Part Three

21 15 12
                                    

Napahilot na lang si Ashton sa kanyang noo at bumangon na. Matapos nyang mag ayos ay pumunta nga sya sa address na binigay ni Callin. Pupunta na sana sya sa pinto at kakatok nang bigla itong bumukas at iniluwa si Callin na puno nang sigla.


"Sabi ko na nga ba andyan ka na eh!" maligayang sabi ni Callin. Nagtaka naman si Ashton.


"At paano mo naman nalaman?" tanong ni Ashton at binuksan ang driver seat para kay Callin. Pumasok duon si Callin.


"Bigla kasi akong sumigla!" masaya nyang sagot. Patagong napangiti si Ashton sa pagiging tono ng isang bata ni Callin.


Nang makapasok sila sa university ay agad na nag pasalamat si Callin kay Ashton at umalis. Si Ashton naman ay dumiretsyo sakanyang mga kaibigan at sabay na pumasok sa room nila. Nang mag lunch time ay dumiretsyo sila Ashton at ang kaibigan nya sa canteen. Masaya syang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nya nang biglang tumunog ang selpon nya.


From: sandWitch
Message: Lets hang out! Punta ka dito sa court daliii


Hindi nya pinansin ang text ni Callin at nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan sa kanyang barkada. Ilang saglit lang ay lahat sila ay nagulat nang biglang sampalin ni Ashton ang kanyang sariling mukha.


"Gago pre! Bakit mo sinasaktan sarili mo?" tanong ng kaibigan nya. Hilaw syang napangiti.


"Uh‐ M-May lamok! Right! May peste! Alis muna 'ko guys!" sagot ni Ashton at nagmadaling umalis nang hindi hinihintay ang sagot nang mga kaibigan nya. Agad syang dumiretsyo kay Callin at padabog na umupo sa tabi nito. "What the fvck is your problem?! Mukha akong baliw na sinampal yung sarili ko!" inis nyang saad kay Callin. Natawa naman si Callin na lalong nagpainis kay Ashton.


"Kasalanan mo yan 'no!" aniya ni Callin. "Isa pa, di ba usapan natin, ako ang masusunod dahil hawak ko ang buhay mo BWAHAHA" dagdag nya pa at tumawa na parang bruha. Natigil sya nang bigla syang pitikin ni Ashton sa noo. "Arayy ko naman." inda nya.


"Tsk, bakit ba kailangan pa kitang samahan?" tanong ni Ashton.


"Katulad nga nung sinabi ko dati, kailangan kita. Hindi bilang jowa o guardian. Kundi buhay. Dahil sayo kaya eto! Malakas ako ngayon! At sobrang sigla katulad nang pinangarap ko." maligayang sagot ni Callin. Tumayo sya at hinila ang kamay ni Ashton. "Arat na! Punta tayo sa mga street food dito! Tagal ko nang hindi nakakakain nun eh, bawal kasi! Mga apat... limang taon na!"


Lihim na napangiti muli si Ashton sa akto ni Callin na parang bata. Sinundan nya nang sinundan si Callin sa mga pinupuntahan nito, at sya na rin ang nanlilibre dahil makulit ito. Nung mag uwian na, ay si Ashton muli ang mag-d-drive kay Callin pauwi.


Mga ilang minuto lang ay tawa na ng tawa si Callin sa loob nang sasakyan at dahil iyon sa mga nakukwento ni Ashton. While Ashton is smiling the whole time because he find it somehow, comfortable to be with Callin.


Sa mga sumunod na araw ay naging mas malapit ang dalawa. Minsan nga'y hindi na sila masyadong nakakasalamuha sa mga kaibigan nila dahil araw araw na silang nag h-hang out ng sila lang dalawa. Isang linggo ang lumipas nang ganon sila.


"Magsabi ka naman nang sikreto dyan, Ton-Ton." pangungulit ni Callin kay Ashton. Masama syang tiningnan ni Ashton at pinitik ang noo nya dahilan upang maurong ang ulo nyang malapit na pinagmamasdan ang mukha ni Ashton kanina.


"Lumayo ka nga! Atsaka! Hoy sandWitch gurl! Ilang beses na ba ako nagkwento sayo! Ni h-hindi ko na nga matandaan kung bakit ba ako nagk-kwento sayo eh." inis na sagot ni Ashton. Humalakhak si Callin at hinaplos ang likod ni Ashton.


"Ayos lang yan, kapamilya. Hindi masamang maging tanga." turan nya kaya muli syang pinitik ni Ashton sa noo. "Arayy ah! Hoy! Nagiging hobby mo na atang pitikin ako ah! Baka gusto mong talian ko na yang kamay mo!" nakabusangot na aniya pa ni Callin. Na sya namang kinasaya ni Ashton.


Nung malapit na sila sa kotse ay sakto namang maytumawag mula sa gilid nila. "Ashton!" napalingon sila duon. Isa iyong babae, mas matangkad nang onti kay Callin, pang model ang katawan at may maamong mukha.


Di mapagkakaila ni Callin ang naramdaman nyang insecurities dahil naisip nyang kung hindi naman dahil kay Ashton ay maputla parin ang mukha nya at mahina ang pangangatawan, hindi katulad nang babaeng ito, halatang alagang alaga ang kutis, mapula ang labi, masigla ang katawan na ito namang kabaligtaran nya.


Lumapit sakanila ang babae at ikinawit ang kamay nito sa braso ni Ashton. Napalayo si Callin nang kusa dahil duon. Si Ashton naman ay ngumiti sa babae. "Bakit wala ka duon sa party ni Luke, Ash." tanong nung babae sa inosenteng mukha.


"Busy kasi ako, kasama ko bestfriend ko." sagot ni Ashton at inilagay ang braso sa balikat ni Callin. Natigilan si Callin at pinaulit ulit ang salitang sinabi ni Ashton. 'So, wala nga talaga akong pag asa sayo Ash.' saad ni Callin sakanyang isipan.


"Owh! Hello! Kanina ka pa pala dyan, by the way, my name is Passy." saad nung babae. Pasimpleng napa irap sa hangin si Callin dahil halata nya ang pagkaplastik nang kaharap nya.


"Callin." maikling sagot naman ni Callin at hindi tinanggap ang pagkikipagshake hand kay Passy. Lumingon na lang si Passy kay Ashton at pasimpleng binaba ang kamay niya. Muling napairap si Callin sa hangin. "Halika na nga, Ashton." aniya ni Callin.


"Where are you going, Ashton?" pagtatanong ni Passy. 'Ay waw, si Ashton lang nakita?!' inis na sabi ni Callin sakanyang isipan. "Can I come with you?" paawa pa nitong tanong.


"Uh- sure... if... Callin agree?" nag-a-alangan na sabi ni Ashton at tumingin kay Callin. Muli na namang napairap si Callin.


"Whatever, friend." sagot ni Callin. Napalabi na lang si Ashton sa tinawag sakanya ni Callin. Nanguna na si Callin papasok sa kotse ni Ashton. Nang makapasok sa passenger seat ay padabog nyang sinara ang pintuan.


Nagulat duon si Ashton pero kinuha agad ni Passy ang atensyon nito. Ngumiti lang si Ashton at pinagbuksan nang backseat si Passy. Napairap sa hangin si Passy dahil si Callin ang katabi ni Ashton.


Tumingin sa rear mirror si Callin at tinaasan nang kilay si Passy na masama ang tingin sakanya.








~*•*~
1039 words in this part! ^-^)/
Please vote or comment!

Voodoo DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon