DADDY 12

56.5K 1.2K 296
                                    

Kiana Louise Madrid

Lunes ngayon at halos tatlong araw na din akong walang balita kay Mommy. Hinilot ko ang aking sintido bago pabagsak na sumandal sa aking swivel chair, napili kasi namin ni Aquilo na dito na lang ako sa bahay magtrabaho. Aquilo and his friends are not here, may aasikasuhin daw muna sila. I'm glad that his friends is with us dahil kahit papaano pumapanatag ang loob ko.

Hinilot ko ang aking sintido nang maalala na naman si Mom. I don't know what to do oras na makaharap ko siya. I'm afraid that I might say something bad to her. Kahit na hindi pa sigurado na siya nga ang pumatay kay Daddy, but hearing the determination on Aqi's voice gives me a second thought.

Tumingin ako sa aking cellphone ng malakas itong magring, kinuha ko ito bago tinignan kung sino ang caller. Kumunot ang aking noo nang makitang si Ruby iyon. I pressed the answer button before placing it on my left ear.

"Yes, hello?" My forehead knotted when I heard loud noises in her background.

"M-Ma'am!" Ruby's voice is full of nervousness. Mas lalong lumalim ang kunot sa aking noo.

"What's happening, is there something wrong in the company?" Nagtaka ako ng dumaan ang ilang minutong katahimikan sa kabilang linya.

"Ma'am about that. . .I'm really sorry, but the Corporation is facing a big problem right now." Mabilis akong sinalakay ng kaba. I inhaled deeply. Hindi maganda ang kutob ko rito.

"Anong problema?"

Ilang sandaling tumahimik si Ruby. "E-Embezzlement, Ma'am," anito.

"How come? The company is fine yesterday. Nakipagmeeting pa nga ako sa mga board of directors, right?" Napahilamos ako sa aking mukha bago ko ginulo ang aking buhok.

Why now? Of all time, bakit ngayon pa nagkagulo sa kompanya?

"I also don't know Ma'am but the company already lost a billion. We still trying to figure out what really happened, sa ngayon po ang finance ang tinuturong may kasalanan." I gritted my teeth upon hearing it. How in the world my company will lose a billion?

"I'll be there in an hour, expect a board meeting when I arrived. Dismissed." I ended the call in a hurry. Mabilis na akong tumayo bago pumuntang kwarto.

I needed to be there at this kind of time, I should also contact the acting CEO of our company. Malaman ko lang kung sino ang may kasalanan nito and I'll surely put them behind bars!

Mabilis na akong nagpalit ng damit bago kinuha ang susi ng kotse ni Aquilo sa side table nitong kama. I'm glad that he didn't bring any car with him nang umalis sila. Bumaba na ako ng hagdan bago dumeretsyo ng garahe. The house automatically closes all the open windows and doors, kusa ring nagbukas ang gate ng patunugin ko na ang kotse. Mabilis kong pinaharurot ang asul na Portofino habang nagte-text kay Aquilo.

- I'm going to the company, I'm using your car.

After nito hinagis ko na lang basta sa may passenger seat ang aking cellphone. Mas binilisan ko pa ang patakbo ng kotse para mas mabilis akong makarating sa kompanya.

After an hour of driving, I finally arrived at Madrid's Corporation. Bumaba na ako ng kotse nang maihinto ko ito sa harapan ng kompanya. Mabilis akong nakita ng guard bago nagkukumahog na lumapit sa akin.

"M-Ma'am." I nodded at him before throwing my keys in his direction. Agaran na akong naglakad papasok. Lahat ng nagkakagulong trabahador ng kompanya ay mabilis na tumigil bago ako binati.

Hindi gaya dati, hindi ko man lang sila pinansin. My focus is to be in the meeting room asap. Madali lang akong nakasakay sa elevator bago pinindot ang 21st floor. Nandoon kasi ang meeting room ng kompanya. Saktong paglabas ko ng elevator sinalubong ako ng namumutlang si Ruby.

Shades of Erotica 1: Call me Daddy (R-18) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon