Ranked #07: Secret Skill

104 18 5
                                    

Chapter 07: Secret Skill

Jeremy's Point Of View

Drake is smiling. All over his face. That smirk. I'll make sure it will never last long. Tatapusin ko ang labang ito at itigil na ang mga kabaliwang ito na sinimulan nila.

"Wow. That was a sad ending for the Joker, isn't it." Nasa itaas na ngayon ng rooftop si Drake at nakapamulsang tumabi kay Kel. Dumungaw ito sa amin ni Skull.

"I'll tear you to pieces." Galit na sambit ng katabi ko kaya't napabuntong-hininga naman ako.

"No need to rush, Skull."

"Alam ko. Pero wala nadin naman tayong oras ngayon. Hindi tayo dapat tutunganga lang hanggang sa makabalik ang iba." saad naman din niya't nagpalabas pa ng malakas na enerhiya sa kaniyang katawan. "Kung may plano ka, bilisan mona ang kilos. Basta't susugod na ako."

"Sandali—" pero tila wala siyang narinig at tila kidlat sa bilis na nagsprint palapit sa kalaban ngayon.

"Tapusin mona siya." utos ni Drake sa katabi kaya't mabilis din namang kumilos si Kel at tumalon pababa ng building.

Patalon din namang sinalubong ni Skull ang lalaking yun at nagkasanggaan sila ng sandata midair, dahilan para kumawala ang napakalakas na shockwave na nagpabitak sa ilang parte ng lupa at walls sa paligid.

Bumagsak naman pababa si Skull sa sahig dahil tila mas malakas sa kaniya ang kalaban. Nabaon ang katawan niya sa lupang yun na malawak ding nabitak sabay nagtalsikan ang mga debris sa iba-ibang direksyon.

May halos kasing laki lang ng kamao ko na block ang bumulusok sa akin kaya't nasalo ko naman yun ng isang kamay.

Sabay ginamit ni Kel ang pwersa ng pagbagsak niya para pababang itusok sa mismong dibdib ni Skull ang kaniyang espada. Ngunit sa kabila ng bilis ng kilos niya, mabilis pa ring nakagulong pakaliwa si Skull.

Kaya't saktong nakailag siya sa espadang yun na dumiretsong tumarok sa lupa at mas lalo pang nagkabitak sa lakas ng pwersa. Mula ngayon sa kanan ni Kel paikot namang isinipa diretso ni Skull ang kanang paa tungo sa kanang sentido ng kalaban.

Pero mabilis lamang ding naiharang ni Kel ang kaliwang palad rito't kumawala man ang malakas na shockwave ng sipang yun, hindi naman ito tuluyang nakaapekto sa kaniya at kalmado pa rin ang itsura niya.

Nahugot muli ni Kel ang espada mula sa lupa't paikot na iwinasiwas yun pahalang, diretso sana sa mismong kaliwang leeg ni Skull, pero mabilis lang din namang naiyuko nito ang leeg niya't kamuntikan lang talaga siya dun.

"Tanggapin mo 'to!" While still crouching, gamit ang kanang kamao ni Skull buong lakas at bilis niya itong ipinabulusok ng suntok diretso sana sa dibdib ni Kel ngayon.

Pero sa kabila nun, nagawa ding maiharang ng huli ang pisngi ng kaniyang espada rito kaya't isang malakas na tunog ng kalansing ng mga metal lamang ang narinig, kasabay ang pagpakawala ng isang shockwave sa lupa't nagkalasan ang ilan sa mga ito at umabot pa sa kabilang building ang lakas ng shockwave na nagpawasak din sa glass walls at walls nito at ang mabilis ding pagkakaatras ni Kel papalayo kay Skull.

Pero halos dalawang metro lamang din ang nailayo niya sa kakampi ko't muli din itong nakapwersang makabalik sa tamang balanse ng kaniyang mga paa't humakbang muli paabante, sabay pahalang na muling iwinasiwas ang espada tungo sa kanang leeg naman ngayon ni Skull.

Nagulat man ay nagawa pa ring maiyuko nito ang ulo't naiwasan ang atakeng yun, dahil siguradong iniisip niya na kung gaano kalakas ang depensa ng Kel na ito ngayon. Kahit yung espadang gamit nito ay wala man lang kahit anong senyales ng pagkabitak o gasgas.

War Of Ranks Online: Volume 4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now