IDULOG KAY KRISTO

34 10 10
                                    

Malamlam ang mga mataMukhang hindi maipintaNababalisa sa t'winaDulot ng mga problema

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Malamlam ang mga mata
Mukhang hindi maipinta
Nababalisa sa t'wina
Dulot ng mga problema.

Paang hindi maihakbang
Lalamunan na kay tigang
Luha'y bumuhos na lamang
Tagumpay — kay daming hadlang.

Tila b'wang walang liwanag
Ngiti'y 'di maaninag
Palaging nababagabag
'Di magawang makailag.

Kaibigan kong nanlumo,
Sa buhay ay 'wag susuko
Idulog lahat kay Kristo
Tiwala ay tibayan mo.

***

"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan."
- Mateo 11:28

Sa panulat ni:
J. Z. ROMEO



A/N: This is my entry for a writing contest with the theme "Stress".
Sukat: 8/8
Tugma: AAAA, BBBB, CCCC, DDDD
Lines: 4
Max. Stanza: 4

VOICE OF TRUTHحيث تعيش القصص. اكتشف الآن