Kabanata 2

0 1 0
                                    


Naghahanda ako ngayon para sa quiz namin mamaya sa Math.
At ang isang 'to. Busy! Busy makipagchikahan!

"Hoy! May quiz mamaya ah? Di ka magrereview?" Tanong ko kay Angel na tawa nang tawa.

"Sus! Basic lang yan! Friend ko na classmate nating Math geek," Tuwang-tuwa niyang saad sa'kin. Ito talaga! Matalino naman siya sa Math, ayaw gamitin at ng hindi na siya nangongopya.

"Okay, class I'm giving you an assignment about what we discussed last time. Submission is on Monday. I hope lahat kayo makakagawa. Goodbye and see you next time." Pamamaalam ni Ma'am Soriano sa'min pagkatapos niyang magbigay ng quiz.

Sa wakas! Break time! Ganitong break ang gusto ko.

Pababa na ko papunta sa usual spot naming magkakaibigan. Hindi ko sila kasabay dahil bumili sila ng pagkain. Gano'n naman ang routine namin during break time. Sila ang bibili ng pagkain at ako ang mauuna sa usual spot namin para walang makaupo at hindi kami maunahan sa pwesto.

Hinahanap ko ngayon yung notebook ko na pinagsulatan ko kanina ng mga assignments. Saan ko ba nilagay 'yon? Imposibleng mawala 'yon at ang liit lang ng bag ko!

"Oh? Ano hinahanap mo?" Salubong agad ni Angel sa'kin habang nilalagay yung mga pagkain sa mesa namin.

"Notebook ko. Did you see it?" Natatarantang tanong ko sa kanya.

"Anong notebook? Yung para sa mga assignments ba?" Baling niya sa'kin habang kumakain.

"Yes! That one. Bakit alam mo?" Tanong ko.

"Oh! Sorry hiniram ko hehe." Painosenteng sagot niya.

"Okay. Next time paalam mo para di ako mataranta kahahanap." Pagtataray ko sa kanya.

Uwian na at hinihintay ko na lang sina Angel dito sa hallway. May bibilhin daw sila at kailangan na kailangan nila 'yon. Gano'n ba kahalaga para iwan ako magisa dito? Psh.

"Oh? Tara na at magluluto pa ko paguwi!" Pagmamadali ko sa mga babaeng 'kala mo sa buwan naglalakad.

"Ito na! Easy ka lang 'te!" Pangaasar ni Kira. Nakitawa naman 'tong mga 'to. Funny yorn?

"Ate! Bilisan mo nagugutom na 'ko." Salubong sa'kin ni Lize pagkapasok ko sa kwarto ko.

"Bakit? Hindi mo ba kinain baon mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kinain ko naman, Ate. Nagugutom lang ako ngayon kasi gabi na." Patawa niyang sabi sa'kin.

"Punyeta naman, Cherryl! Ano 'to!? Ulam ba 'to!?" Dinig naming sigaw sa baba. Si Papa. Baka tuyo na naman ang ulam niya.

"Kung ayaw mo kainin edi pwes! Magluto ka ng sarili mo!" Balik na sigaw ni Mama.

"Lagi na lang silang ganyan, Ate." Saad ni Lize habang nakatingin sa pintuan ko.

"Hayaan mo na. Tara na magluluto na 'ko ng ulam mo." Pagyayaya ko sa kanya papuntang kusina.

"Gusto mo bang magbiscuit muna?" Pagbabago ko sa isip niya.

Naririnig ko kasing may mga gamit na hinahagis si baba.
Buti naman at pumayag na lang siya. Gutom talaga siguro.

Pagkatapos kong maghanda, kumain, maligo, at magayos dumiretso na ko sa kusina. As usual, ihahanda ko ang baon ni Lize.

"Oh. Ubusin mo yan." Paalala ko sa kanya. Tanging pagtango at pag thumbs up ang tugon niya sa sinabi ko.

Ayoko talaga sa Math! Bakit dati magaling naman ako do'n? Nagegets ko naman yung lesson dati ah! Bakit ngayon hindi na!? Argh!

Yesterday's Dream (Sueños Series #1)Where stories live. Discover now