Chapter 5: Become Adventurer Part 1

7 0 0
                                    

lumipas ang 3 days na pag lalakbay nila Pekora at Flare at sa wakas ay nakarating na sila sa unang lugar na pakay nilang puntahan.

pagdating nila Pekora at Flare ay hinarang sila sa gate.

"Ikaw! Pwede ka ritong pumasok pero ang kasama mo ay hindi maaaring pumasok rito." harang na sabi ng isang guard kila Flare."

"Bakit naman bawal akong pumasok dito? Peko!" tanong ni Pekora sa guard na agad namang ikinagulat ng 2 guard.

mabuti na lang at medyo maaga pa ng mga oras na yun kaya naman walang ibang naroroon kundi sila pa lang  kaya naman gulat na gulat ang mga guard ng magsalita si Pekora.

"Na- nakakapag salita ka?" tanong ng isang guard kay Pekora.

"Oo naman bakit may problema ba kung nagsasalita ako? Peko!" tanong naman ni Pekora.

"isang Horned Rabbit na nag evolve at natutong magsalita!" takot na sabi ng isang guard.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang guard na may mataas na rank pagdating niya.

"Sir! Ma-May Horned Rabbit na monster!" naguguluhan at takot na sabi ng isa sa guard na humarang kila Pekora at Flare.

"Ano? Horned Rabbit?! Eh Horned Rabbit lang pala eh bat ayaw niyo pang tapusin ang Horned Rabbit na nakita niyo eh low rank monster lang naman ang Horned Rabbit?" na-iinis na sabi ng guard na kakarating.

"Hi-Hindi ordinaryong low rank monster nag evolve siya at nakakapag salita pa!" tarantang sagot ng guard.

"Ano? bakit hindi niyo agad sinabi sakin? At ano pang ginagawa niyo jan mag report na ang isa sa inyo sa guild.!" sabi ng guard na high rank.

walang ka alam alam sila Pekora at Flare na natakot sa kanila ang mga guard na naka bantay sa gate.

sinabihan muna sila Flare at Pekora na hindi pa pwedeng pumasok dahil may pupuntang mga guild assistant sa gate para alamin talaga ang nangyayari kaya walang nagawa ang 2 kundi ang mag hintay.

paglipas ng ilang minuto ay may dumating na guild assistant kasama ang vice guildmaster ng guild kung saan sila Pekora at Flare mag reregister para maging adventurer.

"Na saan yung sinasabi mo na horned rabbit na nag evolved ng human?" tanong ng isang lalaki sa guard.

"Nandun ang Horned Rabbit na nagsasalita." sagot naman ng guard sabay turo kila Pekora at Flare ng guard.

agad naman napatingin ang lalaking nagtanong kung na saan sila Pekora at Flare.

nagulat din ang lalaki dahil hindi ordinaryo ang nakita niya kaya lumapit ito at nagtanong.

"Sino kayo? At anong kailangan niyo dito? At paanong ang isang low rank na monster ay nag evolved sa isang class triple SSS at hindi manlang nalaman o narandaman ng guild namin? At ano ang pakay niyo dito? At bakit naging magkakilala at hindi nag-aaway ang isang demi-human na elf at monster na horned rabbit?" tanong ng staff kila Pekora at Flare.

"Yun eh dahil magkaibigan kami. Peko! May problem ba kung magkaibigan kami?" sagot ni Pekora sa staff.

"Paano ang isang Horned Rabbit ay nag evolved katulad ng appearance mo?" takot na tanong staff kay Pekora.

"Nag evolved? Peko! Anong nag evolved? Talagang ganito na ako. Peko!" sagot naman ni Pekora habang nakatingin naman si Flare sa kanila.

"Pekora!" tawag ni Flare kay Pekora kaya napatingin ito sa kaniya.

"Bakit? Peko! May problema ba Flare? Peko!" lapit at tanong ni Pekora kay Flare.

"Sa tingin ko alam ko na ang problema bakit ayaw tayong papasukin dito sa city na to." bulong na sabi ni Flare ng lumapit si Pekora sa kaniya habang naka tingin naman sa kanila ang mga guard at ang mga staff ng guild na pumunta para I check ang nangyayari.

"Bakit? Peko! May problema ba silang nakikita satin? Peko!" pabulong na tanong ni Pekora.

"Natatakot sila sayo Pekora." sabi ni Flare kay Pekora ng lumapit ito.

"Huh?! Natatakot sakin? Bakit sila natatakot sakin? Wala naman akong gagawing masama sa kanila." gulat at nagtatakang sagot naman ni Pekora.

"Well ibig kong sabihin eh nasa monster category ka kasi. At ang masaklap pa nun eh nasa weak monster ka nabibilang. Natatakot sila sayo kasi isang kang low rank monster na nag evolved straight to danger category meaning isang G rank monster na nag evolved sa S rank or masaklap higit pa doon kaya natatakot sila sayo." mahabang paliwanag ni Flare kay Pekora.

"Eh?! Seryoso? Eh wala naman akong balak na masama sa kanila eh Kaya bakit sila natatakot sakin? Wala naman akong gagawing masama." sagot naman ni Pekora.

Chapter End:

The Reincernate Of The War Bunny Criminal From The Other WorldWhere stories live. Discover now