Ranked #12: Cached Data

115 24 9
                                    

Chapter 12: Cached Data

Jeremy's Point Of View

12 seconds nalang.

Shit! Bakit ba hindi ko mahanap yun?!

Hindi ako tumigil sa paghahanap dahil para bang hundred plus na data ang nasa loob nito ngayon. Kailangan kong mahanap yun dito. Sigurado akong nandito lang yun.

9 seconds!

Ano ba! Bakit wala?! Imposibleng wala yun dito.

I did not stop searching for that thing kahit na kunting sandali nalang ang natitira. Hindi ko kailangang tumigil ngayon. Hindi ngayon!

6 seconds!

5...


4...





3...









2...





I found it!

Pinindot ko ang stop self-destruct countdown sa internet data kaya't tumigil sa 1.2 seconds ang oras sa countdown nayun.

Kaya't napalingon ako sa internet stone at napangiti nang makitang ayos lang ito. I did it!

Kasabay nun ay nawala ang barrier force sa na pumapalibot sa fountain area.

Napabuntong-hininga naman ako. Muntikan nayun pero mukhang maswerte pa rin talaga ako kahit sa pagkakataong ito.

Kaya't ngayon na ang oras para tapusin na ang lahat. Kailangan konang ilagay ang huling hakbang ng misyon. Pero nung sandaling nakakaisang hakbang pa lamang ako papunta rito, "Kung iniisip mong tapos na ang lahat..."

Nagulat ako nang marinig ang boses nayun mula sa likod. Boses yun ni Drake!

Mabilis ko itong hinarap at dalawang energy spear ang sumalubong sa akin. Tumama ang mga ito sa binti at dibdib ko kaya't nailuhod ko ito kaagad sabay napatukod ang isang kamay sa lupa habang napadaing sa sakit dahil sa pagkakatagos ng mga spears na ito sa katawan ko.

Nakita ko si Drake 7 meters mula ngayon sa harapan ko at abot-tenga ang ngisi nito sa labi kahit na puro dugo ang mukha at katawan.

"...pwes nagkakamali ka."

Ang taong 'to. Teka.

Zero HP na siya! Diba dapat naglaho na siya kanina pa? Wag mong sabihing...

<Grey: That's why I really hate cheaters.>

<Stein: Oh for goodness sake.>

Hindi talaga maganda 'to.

"Drake, tumigil kana!" sigaw ko rito sabay buong lakas na hinugot ng dalawang kamay ang spear na nakatarok sa dibdib ko sabay bagsak na inihagis ito sa gilid na lumikha ng pagkalansing na tunog.

"Tumigil? Nagpapatawa kaba?!" sigaw din nito pabalik sabay isang blue energy spear ulit ang nabuo sa kaniyang kanang kamay't mas mabilis pa sa kidlat na ibinato yun pabulusok sa direksyon ko.

War Of Ranks Online: Volume 4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now