46

9.9K 321 60
                                    

CHAPTER 46

“Wooohooo!”

Napalingon kami sa bungad ng Haven na may malakas na boses kaming narinig.

“May nakawala na namang unggoy sa zoo.” tipid na sabi ko at bagot na bumalik sa panonood.

“S-sino niyon?” Rinig kong tanong ni Sandra sa akin.

“Pinsan kong may sayad sa pag-iisip. Huwag mong pansinin.” sagot ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa telebisyon.

“It's Tyron.” sabat ni Queen sa usapan namin. At usual, busy  siya sa kanyang make-up kit.

Hay!

“Yow! Guys! I have a good news to all of you!” Malakas niyang pagkakasabi sa aming lahat.

Lumingon ako sa kanila, nakita kong kasama niya si Renma. Naka-akbay siya kay Renma, hindi ba nararamdaman ni Tyron na naiirita na niyong isa.

“What's good news, Tyron? Hmm?!” maarteng pagkakasabi ni Queen, na hindi binibitawan ang make up brush niya.

“Yown, nalaman na namin kung sino ang nasa likod ng post na iyon. And, nasa office na siya ni Grandpa!” Proud niyang pagkakasabi sa aming lahat.

Napangiwi na lang ako sa kanya. Mukhang si Renma ang nakaalam. Pabibo lang itong pinsan ko.

“Sino ang nasa likod ng post na iyon?” Napatingin ako kay Quinn ng tanungin niya iyon.

Lumakad sa amin palapit si Tyron na siyang pagkahinga ni Renma. Hindi ko alam sa isang ito, p'wede naman niya tanggalin ang kamay ni Tyron sa balikat niya.

Takot talaga siya kay Tyron. Hindi niya alam nagbabagong buhay na iyan dahil kay Angelina.

“Mm-hmmm... Sabihin na lang natin na avid ng mga Hanlon ang babaeng nagpost na iyon pero...” Ngumisi siya sa amin at hinaplos pa niya ang kanyang baba. “May nagtulak lang sa kanya na magpost ng gano'n at ang walang iba ay si...”

“Si Emily.” sabat ni Renma sa usapan.

“Renma naman! ‘Tol, nandoon na ako ba't inunahan mo ako magsabi.” Lungkot na mukha ang pinakita niya kay Renma. “Hay! Sa sobrang inggit ni Emily sayo, Alice, siya ang nagsabi sa babaeng niyon na magpost about sa'yo.”

Kaya pala hindi ko siya nararamdaman dahil may binabalak pala ang isang niyon. Patalikod din tumira ang Emily na iyon.

“Paano niyo nalaman na siya ang nasa likod na iyon?” pagtatanong ko sa kanila.

“Bumigay agad niyong inutusan niya. Paano, isa siyang scholar dito sa University kapag ‘di siya nagsasalita tatanggalan siya ng scholarship and worst wala ng tatanggap sa kanya sa kahit anong University or colleges sa buong Pilipinas.” Paliwanag sa amin ni Renma na siyang kinatango namin.

“Why naman siya nagpauto kay Emily girl? Hmm? Hindi ba niya alam o binasa ang rules sa campus?” pagsali ni Queen sa usapan namin.

“Good Idea, minsan may utak ka rin pala?” pang-aasar ko sa kanya pero tinarayan lang niya ako.

“Because sa money. Need nila ang pera. Pero, ‘wag na kayong mag-alala lalo ka na my dearest cousin, Alice, problem solved na tayo!” Masayang sabi niya sa amin na akala mo siya talaga naka-solve.

“A-ano pala mangyayari sa kanila?” mahinang pagtatanong ni Sandra.

“Si Emily matatanggal na sa campus. Iyong babaeng inutusan niya and iyong admins sa page na iyon ay suspended ng two weeks plus community sevice ng one month. Ayon sa narinig namin kanina.”

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon