Kabanata 9

0 0 0
                                    


First day of class namin ngayon bilang senior high school students and I'm so freaking nervous. Introduction ang magaganap pag first day of classes! And these girls behind me are not helping! Lalo nilang dinidiligan ang kaba ko!

"Oh ano? Gotta go! See yah later baby girls! Mwah!" Ani Kira at nagpatuloy sa paglalakad kung saan man papunta.

"Ano, bhie? Mukha kang natatae," Angel uttered while laughing.

I rolled my eyes and walk past by her. Kaya ko 'to! Kaklase ko naman kapatid ni Gab eh.

Nakapasok na ako sa classroom at hinahanap si Ella. Ayun!
Tahimik lang siya at nagcecellphone. Wala pa naman ang teacher namin so okay lang siguro ang ginagawa niya. Besides most of our classmates are doing it too. Tinawag ko siya at kumaway.

"Ella!"

Tumingala siya at namula ang mukha nang makita ako. Mahiyain.

I asked her. "Tabi ako sayo ha?"

She just nodded and smiled at me then continue what her doing.

May pumasok na lalaking nakapolo shirt at mukhang nasa mid 30s. He looks… good. Siya siguro ang adviser namin.

Nagsiayusan ng upo ang mga classmates ko at itinigil ang kaninang ginagawa.

He coughed. "Good morning everyone. I'm Antonio Cruz and I will be your adviser for this semester. So… it's our first day and I want to know all of you. Introduce yourselves tayo. Ayos lang ba sa inyo mga hijo at hija?"

Tumango na lamang kami. Wala naman kaming choice 'no! Ganoon naman talaga pag first day. Sinabi ni Sir na magsisimula sa first row and first seat. Nakahinga ako nang maluwag dahil nasa gitna ako at makakapaghanda pa.

"State your name, age, motto sa buhay, at lastly para naman exciting tell us why are you studying?" Nangingiting aniya.

"I'm Luke Cordilla and I'm 17 years old. My motto in life is always aim for success. At nagaaral ako dahil gusto kong magtagumpay sa buhay. That's all. Thank you."

That's a good and serious one huh?

"Hi! Ako si Joan Sancho. 16. At ang motto ko sa buhay ay pag binato ka ng bato, singhutin mo. Nagaaral ako dahil pumasok ako sa school."

Nagtawanan kami dahil sa sinabi niya. That was one hella hilarious! Nagloosen up kami dahil sa kanya at ang iba ay puro katatawanan ang sinabi.

Mabilis ang pagpapakilala at nasa gitna agad ang tatayo at magsasalita.

"Good morning! My name is Josh Aki Cho. 18 years old. Ang motto ko sa buhay ay hindi ako tamad, masipag lang ako magpahinga. At nagaaral ako dahil… hehe." Kakamot-kamot sa ulong aniya na para bang nahihiya.

"Hi! Ako si Rose Keann Pelgan. Labing walong taong gulang at ang motto sa buhay ay I love you. Nagaaral ako dahil...bahala na po kayo hindi ko rin alam," natatawang aniya.

Sa sobrang aliw ko sa mga sinasabi nila hindi ko namalayang si Ella na pala ang susunod at ako na!

"Good day everyone! Ako si Gabriella Soller at I'm 16 years old. My motto in life is go lang nang go! At nagaaral ako dahil gusto ko maging rich strict beautiful tita in the future."

Sa sobrang tuwa ko ay pumalakpak ako. Akala ko naman ay mahiyain siya!

Ay shocks! Ako na!

"Hi! Ako si Rylie Chzena Sollena at 17 years of age. My motto in life is... take risks. At nagaaral ako dahil gusto ko yumaman." Pagkatapos ay ngumiti ako.

Pagkaupo ko ay kinalabit ako sa braso ng nasa unahan ko. Ito yung si Josh yata?

"Gustong yumaman ah. Mukha ka sigurong pera," naniningkit na aniya.

Yesterday's Dream (Sueños Series #1)Where stories live. Discover now