64

9.5K 243 89
                                    

CHAPTER 64

ANG DAMING GANAP na nangyari sa buhay ko. Parang kailan lang ay mag-isa akong nakatira sa condominium ko kasama ang aking alagang aso na si Coco at isang araw ay naging 360 degrees ang ikot ng buhay ko nang makilala ko ang mga Hanlon.

Bwisit ang unang bumungad sa akin nang makilala ko silang anim. Nakakagigil. Pero, ilang buwan na ba ang nakakalipas ng makilala ko sila. Ilang buwan na akong nagtitiis dahil sa kanila.

“Ate Alice, tawag ka po ng lolo niyo.”

Napababa ang aking tingin kay Denver, naka-suot siya ngayon ng pormal wear na may kulay na red and white. Heto kasi ang color coding namin ngayon.

“Bakit daw?” pagtatanong ko sa kanya at tinaasan pa siya ng kanang kilay ko.

December 24 na, bisperas na ng pasko. Lahat ng mga Hanlon ay nasa Mansion ng mga Lazaro. Sila grandpa ang nagpatawag sa kanila para rito na rin mag-celebrate ng pasko.

Hindi ko alam bakit sila nandito. Hindi naman namin sila kamag-anak, oo, jowa ko silang lima pero hindi pa rin sila mga Lazaro, ang lazaro lang sa kanila ay si baby Azdrake. Siya lang ang dapat nandito, ano?! Mga huwad na Lazaro na sila!

Nagkibit-balikat sa akin si Denver. “Aba, malay ko! Pinatawag ka lang naman sa akin ng lolo mo po, ate Alice. Hindi naman po ako tsismoso para magtanong kung bakit ka pinapatawag po.” Pabalang na sabi niya sa akin at ngumisi pa siya.

Aba, pinapakulo ng siraulong Denver na ito ang bisperas ng pasko ko! Konti na lang, ilalambitin ko itong pandak na ‘to! Kung makasagot akala mo matangkad na!

“Hoy, pandak!” Piningot ko ang kanang tenga niya. “Tinatanong ko lang sayo kung alam mo ba't ako pinapatawag, ha?! Kung hindi mo alam p'wede kang sumagot na hindi, ‘di ba?! Isusumbong kita kay tita Akuti para wala kang allowance ng isang buwan.” Pananakot ko sa kanya at binitawan ang kanyang tenga.

Napahawak siya sa kanyang tenga at lumayo sa akin. Nakita ko ang pagnguso niya at paghaplos sa tenga niyang piningot ko. “Hindi ko naman mabiro, ate Alice! Huwag mo ko isumbong kay mommy!” Nakangusong sabi niya sa akin kaya palihim akong napangisi.

Takot din naman pala.

“Hindi ko naman talaga alam kung bakit pinapatawag ka, e. Basta sinabihan lang ako na tawagin ka, that's it!” untag na niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.

Iniwan ko si Denver doon at pinuntahan na si grandpa. Baka tanggalan ako ng mana at sabihing kay baby Azdrake na ibibigay ang share ko sa mana. Sayang, iyon! Ako ang panganay kaya dapat ako ang mas malaki ang shares sa mana ni daddy katulad na lamang sa mga pinsan ko, kapag panganay siya ang may malaking shares.

Nadatnan ko si Queen na may ka-video call sa kanyang pink na laptop, nakita ko roon ang lalaking Japanese na magiging asawa niya. Never pa sila nagkikita at tanging video call lang ang communication nilang dalawa. Mabuti na lamang at natiya-tiyagaan niya si Queen sa kaartehan nito.

Nakita ko pa ang ibang pinsan ko na abala na sa magiging party namin mamaya. Hindi ko na sila pinansin at pumasok na ako sa Mansion. Nadatnan ko at haligi ng pinto si Tyron na busy sa kanyang phone, may kausap siya. Mukhang si Angelina ang kausap niya, paano naman kasi kung makangiti parang wala ng bukas.

Nilagpasan ko na rin si Tyron at dumiretso sa library nila grandpa. Kumatok muna ako bago ko binuksan ito.

“Grandpa, pinapatawag niyo raw po ako.” bungad na sabi ko at yumuko sa kanya.

“Finally, you're here, Alice. Come on, we need to talk.” wika niya sa akin at pinalapit niya ako sa kanya gamit ang kanyang kanang kamay

Sumunod ako rito. “Ano po iyon, grandpa?” Napalunok ako nang palihim at nakita kong wala rito si grandma. Private ba ang pag-uusapan namin?

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Where stories live. Discover now