Chapter 6: Become Adventurer Part 2

5 0 0
                                    

"Hindi sa ganun pekora. Hhhmmm.... Paano ko ba to ipapaliwanag....? Teka???" naguguluhang sabi ni Flare

habang nangyayari yun ay tinawag sila Pekora at Flare ng staff na nagtanong kay Pekora.

"Ganito imagine may isang low rank na monster na nag evolved tulad mo Pekora at ang monster na yun ay isang low rank monster na naging S rank or higit pa sa tingin mo hindi ma-aalarma at matatakot ang mga makaka-alam nun? Oo sayo hindi ka masama at mabait ka pero humans ang pinag uusapan natin marami sa mga humans ang ganun mag isip na porket makita nila ang isang monster eh may masama na itong balak agad although merong mga monster na ganun na after nila mag evolved at  manggugulo na lang ng bigla. Kaya naman natatakot sila sayo kasi ang akala nila eh ganun ang gagawin mo." mahabang paliwanag ni Flare kay Pekora.

"I see so kaya pala sila takot sakin.. Peko!" sagot naman ni Pekora na parang wala siyang pake sa nalaman niya.

"Hhhmmm... Kung ganun pala edi sabihin natin na mabait ako at kaya ako nandito kasama mo dahil gusto kong maging adventurer tulad mo. Ganun ang sabihin natin at sabihin din natin na mabait ako at wala akong masamang pakay sa mga humans." mungkahi na sabi ni Pekora kay Flare.

habang nag iisip naman si Flare kung ano ang pwede nilang gawin ay may dumating na isang babae na balak din mag adventurer.

pag dating ng babae sa gate ay nagtataka ito kung bakit may ilang guild staff at maraming guards ang nasa gate kaya naman nagtanong ito sa isa sa mga guards na nandun.

"Hello... Excuse me anong meron dito bakit may mga guild staff na naririto at maraming guards sa gate?" tanong ng babae na may cape at hindi masyado makita ang mukha ng babaeng nagtanong ngunit ang boses niya ay medyo malakas kaya naman narinig yun ni Pekora at Flare.

agad namang nagulat ang guard na pinag tanungan ng babae ngunit naka sagot agad ito sa kaniya.

"Ah siguro papunta ka rin dito. May problema kasi kaya may pumuntang maraming guards at may guild staff na pumunta dito." sagot naman ng guard sa babae.

"Ganun ba? Edi maghihintay akong matapos ang nangyayaring problema bago ako makapasok sa town na to?" tanong ng babae sa guard.

"Ganun na nga miss... Patawad kung hindi kami pwedeng mag pa pasok sa ngayon." sagot naman ng guard at pag hingi na rin na paumanhin sa babae.

ng malaman ng babae yun ay nag desisyon na lang ang babae na maghintay at dahil doon ay binaba niya ang kaniyang cape na nakasuot.

nakatingin si Pekora sa babae ng nagbaba ito ng cape kaya naman nagulat siya sa nakita niya ng makita niya ang itsura ng babae.

Chapter End:

The Reincernate Of The War Bunny Criminal From The Other WorldWhere stories live. Discover now