Part Two

29 15 16
                                    

Kinabukasan ay muling pumasok si Callin kahit nanghihina ay ginawa nyang maging masigla ang kanyang sarili sa harap nang kanyang mga kaibigan. Nang mag lunch break ay nagulat si Callin nang makitang uupo si Ashton sa katabing lamesa lang nila.


Parang may kung anong ginhawang naramdaman si Callin habang malapit lang si Ashton. Bigla syang ginanahan sa pagkain. At para bang lahat nang dugo nya ay nabuhay muli. Pero kung gaano kabilis ang pag alis ni Ashton ay sya ring kabilis nawala ang masayang pakiramdam ni Callin.


Pagkauwi nya sa kanilang tahanan ay agad syang nagtaka, "Di kaya totoo ang sinabi nung Nurse?" tanong nya sa sarili. Napahiga sya at nag isip isip. Nanghihinayang sya sa pagkawala nang kanyang matagal nang gusto, ang manumbalik ang saya at sigla sa buhay nya. Sa sobrang panghihinayang ay nakatulog sya. Nais nya yun... ang pakiramdam nang sigla sa kaniyang mga dugo.


Sa mga sumunod na araw ay paulit ulit na naramdaman ni Callin ang sigla sa maikling panahon tuwing magkakalapit ang landas nila ni Ashton. Matapos ang 2 araw ay nakapag isip na si Callin nang desisyon nya sa paggamit nang ngayo'y pinaniniwalaan nyang manikang may mahika.


"Hoy, Callin! Ba't ba ang bilis mo naman atang maglakad! Hoy! Gutom ka na ba?! Aba'y ba't di ka sumasagot!" tumigil si Callin sa mesang malapit ka'y Ashton at lumingon kay Syrene na kanina pa nagrereklamo. Pinatahimik nya ito na sya namang pinagtakahan nang kaibigan nya.


"Ashton Erwin!" pasigaw na sambit ni Callin sa pangalan ni Ashton na syang umagaw sa atensyon nito. Ngunit hindi lang ang atensyon ni Ashton ang naagaw nya, pati ang lahat nang nasa canteen.


Agad na pinigilan ni Callin ang pangangatog nang kanyang mga tuhod sa hiya at ilang. Hinawakan nya ang manika sa loob ng kanyang school bag at huminga nang malalim, hinigit nya ang kamay ni Ashton na syang nag pagulat sa lahat. Kahit na malaking tao ang hinahawakan ni Callin ay sinubukan nya paring hilain si Ashton.


Namuo ang mga hagikgik ng tao sa paligid. Masamang tumingin si Callin kay Ashton, 'Pucha, poste ba tong sinusubukan kong hilain?!' pagrereklamo ni Callin sakanyang sarili. Lahat ay natawa nang kahit bumagsak ang balikat ni Ashton ay hindi parin sya makayang hilain ni Callin.


Bumuntong hininga si Ashton at tumingin sa mga kaibigan nya. "Alis muna ako, pre." paalam ni Ashton sa banda nya at hinila si Callin palabas nang cafeteria. Muntik nang madapa si Callin sa bilis nitong maglakad.


"Putik! Hindi ba uso sa inyo yung salitang magdahan dahan?!" reklamo ni Callin. Biglang napatawa nang mahina si Ashton sa term na ginamit ni Callin.


"Then, sorry," napasinghal na lang nang hangin si Callin sa sinambit ng binata."Anyway, bakit mo ba ko gustong hilain, aware ka naman sigurong senior ako, plus, halata namang mas malakas ako sayo 'di ba?" tanong ni Ashton na may pagtataka.


Huminga ng malalim si Callin. "M-May gusto sana akong sabihin sayo." panimula nya at kinapalan ang mukha nya. 'sasabihin mo lang naman na kailangan mo syang makasama sa ayaw at gusto nya, Cal.' saad nya pa sa sarili. "G-Gusto kitang... Gusto kitang maging kapatid!" parehas silang gulat sa kanyang tinuran.


Sunod sunod na napamura sa kanyang isipan si Callin. "I-I mean... gusto kitang makasama, ano... para bang gusto kitang maging malapit sa'kin, para bang kapatid ba... kase baka isipin mo na gusto kita... kaso ano..." wala nang maisip si Callin na sasabihin at napatingin na lang sya sa ibaba.


Naguguluhang humakbang patalikod si Ashton na ang ibigsabihin ay ayaw na sya nitong makausap. Duon natauhan si Callin. Agad nyang hinawakan ang kamay ni Ashton na may seryosong mukha.


Voodoo DollDove le storie prendono vita. Scoprilo ora