POETRY COLLECTION
•••
"My mouth will tell of your righteous acts, of your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge. With the mighty deeds of the Lord God I will come; I will remind them of your righteousness, yours alone...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Noong ika'y tuta pa lamang Ako na ang nakalakhan mong magulang Puso ko ay nabihag mo Pagkat ika'y minahal ko nang husto.
Ika'y isang masayahin at mapaglarong nilikha Napakaaktibo at tila 'di nauubusan ng enerhiya Palagi kitang kinukulong sa 'king mga bisig Ang iyong pagdila sa aking pisngi — nakaiibig.
Ang kulay mong magkahalong puti't itim Ang malambot mong balahibong kay inam haplusin Mga mapupungay mong mga matang napakamasunurin Katawan mong umiindayog kapag sa bahay, kami'y dumating.
Ngunit ngayong wala ka na rito sa nakagisnan mong tahanan Mga mata ko'y kumikislap sa luha, bumubuhos na tila ulan Wala nang bumubuntot at nagpapahaplos sa akin Hinahanap ko ngayon ang iyong sigla at lambing.
Bakit ba hindi pa ako nasanay? Palagi naman akong iniiwan, ganito kasi ang buhay Sa pagdating mo'y naging mas makulay ang aking mundo Ipinaranas sa 'kin ng Diyos — kay sarap mahalin ng mga aso.
Ngayong may iba ka ng itinuturing na ina Dalangin kong ika'y malusog at masaya 'Di ko man napaghandaan yaring ating paghihiwalay Dahil ang Ama lamang ang gumawad at bumawi ng mga bagay.
Hayaan mong sa malayo, kita'y tatanawin Puso ko ma'y nadurog, nais man kitang yakapin Magkakaroon man kami ng bagong alaga'y wala kang kawangis Hanggang sa muli, anak ko, ako ngayo'y nagtatangis.
*****
"Ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon." - Job 1:21 (Ang Dating Biblia)
Itinatampok na awit: Blessed be Your Name by Matt Redman