Chapter 12 : The First Mission

6 0 0
                                    

kinabukasan  ay napag desisyunan nila Pekora , Flare at Rushia na gumawa ng quest sa adventurer guild.

Adventurer Guild...

pag dating nila Pekora sa guild ay hindi napansin ni Pekora na hindi naka active ang concealment niya kaya pag pasok nila ay pinag tinginan sila ng mga adventurer na nandoon.

male adventurer: "yan ba yung may lumabas na future hero sa info?"

other male adventurer: " ang alam ko may title din daw ng pagiging monster ang isa sa kanila eh."

other male adventurer: " ang ganda ng elf na kasama nila ha."

female adventurer: "ang gaganda nilang 3."

other male adventurer: "lahat sila puro babae walang lalaki hindi pa parang delikado ang group nila pag na punta sila sa hindi magandang sitwasyon?"

other male adventurer: " hindi na rin masama kahit monster ang isa sa kanila lahat naman sila maganda eh."

other female adventurer: " bakit kaya may rabbit ears yung isa sa kanila."

other male adventurer: "ang alam ko horned rabbit princess ang nasa title ng babae na may rabbit ears eh."

other male adventurer: " oh? edi ibig sabihin monster siya? bakit hindi naglalagay ng request na patayin siya?"

naririnig na mga bulungan ng mga adventurer habang pumasok sila at pumunta sa counter ng guild.

"Flare mukha atang may nakaka alam na horned rabbit ako. Peko!" pabulong na sabi ni Pekora kay Flare.

"huwag kang mag-alala walang mag tatangka sa buhay mo Pekora dahil panigurado akong may gagawin ang vice guild master para ma prevent ang pag tatangka sa buhay mo no tsaka isa pa nandito ako at si Rushia na handang tumulong sayo pag may aberyang mangyayari." mahabang paliwanag na sabi ni Flare kay Pekora habang tumango naman si Rushia sa likod nila.

bago sila makarating ng counter ng guild ay may ilang adventurer ang humarang sa kanila.

"Ikaw ba ang horned rabbit na balita sa guild?" tanong ng isa sa adventurer na ng harang sa kanila at turo nito kay Pekora.

"At ano naman kung isa siyang horned rabbit?" sagot na tanong ni Rushia sa nagtanong sa kanila.

"Pekora magtago ka sa likod namin." sabi naman ni Flare.

"Huh? Narinig niyo ba yun? Ano daw kung horned rabbit ang kasama nila edi hindi ba kailangang bigyan ng action yan at dapat siyang patayin bago pa maging problema yan." sabi naman ng isa pa na nangharang sa kanila na adventurer.

"Makinig kayo alam ng vice guild master kung ano ang kaibigan naming si Pekora at isa pa isang high rank monster ang kaibigan namin na to. at sa tingin niyo hindi kami tutulong sa kaibigan namin pag may ginawa kayong hindi maganda sa kaniya? baka nga siya pa lang matalo na ang mga adventurer na nandito na mag tatangka sa kaniya eh." sabi ni Flare sa mga adventurer na humarang sa kanila.

"Flare! Mapapahamak tayo sa sinasabi mong yan eh." sabi naman ni Rushia.

"Oo nga Flare baka may mangyari ding masama sa inyo ng dahil sakin. Peko!" sabi naman ni Pekora.

"Anong sabi mong elf ka? Pinalalabas mo bang mahina ang ibang mga adventurer na nandito? galit na sigaw ng isa sa adventurer na nakaharang sa kanila.

habang nangyayari yun ay nagulat ang nasa receptionist kaya naman pumagitna na siya sa pagitan nila Flare at ng adventurer na humarang sa kanila habang yung ibang adventurer na wala naman ng araw na nandun si Pekora at hindi alam ang tungkol kay Pekora ay parang na offend habang ang mga nakaka alam naman at nakakita ng totoong stats at capability ni Pekora ay tahimik lang at nanunuod sa nangyayari.

The Reincernate Of The War Bunny Criminal From The Other WorldWhere stories live. Discover now