POETRY COLLECTION
•••
"My mouth will tell of your righteous acts, of your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge. With the mighty deeds of the Lord God I will come; I will remind them of your righteousness, yours alone...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nasilayan ko ang lumbay sa iyong mga mata Ramdam kong sa buhay mo, ika'y nanghihina Kaginhawaan ay nais mo nang makamit Ngunit kay layo nitong katulad ng langit.
Mga balikat mo'y laglag dahil sa kahirapan Pag-aaral ay tila gusto mo nang sukuan Ikaw ay nalugmok sa biglang pagbaba ng iyong grado Kahit nagsunog-kilay ka na sa mga takdang-aralin at proyekto.
Mukha mo'y 'di maipinta dahil sa paninibugho Tungkol sa social mediaposts na natunghayan mo Nakapaglalagalag sila't may magagarang kasuotan Palaging suportado sila ng mga kapamilya't kaibigan.
Puso mo'y nadurog dahil sa kasintahang taksil 'Di mo inalam na siya rin pala'y anak na suwail Idagdag pa ang bilang lang sa daliri mong mga kaibigan Sapagkat ang nais ng iba'y maimpluwensiya't mayaman.
Kaibigan, sa buhay mo ay hindi ka nag-iisa Mga payo ng mga magulang mo'y 'wag ipagsawalang-bahala Bibliya mo'y buklatin nang malaman ang katotohanan Huwag magpapabulag sa makamundong kaligayahan.
Mga unos man ay napakalupit Sa Maykapal, higpitan mo ang iyong kapit Iniwan ka man ng lahat, nararapat na malaman mo Si Kristo'y mahal ka, ibinuwis sa krus ang buhay para sa 'yo.
Buhay mo'y mahalaga, kaya't huwag itong sayangin Hayaan mong ang Panginoon, ikaw ay huhubugin Harapin ang ngayon at bukas nang may pag-asa Magpasalamat sa Poon sa mga biyayang natamasa.
**********
"Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa." - Jeremias 29:11 (MBB)
Pinagkunan ng larawan: nytimes.com
Itinatampok na awit: Hope of All Hearts by Planetshakers