DADDY 4

72.4K 1.8K 753
                                    

Kiana Louis Madrid

Humigop ako sa aking kape habang pinagmamasdan ang ganda ng dagat dito sa Palawan. This place is so peaceful and perfect. Maganda sana kung magkakaroon ako ng kahit rest house man lang dito.

Sumandal ako sa rocking chair. Dalawang araw na rin ako dito dahil sa in-attendan kong meeting. Kunot noo akong huminga ng malalim. Kaya kasi ako na sa Palawan dahil ako muna ang nagha-handle ng mga importanteng meeting ng kompanya. Bumisita ang secretary ng acting CEO ng kompanya noong nakaraan at sinabing hindi muna makakaatteng ng meeting ang boss niya at nakiusap na ako muna.

Napapikit na lang ako nang umihip ang malamig na hangin. Sa mga ganitong lugar ko talaga gustong tumira. Tahimik at malayo sa gulo, and speaking of gulo. Sa loob naman ng dalawang araw hindi na ako binulabog pa ni Aquilo. I wonder why?

Nakakapagtaka na ang pilyong iyon ay na wala na parang bula. Kahit kasi iilang araw ko pa lang itong nakikilala alam ko na ang ugali niya.

Nevertheless, I'll just enjoy this peaceful moment in the meantime. Alam ko kasing pagkatapos ng limang araw babalik na ulit ako sa normal kong buhay. Makikisama kay Mommy habang linulunod ang aking sarili sa trabaho. Simula talaga nang mawala si Daddy parang nawalan na ako ng gana sa lahat. Gusto ko na lang takasan ang lahat. Lahat ng hirap at sakit.

Na agaw ang atensyon ko ng basagin nang tunog ng aking cellphone ang katahimikan. Dinampot ko ito mula sa center table dito sa veranda ng kwarto. Tumaas ang aking kilay nang makitang si Stacey ang tumatawag. Sinagot ko ito bago tinapat sa aking tenga.

"Why?" Muli akong humigop sa aking kape bago prenteng muling sumandal sa rocking chair.

"Where are you?" Tanong nito. Nangunot naman ang noo ko nang mapansin ang panik sa boses niya.

"Na sabi ko na saiyo ah? Na sa Palawan ako. May meeting ako sa mga investors bakit may nangyare ba?" Puno ng pagtataka ang boses ko. Nakarinig naman ako ng iilang kalabog sa kabilang linya bago may sumagot sa tanong ko.

"I'm coming, darling." Matapos kong marinig ang malamig na boses ng tao sa kabilang linya, end tone na ang sumunod. Tulalang tinignan ko ang aking cellphone bago mabilis na napasabunot sa aking buhok.

Putragis!

Did I just hear the great Aquilo Thrasyllus voice? That dammed bastard who left me hanging! May kutob na ako sa mga susunod na mangyayare. Because when that man comes, havoc also follows him.

"AH BWISET!"





Lumipas ang ilang oras hanggang sa maggabi na. Salamat naman sa Diyos at walang Aquilo ang namamataan ko kung saan. Kakatapos ko lang din magdinner at pabalik na ako sa aking kwarto nang makarinig ng malakas na tunog ng helicopter. Deretsyo lang akong pumasok sa loob ng hotel at hindi ito inintindi, baka kasi isa lang sa mga guests ang dumating. Sosyal nga lang dahil naka-helicopter.

Nakasakay na ako ng elevator nang mapansin kong nagkakagulo sa labas. Kumunot ang noo ko at naitanong sa sarili kung ano ang nangyayare. Na sagot naman ang tanong ko nang may pumasok na matangkad na lalake sa entrada ng hotel. Sisilipin ko na sana ito kaso lang mabilis nang sumara ang pintuan ng elevator.

"Sayang," mahina kong bulong. Lumabi na lang ako bago pinanood tumaas ang numero ng elevator. Ilang minuto lang ang hinintay ko at nakarating na rin ako floor kung na saan ang hotel room ko.

Pagod akong naglalakad sa mahabang hallway habang minamasahe ang aking balikat. Medyo na bugbog ito kanina dahil sa siksikan. Nang makarating sa kwarto bubuksan ko na sana ang pinto ng may malakas na kamay ang humigit sa akin patalikod.

Shades of Erotica 1: Call me Daddy (R-18) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon