Kabanata 7

0 0 0
                                    


Nakalipas na ang halos dalawang taon at magkakasama pa rin kami. Nagtuloy-tuloy yung samahan namin. Yung sabay-sabay sa pag-uwi at pagkain ng mga kung ano-ano bago umuwi. Naging routine na naming magkakaibigan 'yon. Ngayon iiwan na namin ang buhay junior high school at magiging senior na kami!

Moving up namin ngayon at nagaayos ako para pag umakyat ako sa stage ay bongga! Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko and yes! I have a phone now! Binili ako ni Nanay at hindi ko alam saan niya kinuha ang pambili. Probably sa anak niyang si Tita na nasa abroad. I'm so grateful I have her in my life. Without her I wouldn't be here, I wouldn't make it this far. Sila ng kapatid ko ang pagasa ko sa buhay. Sila ang buhay ko.

Zach:
Sunduin ko kayo nila Nanay sabay na tayo pumunta sa school.

Nung nagkaphone ako ay siya ang unang naglagay ng number niya at para raw hindi na ko nagbubukas ng data para magonline kung gusto ko lang naman daw magtanong sa kanya o ano 'man.

Kira:
gurl anu na wer na u dito na us

Mga excited ah!

"Rylie! Nandito si Zach at bumaba ka na," dinig kong sigaw ni Nanay sa baba.

Bumaba ako at nakita ko si Mama na nakangiti at mangiyak-ngiyak. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako ngayon at kasama ko sila sa pag graduate ko sa junior high school. Wala si Papa at hindi ko alam kung nasaan siya. Ayos lang naman sa'kin.

"Dalaga ka na 'nak." Ngiting bati niya.

Tinignan ko sila at nginitian. Inaya ko na sila na tumulak na at baka mahuli kami lalo pa't text nang text yung mga babae. Akala mo ay nasa marathon, may humahabol.

Ipinulupot ni Zach ang kanyang braso sa aking leeg na parang hinehead lock ako. Normal na sa'min ang ganito. Sa tagal naming maging magkaibigan ay komportable na kami sa isa't-isa gawin ang mga bagay na ganito. Minsan nga pinagkamalan kaming mag-on eh. Duh. Friends lang kami niyan.

"Congrats, Chzena!" Masayang bati niya.

Gagraduate na rin siya sa senior high school. Next week pa ang kanila at nauna kami dahil moving up ang sa amin.

"Alam mo na ba saan ka magsesenior high?"

"Dun pa rin. Ayoko nang lumayo. Ikaw? Saan ka magkacollege?" Tanong ko.

"Hindi ko pa alam pero nagtake na ko ng entrance exam sa mga iilang school," aniya.

Tumango na lamang ako at dumiretso sa paglalakad.

"Chzena!" Hiyaw nina Kira habang tumatakbo papunta sa'kin at hinagkan ako. Grabe naman akala mo ngayon lang nagkita.

"Congrats sa atin! Natapos na rin natin ang kalbaryo level 1!" Mangiyak-ngiyak niyang ani.

"Pinagsasabi mo?" Takang tanong ni Angel sa kanya.

"Level 1 pa lang 'to. Yung kalbaryo level 2 ay sa senior high at ang level 3 ang college at ang final kalbaryo ay pag nagtatrabaho na tayo!" Mahabang litanya sa amin.

Humalakhak kami sa kalokohan niya. Parang buang eh.

Nagtatawag na ng mga pangalan at malapit na ang section namin.

Sa wakas! "Rylie Chzena M. Sollena," pagtawag sa pangalan ko. Umakyat akong nakangiti kasama sina Nanay at Mama sa stage at kinamayan ang mga teachers at principal namin.

Pagkatapos ng moving up ay nagpipicture kami ngayon dito sa gitna at lahat naman yata ginagawa iyon ngayon.

"Congrats!" Hiyaw nilang lahat at patalong yumakap sa'kin.

Nakikita ko ngayon na sobrang saya nila dahil sa wakas ay natapos na namin ang unang yugto sa aming buhay. Nalampasan namin ang mga mahihirap na Math problems. Ang P.E na buwis buhay kong sinayawan noon. Yung Science lab na puro kalat dahil si Kira ay puro kaharutan ang ginagawa kaya yung experiment niya ay hindi niya namalayan.
Ngayon naman ang haharapin namin ay siguradong mas mahirap sa junior high. Kaya ko 'to! Nandito naman sina Zach para tulungan ako pag nahihirapan na ako eh. I'm so blessed to have them.

"Congratulations ulit, Chzena," sabay abot na maliit at kulay black na may gold lettering na box.

Tinignan ko ang nakasulat.

'Congratulations! Soar high, Chzena.'

Tinignan ko siya nang nangingiti. I'm so touched. Naalala niya kong regaluhan kahit na hindi naman kailangan at presensya lang nila ay ayos na.

Naiiyak ako. It's my first time that someone's got a gift for me because I achieved something.

"Mamaya mo na tignan yung laman paguwi niyo--"

Niyakap ko siya. Sobrang saya ko ngayong araw na 'to. It feels so surreal. I'm now graduated in junior high school. I'm with my family and friends, especially with Zach. And he's got a gift for me. Hindi dahil sa regalo ay masaya ako it's the thought of giving me a present that really made my heart sail in bliss. I mean I'm happy he's got a gift for me! But it's his thought of giving me something, ibig sabihin ay naalala niya ako. Mahalaga ako sa kanya. Nothing will make me happier than this. This is my most valuable and important day for me now.

Pagkatapos ng picture taking ay dumiretso kami sa bahay nila Anna. Dahil marami raw hinanda ang family niya for her. Sa bagay sa aming magkakaibigan siya ang pinaka nakakaangat sa buhay. Kumain kami nang marami at sayang 'to kung hindi mauubos. Masarap pa naman!

Nagkwentuhan at tawanan kami habang kumakain.

"Ikaw, Rylie? Anong strand ang kukunin mo?" Baling ni Anna sa'kin.

Napaisip ako. Ano nga ba ang gusto ko?

"Hindi ko pa alam eh,"

"Sa bagay, may ilang months pa naman para magisip," aniya.

Tapos na ang celebration at nagyayaya nang umuwi sina Kira dahil hinahanap na raw siya ng magulang niya. Umuwi na kami at nagpaalam sa isa't-isa.

May hinanda naman sila para sa'kin dito sa bahay at alam naman nilang kila Anna ako makikicelebrate. Mas ayos nga raw sa kanila iyon para masulit ko ang araw ko kasama sila.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Oo nga pala. Yung regalo ni Zach sa'kin!

Binuksan ko ito at nagulat sa laman. Isang gold bracelet!
Ang ganda. May butterfly sa gitna at kapag tinignan mo ito, ang butterfly ang aagaw sa pansin mo dahil sa ganda nang pagkayayari nito. Simple lang siya pero sobrang ganda! Lalo pang gumanda dahil si Zach ang nagbigay!

Agad-agad kong kinuha ang phone ko at itinext siya.

Ako:
omg ka 😭😭😭 true ba i2

Hindi yata siya busy at agad ang reply niya.

Zach:
Yes. Why? Don't you like it?

Ako:
hindi talaga! coz i luv it!!! thank u so muchh 😭❤️❤️

Gold nga! Oh my gosh! Alam ko naman na may kaya siya sa buhay pero yung regaluhan ako ng gold? Mapapa omg ako nang todo to the max!

Hindi na siya nagreply at hindi ko na lang pinansin yon. Baka busy malapit na graduation nila eh.

While in awe by the bracelet he gave me, my phone ring.

Zach calling…

"Hello? Omg ka! I'm so fluttered, Zach! Bakit gold? Pwede namang stainless steel lang!" Bungad ko sa pagtawag niya.

Tumawa siya. "You deserved it, Chzena."

Natahimik ako. Someone's just said I deserve something. And that someone is Zach.

You really effortlessly make me be awstricken by you.

Yesterday's Dream (Sueños Series #1)Where stories live. Discover now