Kabanata 3

0 1 0
                                    


Esp subject namin ngayon at nagdidiscuss si Ma'am kung ano ang activity namin today.

"Okay, class. Ang gagawin natin sa araw na 'to ay debate ulit."
Ang daming nagreact. Pa'no ba naman kasi madalas patok sa kanila yung mga choices.

Meron pa nga. Ano ang pipiliin mo, ang magmahal o masaktan?

Syempre ang magmahal ang pinili ng lahat. Sino ba naman ang aayaw sa pagmamahal? Masarap sa pakiramdam ang magmahal.

Sa edad kong 'to, alam ko kahit pa'no na ang magmahal ang nais ng lahat. Kasi nga dun mo mararamdaman ang sobrang kasiyahan na iba sa lahat ng pakiramdam. Ibang pakiramdam ang nabibigay ng pagmamahal. Yung nanaisin mo nang paulit-ulit. Yung hindi ka magsasawa. Nakakaadik.

Pero di ba ang magmahal at masaktan ay laging magkasama? Pag nagmahal ka, pwede kang masaktan. Pag nasaktan ka ibig sabihin nagmahal ka.

"We have two choices, of course. What would you choose? Ang mahal mo o ang taong mahal ka? Great choices, isn't?" Pagpapatuloy ni Ma'am sa sinabi niya kanina.

"The instructions are still the same. Go to the right side sa mga pipiliin ang mahal nila. Sa left side naman ay sa mga pinili ang taong mahal sila and I'll call a name from the both sides then debate." Paliwanag ni Ma'am sa'min.

"Sana 'wag ako mauna, please." Bulong ng nasa gilid ko.
Katabi ko pala 'to!

"Oh? Bakit naman?" Takang tanong ko kay Angel.

"Ano ka ba naman! Syempre first 'yon eh!" Pahisteryang sagot niya sa'kin. Aba.

"Malamang first ang mauuna. Kasi nga 'first'." Paliwanag ko.

"Okay. Ms. Cruz from the right side and… Mr. Olaga of course, from the left side," Pagsisimula ni Ma'am. "Right side first." Ani niya.

"Mahal ko ang pipiliin ko dahil siya ang gusto ng puso ko. Siya ang ang gusto kong makasama--" Pagsisimula ni Cruz.

"Pero napapasaya ka ba niya? Hindi lahat ng taong mahal natin ay mahal tayo kaya mas mabuting ang taong mahal tayo ang piliin natin dahil sa oras na ginawa natin 'yon binigyan natin ng pagkakataon yung taong 'yon na mahalin tayo at patunayan ang sarili nila sa atin--" Ani ni Olaga.

May point siya, ah.

"Pero hindi ba tayo nagbibigay ng false hopes sa taong mahal tayo pag binigyan natin sila ng pagkakataon? It'll just make things worse. Kung pipiliin mo ang taong mahal ka kahit hindi mo naman mahal, ang unfair mo naman kasi masasaktan mo siya dahil nga hindi mo siya maha--"

"Kaya nga bibigyan ng pagkakataon yung tao na mahalin ako at patunayan niyang mahal niya nga ako. Lahat naman ng bagay binibigyan natin ng pagkakataon kasi dun natin malalaman kung susubukan natin. And pain is the twin of love, Ms. Cruz. It's always worth trying than nothing--"

"Hindi lahat ng bagay worth it subukan, Mr. Olaga. There are things that are meant not to try. Because if you keep pushing things that are not meant to you, you'll just add fuel to the fire. You'll put alcohol on open wounds." Ani ni Cruz.

"Ika nga, 'Fortune favours the bold'. People who take risks has a higher chance to get a high reward. Love is a risk. Sa lahat ng bagay nagbabaka sakali tayo. Pa'no nga natin malalaman kung hindi natin susubukan?" Pagsagot ni Olaga.

"Okay! Times up!" Pagtigil ni Ma'am sa pagsasagutan ng dalawa.

"We're running out of time kaya ieend ko na dito ang debate natin. Let's proceed to our main objective." Saad ni Ma'am.

"Anong pumasok sa mga isipan niyo nung pinapili ko kayo? May mga napansin ba kayo?" Tanong niya.

"Meron, Ma'am! Masyadong intense yung sagutan nila!" Pagsagot ng isa kong kaklase.

"Marami pong pumili sa mga taong mahal nila, Ma'am." Sabi nung isa.

"We made a decision." Ani ko.

"That's right, Ms. Sollena! Class, kaya ko kayo pinagdebate para iparating sa inyo na all our actions are made by our decisions. In all we say and we do. Just like what I'm doing right now. Nagsasalita ako sa harap niyo dahil desisyon ko ito. Desisyon kong magturo sa inyo ngayon. Umiikot ang mundo natin sa desisyon. Dahil kung hindi tayo magdedesisyon, walang mangyayari sa mga buhay natin. At saan nanggagaling ang mga desisyon natin? Free will. We all have a free will. May kalayaan tayong magdesisyon para sa mga buhay natin. Kaya sana we use that in all good and better ways." Mahabang pagpapaliwanag niya.

Patuloy si Ma'am sa pagpapaliwanag habang itong tatlong nasa likod ko, aba! Di matinag sa kadadaldal! Pag 'to nahuli ni Ma'am. Ewan ko na lang.

"Bakit kaya puro pinapadebate ni Ma'am tungkol sa love?" Dinig kong tanong ni Anna sa dalawa.

"Syempre mas catching sa'tin kasi puro tayo kalandian!" Sagot naman ni Kira.

"Hoy! Grabe ka naman! Nagaaral din tayo 'no!" Angil naman ni Angel.

Kahit kailan talaga 'tong mga 'to. Halata mong si Kira lang matino kausap sa kanila eh!

"Okay, class! It's already time and itutuloy ko na lang ang discussion next meeting. By the way, Ms. Cruz and Mr. Olaga great job! Goodbye and see you all next time." Pagpapaalam niya sa'min.

"Goodbye, Ma'am. Thank you po!" Sabi ng mga kaklase ko.

"Tama si Cruz eh! Dapat naman talaga hindi tayo nagbibigay ng false hopes sa mga nagkakagusto sa'tin kung may mahal naman tayong iba," Pagsasalita ni Kira habang nagliligpit ng gamit.

"Agree. Kung may mahal naman tayong iba tapos nasaktan nila tayo hindi ibig sabihin pipiliin naman natin yung taong mahal tayo. Edi pareho lang kayong masasaktan kung sakali." Pagsagot ni Anna sa sinabi ni Kira.

"Korique mga 'te! Itong isa lang naman, pinili yung taong mahal siya. Edi agree ka niyan sa sinabi ni Olaga?" Pagtatanong ni Angel sa'kin.

"They both have a point, girls. At saka hindi naman natin talagang lesson 'yan ba't niyo ko inaaway?" Natatawang saad ko sa mga 'to.

Parang mga baliw eh. Alam naman nating lahat na despite all of that ang magmahal ang pipiliin natin.

"Oh siya! Lezzgo! Sasabay si Zach sa'tin!" Pagmamadali sa'min ni Angel.

Wala bang friends 'yon? Sasabay na naman? Psh.

"Bakit? Sumabay na sa'tin 'yon last time ah." Pagbaling ko sa kanya.

"Duh? He'll help us in Math remember?" Pagtataray niya.
Bwisit 'to.

"Ah! Oo nga pala. Hanggang kailan ba 'yan sasabay sa'tin?"
Takang tanong ko.

"Zach!! Tara na!" Hiyaw ni Angel sa hallway. Ni hindi man lang pinansin yung tanong ko!

"Don't laugh at me. There's nothing funny." Pagirap ko sa dalawang 'to habang yung isa, ayun! Busy sa Zach na 'yan!

"Come on, Rylie. Jealous much may bagong bff na si Angel?" Pangaasar sa'kin ng dalawa.

Bahala kayo. Mauuna na ko.

"Hi, Chzena!" Oh shocks. Feeling close? Second name basis? Ha!

"Close tayo? Don't call me Chzena." Pagsusungit ko. Aba! Di porque kaibigan niya na si Angel ay friends na rin kami!

"Wag mo pansinin yan. Red day." Dinig kong bulong ni Angel.

Kahit kailan talaga 'to! Alam niya bang dinig na dinig namin yung 'bulong' niya?

"Sungit naman. Ano gusto mo? Fries? Sundae? Burger?" Nangingiting tanong niya sa'kin.

Aba talagang… Ano tingin niya sa'kin patay gutom pag may regla? At saka wala akong regla!

"Psh. Tara na baka maunahan tayo sa spot natin." Pagbabaliwala ko sa tanong niya sa'kin.

Tumawa lang naman siya! Anong nakakatawa sa'kin ha!?

Kanina pa ko naiinis kaya 'tong pagkain ko pinagdidiskitihan ko. Kawawa na nga siya eh. Well, I don't have a choice hindi naman pwedeng sa tao ko ibaling 'tong inis ko 'di ba?

"Whoa… Chill Chzena hindi ka inaano ng pagkain mo," natatawang pansin sa'kin ni Zach.

"Paki mo ba? Mind your own food." Pagirap ko sa kanya.

Bwisit ka talaga! May araw ka rin sa'kin!

Yesterday's Dream (Sueños Series #1)Where stories live. Discover now