Kabanata 8

0 0 0
                                    


Katatapos lang namin mag-enroll at nagugutom na ako pero kailangan pa namin maghintay ng ilang oras dahil pagkatapos ng enrollment ay orientation na agad. I don't know why they're in a rush but it's a good thing for me para naman may time pa kong maghanda at magisip para sa pasukan. Sinamahan kami ni Zach sa pag-eenroll at kasalukuyan kaming nakikinig sa sinasabi ng speaker tungkol sa rules and regulations of the school, kung ano dapat ang suotin at dapat hindi, paano ang kalakaran at kung ano-ano pa. As if namang hindi namin alam iyan e' we graduated junior high here.

Yes, we decided to stay here pero si Anna ay lumipat na ng ibang school. Ang sabi niya sa'min parents niya ang may gusto no'n dahil aniya ng magulang niya it's much better if she study in a most prestigious university here in our town at kung magustuhan niya ay pwede siya magpatuloy doon sa college.

"Gutom ka na ba?" Tanong ni Zach.

Katatapos lang ng orientation at palabas na kami sa room patungong canteen dahil bibili raw sina Angel ng pagkain.

"Oo, kanina pa nga eh tiniis ko lang kasi orientation ang sunod," ani ko.

"You should've told me earlier then. Naibili sana kita ng pagkain." Nakakunot noo niyang baling sa'kin.

Problema nito?

"May regla ka ba?" Natatawa kong saad.

Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sungit.
Huminto ako sa gilid at hinintay na lang siyang makabili ng kakainin namin. Hindi na ako nagabala na bumili pa sa sarili ko dahil maiinis lang siya at irarason na pwede namang siya ang bumili ng pagkain ko. Psh. He and his silly reasons. Nangingiti ako nang iabot niya sa'kin ang dalawang egg sandwich, tatlong Hi-ro biscuits, at isang mineral water na hindi malamig.

"Ang dami naman nito!" Angil ko.

"You told me you were hungry,"

Umirap na lamang ako at umiling. Oo gutom nga ako pero sobra-sobra naman 'to para sa'kin!

"Wala silang meals dahil nga orientation lang kaya ayan ang binili ko. I know you love those," nakangiti naman niyang ani ngayon.

Seriously? Mood swings? Meron talaga 'to.

Naglakad na kami kasabay nila Angel patungo sa pwesto namin kanina. Habang naglalakad ay pinauuna ko siya at sinisilip ang likod niya. Pwetan, to be exact.

"What are you doing?"

"Sinisilip ko baka may tagos ka," I almost laugh.

Kumunot ang noo niya at umambang lalapit sa'kin nang may tumawag sa kanya.

"Zach!"

Oh! Ito yung teammate niya noon.

"Gab, what are you doing here?" Tanong niya pero sa'kin pa rin nakatingin.

"Sinamahan ko yung kapatid ko na mag-enroll, bro." Nakangiting saad niya at bumaling sa'kin.

Nginitian ko siya at kinawayan. Kilala ko naman siya eh.

"Hi, Rylie! Dito ka pa rin?" Anas niya.

Tumango ako, "Oo. Kayo saan na?" Tanong ko.

Nawala ang atensyon ko sa kanya nang may tumawag sa kanya. Mukhang ito yung kapatid niya. Maganda ah. Mukhang matalino pa! STEM siguro kinuha nito.

"Kuya! Ba't mo naman ako iniwan do'n? Alam mo namang di ko pa masyado alam 'to eh," iritang saad ng babae.

Oh. Transferred. I wonder why?

"Hi! I'm Angel. Anong strand kinuha mo?" Nakangiting anas sa kanya. As usual. Ms. Friendly never goes off huh?

"Uh… ICT," nahihiyang aniya.

"Omg! What's your name? Section? Baka classmates tayo!" Saad ko.

"Gabriella but you can call me Ella for short. ICT-1B ako," she said.

Oh my gosh! Oh my gosh to the highest max level! We're classmates!

Bago pa 'man ako makapagdiwang at makipagkaibigan kay Ella, Zach interfere and told them we're off to go.

"Ano ba naman, Zach! Classmate ko 'yon!" Pissed off by what he did earlier.

"You got busy by them and forgot to eat the food I bought for you," walang emosyon na aniya. "Besides you can befriend to Ella sa pasukan. You don't need to do that today and forget to eat." Pagdagdag niya sa sinabi.

Nainis ako at nagmartsa pabalik sa pwesto namin. Wala akong paki kahit magisa siyang papunta rito.

"Eat."

I hissed and ignored him. Kinain ko lang ay ang isang egg sandwich at inilagay ang natirang mga pagkain sa tote bag na dala ko.

Hanggang sa paguwi ay iniignora ko siya at tuwing napapabaling ang tingin ko sa kanya ay iniiripan ko ito kahit na nahuhuli kong madalas ay nakatingin sa akin. Bahala siya sa buhay niya. Nakakainis siya. It's my chance to get a friend na classmate ko kanina dahil alam kong mahirap mag-aral pag walang kaibigan sa loob ng classroom o kahit kaklase 'man lang and he seems not fine with it.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa pintuan namin nang hinigit niya ang palapulsuhan ko at tinignan.

"Look, Chzena. I didn't mean to barged in earlier, I was just worried that you'll forgot to eat--"

"You should've let me befriend to her at least! Hindi naman aabot ng buong isang araw iyon!" Pagputol ko sa sasabihin niya.

"Yes. I'm sorry, it's my fault." Nakayuko niyang sambit sa akin.

Natauhan ako at naisip na ang babaw ng pinagaawayan namin. He's just worried that I'll skip eating and here I am throwing tantrums in front of him yet he said he's sorry for what he did. Parang isinampal sa pagmumukha ko na may mali rin ako at inaway ko pa siya.

I looked at him then lowered my gaze because of embarrassment.
"I'm sorry. I'm… I-I'm being unreasonable," muntik pa kong pumiyok dahil pinipigilan kong maluha.

Ang babaw-babaw ko. Dahil lang do'n inaaway ko siya?

Umiling siya nang umiling at hinila pa ako papalapit sa kanya. Itinaas niya ang baba ko gamit ang hintuturo niya at ngumiti.

"It's okay, Chzena. I'm at fault too and I'm sorry for that." Aniya at hinagkan ako.

Ngumiti na lamang ako habang yakap niya. What a good memory to dream about. He hugged me in the middle of the road and moon is watching us. Only the moon saw how much I adore this guy in front of me.

Kumalas siya at hiniling kong wag na muna sana. Sana tinagalan niya pa at nabitin ako!

Ngumiti siya at sana hindi niya napansin na nanginginig na ang labi ko kapipigil na ngumiti ng malaki dahil sa biglaang yakap niya. Hiniling kong sana ay hindi niya nakikita ngayon na namumula ako. Sigurado akong namumula ako ngayon at nakakahiya iyon!

It would be more embarrassing if I look like a kitten right now that is so much smitten for his owner.

"Uh… p-pasok na ako sa loob. Bye." Nauutal kong saad at nagmamadaling maglakad sa loob.

Pero hinigit niya uli ako at hinalikan sa noo.

"Good night, Chzena. Sweet dreams." Nakangiting aniya.

Yesterday's Dream (Sueños Series #1)Where stories live. Discover now