57

8.2K 223 23
                                    

CHAPTER 57

HANGGANG PAG-UWI ko ay dala-dala ko ang sinabi ni Asher sa akin. Hindi nga ako makapag-concentrate sa tinuturo ng mga professor namin kanina. Paulit-ulit kasing tumatakbo sa isipan ko ang sinabi niya.

“Ayokong makasakit ng damdamin, Asher. Paano kung makasakit ako?” nababahala kong sabi sa kanya.

“Iyon lang ang kailangan mong gawin, Alice. May masasaktan at masasaktan ka sa kanila. Kung ayaw mong may masaktan ka huwag kang pumili pero baka nakakalimutan mo ang angkan natin na p'wedeng magmahal ng higit pa.”

Naigulo ko ang aking buhok. Hah! Ayoko maging sina kuya Ryder at Ryker, o kahit sino sa angkan namin. Pero, ayoko namang manakit, ayokong masaktan isa man sa kanila kahit sinaktan ako ng hinayupak na Foster na iyon.

Napabuntong hininga na lang ako. Nilapag ko ang bag sa sofang mayro'n sa room ko. At, dumiretso ako sa aking dressing room. Tinatamad akong kumilos para akong wala sa aking sarili.

Nang makapagpalit ako at tumungo sa aking study table, binuksan ang aking laptop at dumiretso sa aking email. Tinaype ko isa-isa ang kanilang mga email except kay Denver. Ano naman sasabihin ko sa isang iyon? Eh, hindi rin naman siya kasali, ang gawain lang ng isang iyon ay mang-asar at mang-inis sa akin.

“Ano naman ita-type natin, Alice? Naba-blangko ang isip ko kung anong sasabihin ko sa kanila!” Ginulo ko ang aking buhok at napatitig sa screen ng laptop ko.

Ano na, utak? Anong isusulat natin sa kanila? Mag-isip tayo ng words hindi nakakasakit sa damdamin.

Napa-ubob na lang ako sa study table ko. Heto na siguro ang sinasabi nilang kailangang mamili. Ganito ba ang nararanasan ng mga magaganda at gwapo? Nahihirapan din ba silang mamili sa mga manliligaw nila kung sino sasagutin nila?

Pero, need ko ng mamili para matapos na itong kahihiyan sa aking sarili at matapos na rin itong problema ko sa mga Hanlon.

Umayos ako ng aking pagkakaupo at tumitig ulit sa screen ng laptop ko. Ready na akong magsulat at ipadala sa kanila ang gusto kong sabihin.

To:
Cadmusprofako@gmail.com
bennetmohindisayo@gmail.com
fostericiousyummy@gmail.com
nomoreonemoreChance@gmail.com Quinnhanlon143@gmail.com
From: Alicelazaroatyourservice@gmail.com

We need to talk! Kayong lima lang at hindi kasali ang kapatid niyong bunso. Need natin magkita-kita sa Lazaro‘s Grill and Restaurant sa ganap na 5PM after ng class namin tomorrow.

I repeat 5PM sharp, okay?! May sagot na ako sa inyong lima.

The prettiest Lazaro,
-Alice Domino. ★

Email sent.

Huminga ako nang malalim ng magsent na ang akin email, sinarado ko na ang laptop at lumabas sa room ko. Kakain na muna ako at kukunin si Coco, namimiss ko ang aking aso.

Nagpalit na ako ng pambahay na damit at saka ako bumaba sa may living room namin. Nadatnan ko si Tyron na nanonood sa may sala ng isang anime.

Bakit dito nanood ang isang ito? May television naman sa room niya, ha?

Napangisi ako sa iniisip ko. “Psst,” sitsit kong sabi sa kanya. Hindi siya lumingon sa akin kaya ang ginawa ko ay binatukan ko siya nang mahina.

“What, Alice? Hindi mo ba nakikitang nanonood ako?!” Hysterical niyang sabi sa akin at nakaturo pa ang kanyang kanang kamay sa television.

“Bakit dito ka nanonood? May TV ka naman sa k'warto mo, ha?” Nakamatang saad ko sa kanya.

“Aish, nasira ang TV sa room ko, pinapaayos ko pa! Doon ka na nga, ‘wag mo ko guluhin sa panonood ko! Intindihin mo iyong mga patay na patay na Hanlon sayo. Alis!” Pagpapaalis niya sa akin.

Sumandal ako sa gilid ng sofa. “Tyron,” seryoso ko nang tawag sa kanya. “Kapag na na-busted kayo, anong ginagawa niyo para makalimot?” dugtong na sabi ko sa kanya.

Hinihintay ko ang kanyang sagot. Napapalunok na ako ng aking laway. Gusto kong malaman ang saloobin niya.

“Why? Ba-basterin mo sila?” Napalingon ako kay Tyron at nawala ang tunog na pinapanood niya, pinause pala niya.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko pa rin kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanila bukas. Ang gusto ko lang naman ay tantanan na nila ako. Ayoko ng exposure o atensyon mula sa ibang tao.

“Okay fine kung ayaw mong magsalita, Alice... Pinsan kita, okay? Heto ang ibibigay kong payo sayo bilang isang lalaki.” Tumingin ako sa kanya at umupo sa armchair ng sofa. “Kapag na-busted kami ng nililigawan namin ay depende sa lalaki iyon, Alice. Iba-iba ang mga lalaki kung paano nila lilimutin ang salitang busted na binigay sa kanila ng babaeng niligawan nila.” Napatango ako sa kanya. “Kung ako ay hindi sinagot ni Angelina baka uminom na ako ng maraming alak at nilunod ang sarili ko roon pero in the end, manliligaw ulit ako. Baka kasi sinusubok lang niya ang katatagan ko kung kailan ako susuko sa kanya. Pero, may iba namang lalaki ay susuko na talaga. As in, lilimutin na nila agad ang babaeng nililigawan nila.” Mahabang sabi niya sa akin.

Nakagat ko ang aking ibabang labi. “Gano‘n ba, Tyron? Siguro naman iyong pangalawa ang gagawin nila, ano?” mahinang tanong ko sa kanya.

Gulat na tumingin sa akin si Tyron at napatayo siya sa kanyang kinauupuan. “Don‘t tell me, Alice, hindi mo sila sasagutin? Lahat ba sila?”

Hindi ako makasagot. Tinignan ko ang aking kamay at pinaglaruan ang aking kuko. Nagkibit-balikat ako sa kanya. “Not sure. Hindi ko pa alam.” saad ko sa kanya.

Hindi ko alam pero itong puso ko parang sumasakit kapag iniisip ko ang salitang iyon. Pero, itong utak ko naman ay sinasabing tama ang gagawin ko. Kaya hindi ko talaga masasagot ang tanong ni Tyron sa akin.

Tumayo ako sa aking pagkaka-upo sa armchair ng sofa, “sige, Tyron. Pupuntahan ko pa si Coco.” sabi ko sa kanya at tumalikod sa kanya para puntahan ang kasambahay naming nag-aalaga kay Coco.

“Alice, payo ko lang sayo... Handa ka dapat sa desisyon na gagawin mo! Once na magsalita ka na tungkol sa nararamdaman mo, hindi mo na maibabalik niyan at lalong-lalo hindi mo na ma-re-rewind pabalik ang oras.” huling sabi sa akin ni Tyron na siyang lalong nagpagulo sa isipan ko.

Anong gagawin ko ngayon?

•••

Papunta pa lang tayo sa exciting part.😎

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora