Part Four

19 13 10
                                    

"Omygosh! Ang cute nang ibon, Ash, oh!" matinis na aniya ni Passy. Kasalukuyang tumatambay sila ngayon sa Luneta Park.


Maya't maya ay napapairap si Callin sa inis kay Passy. Hindi nya man aminin ay naiinis sya sa katawang dumidikit kay Ashton, at walang iba kundi si Passy lang naman iyon. Naiinis sya sa tinis nang boses nito, ganun narin sa paggitna nito sa kanila ni Ashton. Pati narin ang ngiti ni Ashton kay Passy. In short, she's jealous.


'Oyy hindi ako nagseselos Author! Wag mo nga akong pagbintangan!' sigaw nya sa 'kin. Aba aba! Gusto mo mapaaga sa pagpanaw! 'Sabi ko nga hindi eh, sige, tuloy muna lambingan nila Passy at Ashton, parehas naman silang mukhang tuko eh!' muling pagkausap nito sa 'kin. Asus, selos ka lang eh.


"Tsk," inis na sirit ni Callin. Napatingin sakanya sila Passy, ngumisi si Passy kay Callin na mas lalong pang nagpakulo nang dugo ni Callin. "Argh! Ba't ka ba kasi andito! Ang baho nang plastik pag nasunog 'no! Ang init init kaya baka bumaho ka!" inis nyang saad dahil di na sya nakapagpigil.


"Ano?! Ako plastic?! Hoy! Baka ikaw nga yun, you look like gold digger." pag laban naman ni Passy. Si Ashton naman ay napahawak sa batok nya dahil di nya alam ang gagawin. Ayaw nyang maging rude kay Passy kaya pinapabayaan niya itong dumikit. Habang nakikita naman nya ang paglalaban nang mga tingin nila Callin na syang lalong nagpasakit nang ulo nya.


"Stop it, girls." pagpigil ni Ashton kayla Callin. "Pasensya na Passy pero sunod ka na lang sumama samin." malambing na saad naman nito kay Passy. Napatitig si Callin kay Ashton na malambing ang boses habang kaharap si Passy.


Nang makaalis si Passy ay agad na nagtanong si Callin, "May gusto ka ba kay Passy, Ashton?" seryoso nyang tanong. Natigilan duon si Ashton ngunit nakabawi naman agad.


"Yes." simpleng sagot nito at pilit na ngumiti. Kinagat ni Callin ang loob nang kanyang pisngi at tumango tango kay Ashton.


Saglit na namuo ang katahimikan sakanilang dalawa. Napayuko si Callin. Pakiramdam nya sinakal ang puso nya sa kanyang nalaman. Ayaw nya mang aminin. Nalulungkot at nasasaktan sya kahit ayaw nyang maramdaman yun. Gusto nya si Ashton, yun ang isa sa dahilan kaya nya pinili si Ashton. Pero kung may gusto na ito sa iba, ano pang pag asa nya?


"Uh- b-bakit?" pilit na tanong ni Callin. Ngumiti sakanya si Ashton, at tumingin sa malayo.


"Hindi sya katulad nang nakita mo kanina. Hindi sya ganun. Oo... maldita at maarte sya. Pero mabait sya sa kahit sino. Nag selos lang talaga sya kanina dahil sa loob ng isang linggo, ikaw lagi ang kasama ko." saad nito. "Pero alam mo bang wala naman syang gusto sa'kin?" natatawa nya pang dagdag. Napakunot ang noo ni Callin.


"Wala syang gusto sayo? Pero kakasabi mo lang na nagseselos sya." nagtatakang tanong nya.


Huminga nang malalim si Ashton. "Gusto nya ako... pero bilang matalik na kaibigan lamang," natawa pa ito. "At alam mo bang mas nakakatawa na simula noon ako ang laging nasa tabi nya, pero ang kaibigan ko... ang syang nagustuhan nya." napaawang ang labi ni Callin sa di nya inaasahang sagot ni Ashton.


"A-Ang sakit siguro nun." na-u-utal na komento ni Callin. Napatango tango si Ashton. Tumayo sya at inaya na si Callin na umuwi. Pumayag naman si Callin.

Kinabukasan ay parang may sarili na agad na routine ang katawan ni Ashton. Kahit hindi pa tumutunog ang alarm clock nya ay nagising na sya nang isang minuto bago pa yun tumunog. Nakangiti syang nag unat dahil para bang magaan ang pakiramdam nya mula nung makauwi sila ni Callin kagahapon. Pakiramdam nya ay guminhawa dahil nasabi nya ang mga matagal nyang kinimkim na feelings kay Passy.


Matapos nyang mag ayos ay dumiretsyo na sya kay Callin upang ihatid ito. Nang palabas si Callin sa pinto ay bigla na lamang humangin na nagpalipad sa mahaba nitong buhok. Kasabay ng galaw nang lahat ay ang hindi mawaring pagbilis nang puso ni Ashton habang nakatitig kay Callin. Natigil din yun agad sa isang pitik ni Callin na syang nasa harap na pala nya.


"Baka matunaw ako nyan, Ton-ton." turan sakanya ni Callin. Napatikhim naman si Ashton at hindi pinansin ang pangaasar ni Callin.


Habang nasa byahe ay hindi mawari ni Ashton ang kanyang damdamin. Hanggang sa lumipas ang tatlong araw ay laging bumibilis ang tibok ng puso nya habang kasama si Callin.


"Wala bang ibang palabas dito?" tanong nya kay Callin. Kasalukuyan silang kumakain nang popcorn sa appartment ni Callin. Wala ang kanyang ina at kapatid tuwing biyernes dahil pumupunta ito sa kaniyang tiya. Kaya simula nung nakaraang biyernes ay nagpupuyat sila sa gabi para manood ng netflix.


"Wala, patayin mo na lang." simple nitong sagot. Napa tampal na lang sya sa kanyang noo. Bahagyang natawa si Callin, "Pwede naman tayong maglaro." saad nito at kumuha nang mga markers. "Tattoo game!" masigla nyang suggestion.


"Tattoo game?" takang tanong ni Ashton.


"Yup, Tattoo game. Tinawag ko 'tong tattoo game kasi ang kailangan mo lang naman gawin ay ganto. Ilalagay ko sa random ang songs. Tapos yung mga kanta i-s-stop natin, then, tayo mag papatuloy. Pag di mo alam yung lyrics. T-Tattoo-an kita gamit markers. Tapos ganun din pagnagkamali ako. Ano game ka ba?" tanong nya. Ngumiti nang malawak si Ashton at tumango tango, kaya kinuha na ni Callin ang song playlist nya at pinatugtog. Ang unang kanta ay Together by Ne-yo.



"Since the day that we met girl, I never had anyone make me feel this way~♫︎" - Ashton.


"And my heart is sure it wants to be with you~♫︎" - Callin.


"Wanna give you the whole world~♫︎" - Ashton.


"If you make the promise to me, your gonna stay~♫︎" - Callin.


"Without you guiding me, I'm lost and so confused~♫︎" - Ashton.


"What will it take to show you I'll be by your side~♫︎" - Callin.


"Girl I got you and I want to, give you what you never had. Girl everyday I hope to make you part of my life~♫︎" - Ashton.


"Cause you know me and I know you~♫︎" - Callin.


"Girl your love is where it's at~♫︎" - Ashton.


"Woah oh~ Nobody wanna see us together but it don't matter— Arayy!" daing ni Callin nang pitikin ni Ashton ang noo nya.


"Sayo na nga yung playlist mali ka pa rin! Halika nga!" natatawang utos ni Ashton. Nakanguso namang lumapit si Callin. Ngumisi si Ashton at kinuha ang marker. Nag drawing sya nang tae sa noo ni Callin at tumawa nang tumawa. Inis na pinindot ni Callin ang next.


Patuloy silang naglaro nang hindi pinapansin ang oras, hanggang sa nakatulog nga sila. Kinabukasan ay nagising sila sa isang tili.






~*•*~

1119 words for this part! Gawa-gawa lang po ni Callin ang tattoo game, pero nilalaro din namin ni kuya yun dati HAHA. Please vote or comment!

Voodoo DollWhere stories live. Discover now