DADDY 3

79.9K 1.9K 410
                                    

Kiana Louis Madrid

"So tell us the details!" Tumaas ang kilay ko sa pautos na boses ni Stacey bago ito nagdekwatro. Sumipsip muna ako sa straw ng frappé ko bago tumanaw sa labas nitong cafe.

"Wala naman. Nagdinner lang kaming tatlo at iyon lang," sagot ko. Dumukwang palapit sa akin sila Jamie at Stacey. Naniningkit rin ang kanilang mga bilugang mata.

"Gwapo ba?"

"Macho ba?"

Magkasunod na tanong nilang dalawa. Linayo ko muna ang aking mukha sa mga ito bago umirap.

"Stacey, iyan ba talaga ang gusto mong malaman?" Gigil na tanong ko. Tinawanan lang ako nito bago muling sumandal sa upuan niya.

"So ano nga, give us more details naman. Ang boring mo talaga Kiana!" Kunot noong bulalas nito. Umismid lang ako bago tumingin kay Jamie na naghihintay din ng sagot ko.

"Wala ngang nangyare nagdinner lang kami. At oo na, sobrang gwapo niya at macho, okay na ba?" Tanong ko sa kanila sa medyo nahihiyang boses. Nagtitili naman ang mga ito kaya pinagtinginan kami ng ibang tao.

"Tumigil nga kayo!" Saway ko dahil kanina pa akong naiinis sa ginagawa nila. Nakakahiya talaga silang kasama!

"We're happy, Kiana Louise. Gosh, sana ma-meet din namin iyang si Aquilo. Willing akong agawin siya sa nanay mo Kia!" Lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni Stacey. Nabatukan ko tuloy ito dahil sa gulat.

"'Stacey iyang iniisip mo talaga!" Inis kong singhal. Tinawanan lang ako nito bago nagpakuwento nang nangyare. Napipilitan na lang akong sumagot pero sinigurado kong hindi masasama iyong nangyare sa kusina namin. Ayaw kong maiskandalo.

Pagkatapos nang pagkikita namin sa cafe bumalik na lang ulit ako sa bahay para magpahinga. Sobrang nakakapagod talaga ang makipag usap kanila Stacey at Jamie. Nakakadraine sila ng energy.

Kinabukasan maaga akong gumising para pumasok sa kompanya. Hindi pa naman ako late pero sanay ako na laging maaga pumasok.

"Good Morning Ma'am," magalang na bati sa akin ng mga employees ng kompanya ni Dad. Nginitian ko naman ang mga ito bago tinanguan.

Ako kasi ngayon ang COO ng kompanya habang pinagkatiwala naman ni Daddy ang buong kompanya sa kaibigan niya. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita o nakikilala ang kaibigan ni Daddy dahil masyado itong mailap sa tao. Wala rin naman akong pakialam rito dahil nagagawa naman nito nang maayos ang trabaho niya.

"Good Morning Ma'am!" Nginitian ko si Ruby nang salabungin niya ako. Ito kasi ang secretary ko.

"Good Morning too, Ruby. What's my schedule for today?" Tanong ko nang makapasok na kami sa loob ng aking opisina. Umupo agad ako sa aking swivel chair bago nagpunas ng noo. Hindi pa ako tumatagal sa trabaho pero pagod na agad ako. Nakita ko na naman kasi ang sandamakmak na mga papeles sa harapan ko.

Putragis. Ito ata ang ikamamatay ko!

"Ma'am at exactly 8:00 you'll have a board meeting with the stockholders, at 9:20 you'll have a meeting with Mr. Herrera for the discussion of the state of our business in Japan, while at 11:40 you'll have a lunch meeting with Mr. Pascal for the expansion of our business in America and at 3:50 you'll have a meeting to close a deal with Mr. Argon." Anito bago sinara ang hawak na schedule book. "That's all Ma'am, do you have anything else that you wanted me to do?" Dagdag nitong tanong. Tumango naman ako bago naghalumbaba.

"Coffee please." Tumango si Ruby bago pumunta na ng pantry. Pagkatapos lang ng ilang minuto nag-angat na ako ng tingin nang ilapag na nito sa aking lamesa ang tinimplang kape. All black no creamer.

Shades of Erotica 1: Call me Daddy (R-18) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon