Chapter 3: You Died And Reincernate Here

13 0 0
                                    

habang nagtatalo sila Pekora at Flare ay pumasok ang ilang matatandang elf sa kwarto kung na saan nagtatalo sila Pekora at Flare.

"Ipag-paliban niyo muna ang pagtatalong ginagawa niyo!" Tawag ng isa sa matanda na elf na pumasok sa kwarto.

at dahil doon ay nagulat sila Pekora at Flare at napatingin sila sa nagsalita.

"Huh?! Ang isa sa council ay pumunta dito.?" sabi ni Flare ng makita niya ang tumawag sa kanila.

"Hindi lang siya ang nandito pati na rin ako. At ang iba pang elders ng tribe natin ay narito." sabi ng isa pa na hindi masyadong matanda ngunit malalaman sa isang tingin na mataas ang tungkulin niya sa mga elf na nandoon.

"Eh?! Father! Bat kayo nandito? At bat kasama ang iba pang mga elders?" tanong ni Flare sa tatay niya ng makita niya ito na nandun din habang napatingin naman si Pekora sa mga pumasok sa kwarto kung na saan sila ni Flare.

hindi sumagot ang tatay ni Flare sa tanong niya at tumingin lang ito kay Pekora na agad naman na ikinagulat niya.

"Marahil ay nagtataka ka kung bakit hindi ka namin pinapaalis dito samantalang hindi ka kabilang sa humans sa halip ay isa kang rabbit na monster na nag evolve lang kaya natutunan mong mag salita at kung bakit iba ang itsura mo." tanong ng tatay ni Flare kay Pekora habang naguguluhan naman si Flare sa sinabi ng tatay niya.

nagtataka naman si Pekora kung bakit ang nakilala niyang tatay ni Flare ay elf din at kung bakit ay parang totoong totoo si Flare habang kausap niya ito.

"Huwag kang magugulat sa malalaman mo Pekora... Pero sa kasamaang palad ikaw ay wala na sa Earth dahil ikaw ay nasa ibang mundo na ngayon ang totoong katawan mo at itsura mo ay wala na dahil ikaw ay namatay na at muling nabuhay dito sa mundo namin meaning ikaw ay na reincernate." paliwanag na sabi ng tatay ni Flare kay Pekora habang siya ay nagulat sa sinabi nito sa kaniya.

"Sinasabi mo ba na kaya ang Flare na nasa harap ko ay totoong elf ay dahil patay na ako at nabuhay ako sa mundo niyo?! At wala na talaga ako sa Earth at nandito na ako sa mundo niyo? Dahil namatay na ako? No way! Bakit nangyari to sakin? At ano na ang gagawin ko?" sabi ni Pekora sa sarili niya habang hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

"Yan ang hindi ko rin alam kung bakit ka na reincarnate sa mundo namin marahil ay may gagawin ka dito kaya ka na punta dito." sagot ng tatay ni Flare sa kaniya.

"Kung gusto mong malaman ang gagawin mo dito. Or kung gusto mong malaman kung paano ka makakabalik sa mundo mo ay pwede kang mag lakbay dito sa mundo namin puntahan mo ang ibat ibang lugar dito at tanungin ang mga matataas na magician sa mundo namin yun nga lang kapag pinili mong bumalik sa mundo mo ay hindi na rin babalik ang dati mong itsura nung nabubuhay ka pa sa mundo mo meaning pag nangyari na bumalik ka sa Earth ay ikaw ang ka una-unahang monster na galing sa other world." mahabang paliwanag ng tatay ni Flare sa kaniya.

"Kahit na ganun ako na lang ang gagawa ng paraan pag nakabalik ako sa earth." pilit na sabi ni Pekora sa tatay ni Flare.

"Kung ganun para hindi maging problema ang pag lalakbay mo ay maging isa kang adventurer dito sa mundo namin. Umalis ka dito sa lugar namin at pumunta ka sa isang human village at since na may naging kaibigan ka na Flare sa mundo mo. Pwede mong isama si Flare sa pag-lalakbay mo." mahabang sabi na paliwanag ng tatay ni Flare kay Pekora kaya naman napatingin si Pekora kay Flare.

"Father! Bakit ako ang gusto mong sumama sa kaniya? Ayoko nga!" tanggi naman ni Flare.

"Dahil walang ibang pwede at isa pa ikaw lang ang pwede niyang maging kaibigan sure akong magiging mag kaibigan kayo pag tumagal." sabi naman ng tatay ni Flare sa kaniya.

"Pero?! Ayokong umalis dito! Sa lugar natin." sabi naman niya.

"Wala ng pero pero mag handa ka at bukas ay aalis kayong 2 ikaw lang ang pwede niyang maging kasama Flare." sabi ng tatay niya at lumabas na ito ng kwarto niya.

paglabas ng tatay ni Flare ay nag tanong ang isa sa elder ng elf.

"Sigurado ka bang ngayon na ang simula ng tadhana ni Flare?" tanong ng isa sa elder sa tatay ni Flare.

"Sigurado akong ngayon na nagsisimula dahil noon pa man ay alam na natin ang darating dito hindi ba." sagot naman ng tatay ni Flare sa elder na nagtanong sa kaniya.

"Kung ganun nga ay wala na tayong magagawa." nahinang sagot naman ng elder.

naiwan naman sila Pekora at Flare sa kwarto ng umalis ang tatay niya at ang mga naka tatandang elders sa kanila.

"Nako naman bakit ako pa." malungkot na sabi ni Flare.

"Well I guess hindi nga ikaw ang Flare na kilala ko. Peko! Pero sana pumayag ka sa gusto ng tatay mo dahil tama siya wala akong kilala sa mundo niyo at oo hindi tayo magkakilala ng personal. Peko! Pero pinapangako ko Flare na kung ano ang turing ko sa Flare na nakilala ko sa mundo namin ay ganun din ang magiging turing ko sayo. Peko! Mas maganda naman kung may magiging kaibigan ako dito diba?. Peko!" mahabang sagot naman ni Pekora kay Flare.

at habang nangyayari yun ay nakaramdam naman si Pekora ng gutom dahil 4 araw na siyang walang kain kaya naman nagpatawag si Flare ng kukuha ng pagkain sa kanilang 2 ni Pekora.

habang nangyayari yun ay sa isang lugar naman ay may naghahandang umalis para maging adventurer din.

chapter end:

The Reincernate Of The War Bunny Criminal From The Other WorldWhere stories live. Discover now