10

17.1K 571 133
                                    

CHAPTER 10

"Renma, ha? Tss..."

Napalingon ako kay Quinn parang may sinabi siya pero 'di ko marinig. Nakatingin siya ngayon sa bintana. Doon naka-pokus ang tingin ng mga mata niya.

Nakatingin ako sa aking side hanggang ngayon kasi nandoon pa rin si Foster at mukhang kinakausap pa rin niya si Renma.

Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Renma na siyang pinagtataka ko. May sinasabi sigurong masama itong Foster na 'to.

Aamba na sana akong bababa ng pigilan ako ni Quinn. "Huwag kang bumaba. Pabayaan mo si kuya Foster doon."

Kunot noong lumingon ako sa kanya. "May sinasabing masama niyang kapatid mo sa kaibigan ko!" sumbat kong sabi sa kanya.

Ngumisi lang siya sa akin at nagkibit-balikat. "I don't know!"

Nakakainis!

Bwisit na mga Hanlon na ito.

Bubuksan ko na ang door sa aking tabi ng makita kong pumasok na si Foster. Nakapaskil sa kanyang labi ang isang ngiti.

"Anong ginawa mo kay Renma?" agad kong tanong sa kanya ng makapasok siya.

Lumingon siya sa akin, "nothing, my mini-monster." saad niya sa akin habang may pilyong ngiti pa rin sa labi niya.

Hindi ako naniniwala sa kanya.

Lumingon ulit ako kay Renma, nakita kong kumakaway siya sa akin hanggang 'di ko na makita ang kanyang katawan dahil mabilis magpatakbo itong si Foster.

Niyakap ko ang aking bag. Nakayuko ako at walang kinakausap ni-isa sa kanila. Nag-uumpisa na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Paano ko sila pakikisamahan?

Urgh, hindi ko alam kung anong gagawin ko roon once na dumating na kami.

Hahanapin ko agad si Coco. Baka kinawawa na nila ang aso ko.

"Are you okay, my mini-monster?" Narinig kong pagtatanong ni Foster sa akin.

Hindi ako nag-angat ng paningin sa kanya. Hinayaan kong naka-yuko ako. Wala naman akong sasabihin, e. At, ayoko silang kausapin.

Galit ako sa kanila. Kay daddy at sa lahat ng taong nakapalibot sa akin. Wala akong tiwala sa ibang tao.

Nang hindi ako sumagot sa tanong niya, naging tahimik na ulit ang simoy ng hangin sa loob ng kotse.

Pero, ang bilis ng tibok ng puso ko ay hindi nagbabago. Pakiramdam ko may namumuo ng pawis sa aking noo at nag-uumpisa na ngang mamasa rin ang aking magkabilang kamay.

Pa-simple akong tumingin ng maramdaman kong lumiko ito pakaliwa. Gano'n na lamang ang kabang nararamdaman ko ng makita ang isang condominium style na bahay.

Bahay nila ito?

Bakit ganito?

May malaking gate kaming pinasukan at nakasulat sa itaas na iyon ay Hanlon Residence. Hindi sa kalayuan ay may makikita kang malaking puno na mukhang puno ng mangga ito.

Kapag nalampasan mo na iyon ay makikita mo na ang condominium style.

Huminto ang kotseng sinasakyan namin. Naunang bumaba si Quinn at sumunod si Foster. Nagulat akong nasa tabi ko na si Foster, siya ang nagbukas ng pinto sa aking gilid.

"Don't be shy, kanina pa sila naghihintay sa pagdating mo. Hindi kami kumakain ng tao. Come on," saad niya sa akin at kinuha ang bag ko sa aking hita.

Hindi ko hinawakan ang kanyang kamay niyang nasa aking harapan. Nakatingin na ako ngayon sa bahay nila. Hindi pala siya condominium style dahil gano'n nga talaga ang style ng bahay nila!

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora