×××
KLEEVE
"HINDI NAMIN kailangan ng isa pang taong magsasabi sa'min na confidential ang impormasyong hinihingi namin, officer na halatang ang magulang ay fan ni Justin Timberlake."
"Tama." I said, almost chuckled.
Thymnber Lajke Avelon, huh?
"Mga bugok! Kaya ko nga siya isinama rito para sagutin mga tanong niyo, eh." lumapit si Harold sa'min ni Finx at umakbay nang nakatalikod kay Officer Thymn.
"Apo 'yan ng Superintendent ng Sininta Police Department ," he said in a low tone and eventually looked to the officer. "Sa ibang district siya naka-assign, pero napadaan siya rito kanina at nakapagtanong kung anong nangyari."
"Sa'n mo siya nakita?" tanong ko.
He scratched his head and grinned. "A- d-d'yan lang sa may ano," he looked away and clicked his tongue. "...parking lot!"
Parking lot, huh?
"Kung gano'n naman pala, may alam ka?" Finx asked in his usual tone right after squinting his eyes to Harold.
Harold and I both looked to Officer Thymn, waiting for his response.
"Obviously." He grinned.
Aich. Magkapatid nga sila ni Third.
Inilagay ni Harold ang magkadikit niyang mga palad sa likod ng ulo at humarap na.
"Sabihin mo," Finx approached Officer Thymn. "...ang lahat."
"Lahat ng nalaman mo." His tone was serious.
"Sure."
Inilabas niya ang kaniyang brown notepad at binuklat. I'm expecting a succeeding pages of its papers but to my surprise, it was a rectangle-shaped shallow container, containing some pieces of pictures.
"Look."
Isa-isa niya sa'ming binigay ang mga larawan: napunta kay Finx ang larawan ng sinasabi ni Chief Sagaral kanina na panyo; kay Harold ang tatlong piraso ng naka-zoom na larawang may mga bilang na 1, 2 at 3 kung saan sa gilid ay may dilaw na nakatayong tatsulok na palatandaan; at sa'kin napunta ang hitsura ng crime scene.
My curiosity won over the pitiful feeling I had as I stare on the picture.
Nakagapos ang mga binti at mga kamay ng mga kaibigan ko. Nakabaluktot parehas ang mga likod nila - para bang 'yung posisyon ng isang diver kung magda-dive, pero nakahiga. Wala ring bakas ng dugo ang makikita. Nakabusal din ang kanilang mga bibig at dilat ang mata, nagtitinginan sa isa't isa. Magkadikit ang kanilang mga nakabusal na paa, dahil sa taas na bahagi ang ulo ni Kylah, at sa pinakaibabang bahagi ang ulo ni Irish -
"Hoy? Kleeve?"
Their bodies' position...were forming number 3?
Number 3...
"Patingin." I wasted no time and grabbed the picture from Finx.
A brown handkerchief, embroidered with four-lined poem using a red thread.
Hey, buddy! I do love threesome date!
Ack - I lost my track, now I'm two minutes late!?
My bad. How could I make up to you, my mate?
How about a fruit that'll unlock an unvisited gate?
