Chapter 8: Test

5 0 0
                                    

habang nangyayari yun ay may pumasok na ilang guild staff at tinanong sila Pekora at Flare.

"Talagang bang balak niyong  maging adventurer?" tanong ng isa sa mga staff.

nagkatinginan naman sila Pekora at Flare.

"Ako may balak akong maging adventurer yun nga lang may problema gusto ko ring maging adventurer ang kaibigan ko yun nga lang nasa monster category siya hindi tulad ko na nasa category ng demi humans alam kong mahirap paniwalaan ang sasabihin ko pero mabait ang kaibigan kong si Pekora so sana payagan niyo siyang maging adventurer." mahabang sabi ni Flare sa mga staff.

habang nakatingin lang ito sa kanila at nag iisip kung papayag ba sila o hindi sa gusto nila Pekora at Flare.

"Payagan niyo akong maging adventurer please... Promise hindi ako harmful isa akong harmless na monster at wala akong balak na makipag away sa mga humans... Peko! Please parang awa niyo na payagan niyo na ako... Peko!" sabi na pagmamaka-awa ni Pekora kaya tumingin sa kaniya ang mga staff ng guild na hindi umiimik.

"Oh sige ganito na lang para pumayag kami kailangan ay pumasa ka sa ipapagawa naming test sayo nang sa ganun ay pumayag kaming wala ka talagang masamang motibo kaya gusto mong maging adventurer." sagot ng staff kila  Pekora.

"Anong test naman yung gagawin ko? Peko! Sana naman madali lang yan dahil wala talaga akong masamang binabalak o masamang plano. Peko!" tanong na sabi naman ni Pekora.

ng matapos mag salita si Pekora ay sunod naman na nagsalita si Rushia.

"Ako rin gusto kong maging adventurer at hindi ako kasama ng 2 to na tinatanong niyo ha sumama lang ako dahil mag reregister na talaga ako maging adventurer at kaya ako sumama sa kanila dahil may ilan lang akong tinanong sa kanila so pwede na ba akong mag register maging adventurer?" mahabang paliwanag na sabi ni Rushia.

tumingin ang mga staff kay Rushia at pumayag ang mga ito kaya naman sinabihan si Rushia na lumabas at pumunta sa counter para mag register at maging adventurer.

"Hindi pa ako tapos sa mga tanong ko. Lalabas lang ako at mag reregister hihintayin ko kayong 2 sa labas." sabi ni Rushia at lumabas na ito ng kwarto kung na saan sila.

paglabas ni Rushia ay pinaliwanag na ng mga staff ang test na ipapagawa sa kanila.

"Meron kasing isang merchant ang pupunta sa Capital para may ihatid na isang gamit kaya naman heto ang test sa inyo. Sasamahan niyo ang merchant na yun back and fort sa Capital pabalik dito at kapag nakabalik ng maayos yun ng kasama kayo at walang nangyayari masama sa merchant na yun ay papayagan naming ang gusto niyo na mag adventurer ang horned rabbit na kasama mo miss elf? Ano ang sa tingin niyo pumapayag ba kayo?" mahabang paliwanag ng staff kila Pekora at Flare.

at ng malaman yun ni Flare ay nag react agad siya.

"Anong sabi niyo? Pupunta ng Capital tapos babalik dito? Nasisiraan na ba kayo? Hindi makaka survive ang kaibigan ko kapag nag punta kami ng Capital ng country na to. Paniguradong papatayin lang siya ng mga guards na nandun pag dating ng Capital. Hindi pwede ang sinasabi niyo...! Ibahin niyo ang ipapatest sa kaibigan ko." mahabang paliwanag na sabi ni Flare.

"Hindi namin maiiba ang test dahil doon pupunta ang merchant. At isa pa pag ginawa niyo ang test na ipapagawa pwede naman kayong mag dahilan sa mga guards na nandun na harmless ang kaibigan mo." sagot naman ng staff kay Flare.

"Flare tanggapin na lang natin ang test at tapusin na lang natin ang ipapagawa satin ng sa ganun ay pumayag sila. Peko!" mungkahi na sabi ni Pekora.

"Pero Pekora mapanganib kapag pumunta tayo ng Capital mapapahamak ka lang doon." sabi ni Flare.

"May na isip akong paraan." sabi naman ni Pekora.

"At ano naman ang na isip mo?" tanong naman ni Flare.

"Halika at ibubulong ko sayo." sagot naman ni Pekora.

kaya naman lumapit si Flare kay Pekora at pag lapit ni Flare ay binulong na ni Pekora ang na isip niya.

"Eh kung palabasin natin na tame monster mo ako?" tanong na bulong na sabi ni Pekora kay Flare.

"Hhhmmmm...... Pwede rin yang na-isip mo kaso wala akong alam sa magic at isa pa pag ginawa natin yang na isip at nalaman nilang hindi naman ako mage na elf. Mas masama pa ang mangyayari kaya hindi natin yun pwedeng gawin." sagot naman ni Flare.

"Eh kung ganun ano ang pwede nating gawin? Peko!" tanong ni Pekora.

"Mukhang wala na tayong paraan kundi tanggapin at mag paliwanag tayo sa mga guards na nandun ng sa ganun ay di ka mapahamak pag dating natin doon." sabi ni Flare kaya naya naman pumayag sila sa test.

Chapter End:

The Reincernate Of The War Bunny Criminal From The Other WorldWhere stories live. Discover now