the village are as usual, countless village houses. Mga bakuran, street lights, mga bulaklak sa bawat bakuran at garden. A fountain at the center of this place. Kumpara sa ibang fountain, this one is far more tinier than anything else.

Parang kasing lapad lamang namin itong tatlo na magpoporma ng bilog na naka stretch ang mga kamay.

May six layers ang fountain kung saan dinadaanan ng tubig nito kaya't ang ganda tignan.

Nilibot pa namin ang aming tingin sa paligid but almost 15 minutes na ang lumipas, pero wala pa ring clue na pwede naming makita para mahanap ang Internet stone.

Nagkita muli kaming tatlo dito sa may fountain place matapos ang paglilibot sa buong village.

"Mukhang wala tayong mahahanap dito." Saad ni Skull.

Sang-ayon ako sa sinabi niya. "Umalis nalang tayo rito. Marami pa naman sigurong—"

"Wait!" Biglang pinutol ni Joker ang sinasabi ko kaya't taka kami ni Skull na nilingon siya.

"Anong problema?" Tanong ko rito. Nakatingin siya ngayon sa fountain water. Tila may tinitingnan sa ilalim nito.

"There's no fish in there, wag kanang umasa." Skull speculated.

But Joker shrugged him off. "Hindi naman yun ang tinitingnan ko e."

"Then what?" Tanong din ni Skull rito.

May tinuro si Joker sa ilalim nitong tubig. "Look."

Sabay kaming napadungaw din ni Skull sa tinuturo niya sa ilalim ng fountain water. At first, wala kaming nakikitang kahit ano hanggang sa bigla din kaming nakaaninag ng isang switch-like button do'n. So that's it!

"Ano ang bagay nayan?" Tanong naman ni Skull retreating from leaning towards the fountain.

"Let's see and find out." Sabi ko naman sabay inilagay ang kanang kamay sa tubig hanggang sa maabot ko yung button sa ilalim, and then tap it once.

We were thrilled by what's gonna happen next, but 5 seconds na ang lumipas and nothing even happened. Oh. So we were wrong then— woah!

Nagulat kaming tatlo sa nangyari nang bigla nalang tila yumanig ng isang beses ang buong paligid and then it stopped. Like a giant feet stomping it's foot creating mild quakes to the ground.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Skull kaya't nagkatinginan naman kaming tatlo.

Hanggang sa bigla nalang ding tila umandar na parang elevator ang buong village na ito upwards, kaya't nagulat kaming napahawak sa fountain side para hindi magpagulong-gulong sa paligid, dahil masyadong mabilis ang pag-angat nito sa himpapawid.

War Of Ranks Online: Volume 4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now