×××
FINX
"MAKE YOURSELF at home, hija! Kain ka pa, dali na . . . oh, eto! Masarap 'yan, try it!"
"Ang sasarap po nito, Lola!" she commented while slicing the grilled pork.
"Thank you po, ha?" dagdag pa niya.
Napangisi na lang ako nang wala sa oras. Ang babaeng 'to talaga, napakaraming maskara.
Ibang-iba ang tono ng pagsasalita niya at mga kilos niya ngayon kumpara kanina no'ng nasa bahay kami nina Kleeve.
Goldie is a young clever witch. Walang duda.
Anak nga talaga siya ni Ninong Gord.
Malambing at maamong Goldie ang kaharap ngayon namin ni Lola sa hapag-kainan. Malayong - malayo sa Goldie na nakausap ko noong gabing iyon.
"Kuya Boleng!" nagawa ko pang isigaw ang pangalan niya kahit sobra na ang pagdurugo ng ulo ko.
Tsk! Wala na akong lakas para punitin ang damit ko para pigilan ang pagdurugo ng ulo ko. Ano bang nangyari kay Kuya Boleng!?
Sinabayan ng kidlat ang biglang pagbuhos ng ulan. Lalo tuloy naging madilim dito sa gitna ng gubat.
Napatawa ako sa sarili ko. Paano ba humantong sa ganito ang lahat. Tangina.
"Gardener mo 'yon, ano? Malamang na pera ang dahilan kung bakit niya nagawa 'yon."
Napatingin ako sa likuran ko at sinalubong ang babaeng nakahawak sa kaniyang noo na akala mo'y may sinisipat.
"Sino ka? Taga-rito ka ba? At, paano mo nalamang gardener si Kuya Boleng?" tanong ko. Hindi naman na ako kumontra pa nang talian niya ang sugat ko sa ulo gamit ang itim niyang panyo.
"Nakasalubong ko kasi siya habang tinatakasan ka niya. 'Yung formation ng bato at flowers sa dinaanan niya ay tiningnan niya panandalian at iniwasang matapakan." sagot niya na ikinangisi ko.
"Basehan na ba 'yon para matawag mo siyang hardinero? Paano kung nagandahan lang pala talaga siya?"
"Ayon na nga ang punto. Alam niya kung gaano kalaking oras ang inilalaan para magawa ang ganoong formation ng bato at bulaklak, kaya hindi niya tinapakan. Sa madaling salita, ginagawa niya rin 'yon. Narinig ko rin siyang humingi ng pasensiya habang binubulong ang pangalan mo, 'Sir Finx'. At isa pa . . . "
Hinigpitan niya ang pagkakatali sa sugat ko at inilapit ang mukha ko sa kaniya.
"Isa ang Kuya Boleng mong 'yon sa sinabi ni Papa na makikilala ko ngayong araw; kapag pinuntahan ako ng lawyer niyang nagngangalang Finx Agathon De Guia Gualberto."
