DADDY 1

112K 2K 926
                                    

Kiana Louis Madrid

"I'm getting married." Lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy. Kumuyom rin ang aking kamao.

"W-Wait, what?" Tumaas lang ang kilay nito bago tumikhim. Parang wala lang rito ang sinabi niya.

"I'm not here for your opinion, Kiana. Ang gusto ko lang ay ipaalam saiyo." Napamaang ako sa sinabi nito.

Well that's my mother kung nanay pa nga ba talaga ito. Simula kasi pagkabata ni minsan hindi na nito ako inalagaan, laging si Daddy lang ang na sa tabi ko. Bukod tanging si Dad lang ang gumagabay sa akin hanggang ngayong paglaki ko.

"You can't do this kakamatay lang ni Daddy last year!" Malakas kong sigaw. Na lukot naman ang mukha ni Mommy. Linabanan ko ang matalim nitong tingin kahit na nga ba nanginginig na ako sa kaba.

"Don't be so disrespectful, Kiana Louise. Nanay mo pa rin ako kaya gumalang ka!" Galit na sigaw nito habang masamang nakatingin sa akin. Nakipagtitigan ako sa kaniya dahil alam kong ako ang na sa tama.

Napakasama nito. Kakamatay lang ni Dad tapos may nakuha na agad itong pamalit. Ito ang walang galang sa aming dalawa.

"You're unbelievable Mom. H-How can you do this?" Maluha luha kong tanong. Ngumise naman ito na parang hindi nakikitang umiiyak ang nag-iisa niyang anak.

"How can I? In the first place sinira ng Daddy mo ang buhay ko Kiana. Kaya naman wala kang pakealam kung gusto kong mag-asawa ulit dahil una sa lahat bunga ka lang ng isang pagkakamali!" Puno ng galit ang boses nito at pagkamuhi.

Tuluyang pumatak ang kanina ko pang pinipigilang luha. Dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi nitong pinapamukha sa akin na isa akong pagkakamali. Na hindi niya ako ginusto.

Ang gusto ko lang naman ay igalang nito si Daddy kahit na nga ba may nagawa itong kamalian sa kaniya. Noong nabubuhay pa kasi si Dad kitang kita ko kung paano ito magsisi. Nakakalungkot lang na matapos nitong mamatay heto na ang magaling niyang asawa handa nang magpakasal sa iba.

"M-Mommy, please. Maawa ka naman kay Dad, nagsisi na naman ito hanggang huling hininga niya. Just please, respect him." Pahina ng pahina ang boses ko dahil sa walang awang tingin ni Mom. Umismid ito bago inayos ang na lukot na bestidang suot.

Kinagat ko ang aking labi bago pinunasan ang aking mga pisnge. Pinakaayaw ko pa naman ang umiiyak pero oras na mapagusapan si Daddy bumibigay ako.

"I have to go. Wala akong panahon sa kadramahan mo Kiana. Ang kailangan mo lang gawin ay umattend ng dinner sa bahay. Aquilo wants to meet you." Lumapit ito sa akin bago ako sinamaan ng tingin. "Huwag kang gagawa ng kapalpakan sa harapan niya dahil sinasabi ko saiyo itatakwil kita. Naiintindihan mo ba?"

Deretsyo akong tumingin sa mata ni Mommy at nakitang walang emosyon iyon. Para itong ibang tao.

Naiiyak akong tumango bilang pagsuko. Mabilis naman na bumigay ang aking tuhod at napaupo ako sa lapag nang umalis na ito sa harapan ko. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang aking bibig para pigilan ang paghikbi.





Buong araw akong umiiyak matapos ang sagutan namin ni Mom. Tinawagan ko na din si Jamie para naman makakuha ako kahit kaunting lakas. Ito at si Stacey lang kasi ang maaari kong sandalan ngayon dahil sila na lang ang mayroon ako.

"Are you sure pupunta ka?" Nag-aalalang tanong ni Jamie habang tinatalian ang mahaba kong buhok. Wala kasi akong ganang magayos ngayon kaya sila na lang daw ang gagawa nito para sa akin.

Marahan naman akong tumango. "I'll be fine Jamie. Tutal dinner lang naman daw," mahinang sagoy ko. Nag-aalala naman itong bumaling kay Stacey na may seryosong tingin.

Shades of Erotica 1: Call me Daddy (R-18) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon