Chapter 1: Where Am I

105 2 2
                                    

kinaumagahan ay nagising na si Pekora sa kaniyang pag tulog ngunit pag gising niya ay natakot siya at nagulat.

"Huh? Na saan ako? Peko!" tanong ni Pekora sa sarili niya habang tumutingin siya sa lugar kung na saan siya.

Note: pag nagsasalita si Pekora ay madalas may Peko sa dulo ng sentence.

"Na saang lugar ako at bat ako nandito? Hindi naman ako nasa gubat ng matulog ako huh? Peko!" tanong niya ulit sa sarili niya.

"Hello?! May tao ba jan?! Peko!" malakas niyang sigaw.

na pag desisyunan ni Pekora na mag lakad lakad habang sumisigaw siya.

ilang oras na siyang naglalakad at wala pa rin siyang makitang tao or kahit na anong bahay.

"Ano bang nangyayari? Peko! Bat wala akong nakikitang ibang tao? Peko! Kanina pa ako naglalakad at sumisigaw pero walang ibang naririto kundi ako. Peko! Don't mess with me! Na saan na ba ako?! Peko!" mahabang salita na sigaw niya.

habang sumisigaw siya ay may kumaluskos mula sa likod niya.

"Huh?!" napatingin siya sa lugar kung saan niya narinig ang kaluskos ngunit laking gulat niya ng may lumabas na malaking boar sa likod niya at nakatingin sa kaniya na naglalaway na tila gusto siya kainin.

"Waaaaahh! Boa! Boooaaar! Peko!" sabi niya habang napatakbo siya sa takot agad namang humabol sa kaniya ang boar ng makita siyang tumakbo.

"Noooooo! Stay away from me! Peko! Pekora is not tasty! Peko! Tulungan niyo ako! Peko!" sigaw niya habang hinahabol siya ng boar.

habang tumatakbo siya ay may nakita siyang malaking butas at ang butas na yun ay natalon niya ng walang kahirap hirap at dahil sa dire diretso lang ang boar na humahabol sa kaniya ay hindi ito naka hinto at nahulog sa malaking butas kaya naman napahinto si Pekora sa pag takbo.

"Huh? Nahulog siya? Peko!" at dahil doon ay tinignan niya ang malaking boar na nahulog at namatay.

"AH↓HA↑HA↑HA↑HA! Yan ang napapala mo sa paghabol sakin. Peko! Nahulog ka tuloy. AH↓HA↑HA↑HA↑HA! Peko!" pang-aasar na sabi ni Pekora sa boar na namatay sa trap ngunit habang nangyayari yun ay nakaramdam siya ng gutom.

"Oh no! Peko! Nagugutom na ako! Peko!" sabi ni Pekora sa sarili niya habang nakatingin siya sa boar na nasa trap kaya naisipan niya kung pwede niya kainin ang boar na namatay sa trap.

humanap si Pekora ng lubid na pwedeng gamitin para makababa siya sa trap at ma try niya na maibitin sa lubid para maiakyat niya ang boar na namatay sa trap.

"Yosh! Yosh! Yosh! Ayus na siguro to. Peko!" sabi niya at nag simula na siyang bumaba.

agad naman siyang nakababa sa loob ng trap at dahil doon ay agad niyang inistrap ang lubid sa katawan ng boar sabay bumalik siya sa taas at hinila niya ang boar ngunit sa laki at bigat nito ay hindi niya ito maiakyat.

"Anong gagawin ko hindi ko maiakyat ang boar na namatay? Peko!" sabi ni Pekora sa sarili niya kaya naman naisip niyang hindi na lang kunin ang boar. At ulit ay naglakad na siya palayo para magpatuloy na mag hanap ng pagkain.

naglakad lakad si Pekora ngunit wala siyang makitang pwedeng akyatin sa mga puno na nakikita niya.

at dahil na rin sa pagod at gutom niya na wala rin siyang pahinga ay nahimatay siya at nawalan ng malay.

Chapter End...

The Reincernate Of The War Bunny Criminal From The Other WorldWhere stories live. Discover now