Part Five

17 12 8
                                    

"Jusko mari yah! Kang bata ka! Ano 'tong nangyayari?!" tinig nang ina ni Callin. Inaantok namang umupo si Callin sa kama. "Ang sabi mo mag-aaral ka habang wala kami na parang normal na estudyante! Tapos makikita namin 'to! Ano bang kaabnormalan ang pumasok sa utak mong bata ka!" galit na pag-s-sermon pa ng kanyang Ina.


"Ano ba pinagsasabi mo, Ma? Ke-aga-aga ang ingay mo agad." inaantok na reklamo ni Callin. Tumingin sya sa paligid upang hanapin ang kinagagalit nang kanyan Ina. Agad syang napatili nang makita ang isang lalaki na nasa kanyang higaan. "A-Ashton??!" sambit nya sa pangalan nito at inalala ang nangyari.


"Ano bang ingay yun?" reklamo naman ni Ashton na naalipungatan pa. Nanlaki ang mata ni Callin nung maalala ang paglalaro nila ni Ashton. Agad nyang tinakpan ang bibig nang kanyang Ina na handa na sana mang sermon kay Ashton.


"Ma! A-Ano... ipapaliwanag ko naman eh." mahinang bulong ni Callin. Pinagsingkitan lang sya nang kanyang Ina at pabagsak na sinarado ang pinto. Nang makalabas ito ay agad nyang ginising si Ashton at sabay silang bumaba.


"Oy! Ba't ka ba kasi dito natulog kagabi!" mahinang sermon ni Callin kay Ashton, habang ang kanyang Ina ay may ginagawa pa sa kusina.


Ashton lean closer at her, "Alas onse na tayo na tapos kakalaro kahapon kaya anong aasahan mo sa'kin, ikaw nga nakatulog ka na agad eh. Kasalanan ko bang inaantok narin ako kaya hindi ko na magawa pang magdrive pauwi." sarkastikong bulong naman nito pabalik.


Natahimik sila nung bumalik na ang kanyang Ina at pabagsak na nilapag ang kape nito. Sumipsip ito sa kape at matalim silang tiningnan. "Umpisahan nyo na magpaliwanag. Ngayon na." maawtoridad na utos nito sakanila. Parehas silang napalunok.


Matapos sabihin ang kanilang dahilan ay inantay nila ang sagot ni Mrs. Elcantara. Tiningnan nilang maigi ang reaksyon nito. Nakahinga sila ng maluwag nang ngumiti ito sakanila.


"Kung ganon naman pala, ay dapat di nyo na itinago." saad ni Mrs. Elcantara. "Akin naman iyong maiintindihan. Pasensya na sayo iho at muntik na kitang mabulyawan." ngiti lang naman ang naisagot ni Ashton. Tumingin nang maigi ang ginang sakanyang anak. Napatikhim sya, "Iho? Maari mo bang kunin muna ang mga gamit sa pag gawa nang cupcakes? Gusto ko lang sanang gumawa."


"Uh- sige po. Nasaan po ba nakalagay?" tanong ni Ashton. Tinuro ng ginang kung saan. Nang makaalis si Ashton ay bumaling ang Ina sa kanyang anak. Hinawakan nya ang kamay nito.


"Anak. Masaya akong may bago kang kaibigan. Pero, alam nya ba ang tungkol sa sakit mo, anak? Mahirap makipagrelasyon sa isa pa kung wala kayong tiwala sa isa't isa." tututol na sana si Callin sa relasyong tinuran ng kanyang Ina ngunit agad syang pinigilan nito. "Hindi lahat nang relasyon ay sa romantiko umiikot, anak. Hindi naman sa pinipigilan kitang magkaroon nang kaibigan ngunit, mahirap kung masyado mo silang i-a-attached sayo. Magmumukha kang selfish dahil, magdudusa lang sila pag nawala ka habang ikaw naman ay nakapagpahinga na." napaiyak ang kanyang Ina. "Kung ngayon malungkot ako, paano pa kaya ang magiging malapit sayo."


"Mama..." sambit ni Callin.


"May taning ka, anak. Alam natin yun." ngumiti nang mapait ang kanyang Ina. "Pero hindi yun isang dahilan upang maging makasarili. Sa panahong ito. Tama ang unahin ang iyong kasiyahan pero wag mong kakalimutan ang mararamdaman nang iba sa oras nang iyong pagkawala." naiiyak na saad pa nito.


Matapos nun ay agad silang nag-si-ayos nang may marinig silang yapak galing sa kusina patungo sakanila. Si Ashton yun. Pinilit nya ang sariling di malungkot nang umupo na sya kasama ang mag-ina. Tama kayo nang nabasa, nalungkot sya, narinig nya nga. Nasabi na dati sakanya ni Callin ang sakit nito, ngunit hindi nya alam na may taning na pala ito. Parang piniga ang puso ni Ashton sa lungkot ng kanyang narinig. 'Kaya nya ba ginamit yung voodoo doll? Para magkaroon pa sya nang oras? Pero bakit sa'kin nya ginamit?' tanong ni Ashton sakanyang isipan.


Lumipas ang araw na yun na naging isa sa masayang oras ni Callin. Dahil sa araw na iyon, nagpuyat sila sa paglalaro ni Ashton, nakapagbonding silang lahat, nakapaglaro sya nang masaya kasama ang kapatid nya at si Ashton, at higit sa lahat, naranasan na nya muling maramdaman ang sigla at saya na hindi nya naranasan sa loob nang mag-l-limang taon nya sa hospital.


Nung mag sabado at linggo ay walang natanggap na tawag si Ashton. Hinintay nya ang araw nang lunes para muling maghanda sa umaga at puntahan si Callin. Ngunit sa kinasamaang palad ay nalaman nyang nauna na pala ito pumasok sakanya.


Buong umaga ni Ashton ay para syang nalugmok sa lungkot. Ramdam nyang iniiwasan sya ni Callin. Gusto nya mang puntahan ang dalaga, pero ayaw niyang makitang umiwas itong muli sakanya.


Nung dumating ang Lunch Time ay agad na pumunta si Ashton sa canteen upang matingnan si Callin, ngunit agad na nawala ang kanyang emosyon, napatingin sya sa gilid. Bumalik ang kanyang mga emosyon ng makita ang kaibigan ni Callin na si Syrene.


Nagulat naman si Syrene nang may humawak sa braso nya, "Oh, ikaw pala Ashton." gulat nyang sambit. Agad namang itinanong ni Ashton kung nasaan si Callin. Napabuntong hininga si Syrene, "Nahimatay sya kanina kaya dinala sa clinic, akala ko nga ayos na sya dahil isang linggo kayong masaya, hayst, nakakaingit nga na kayo pa talaga ang magkasama imbes na akong bestfriend nya—" di na pinatapos ni Ashton ang kwento ni Syrene at agad na tumakbo patungong clinic. Napataas nalang ng kilay si Syrene.


Sa makabilang banda naman ay ang pag-u-usap ni Callin at nang nurse. "Ikaw yung nurse na nagbigay sa'kin nang manika, right?" tanong nya sa nurse. Ngumiti naman ang nurse.


"Buti at naalala mo pa ako, Callin." sagot nang nurse. Napairap na lang si Callin. "May dapat kang malaman tungkol sa mahikang ginagamit mo, Callin." saad nang nurse na agad na nagpakunot sa noo ni Callin.


"Ano naman yun?" tanong nya.


"Ang sakit mo ay hindi nawala, katulad nang aking tinuran nuon, ang iyong sakit ay mawawala pag kasama mo si Ashton, pero hindi ibig sabihin nun ay tuluyan." huminga ito nang malalim. "Ang iyong sakit ay parang oras, kung saan yun nahinto, duon din yun magpapatuloy. Hindi yun nagr-reset. Nagpapatuloy lamang iyon hanggang sa maubos na ang hangganan nang iyong oras." saad pa nang nurse.


"Hindi ko maintindihan." naguguluhang aniya ni Callin. Umupo ang nurse sa tabi nya.


"Sa tuwing magkakasama kayo ni Ashton, duon hihinto ang iyong sakit, pero pag nagkahiwalay kayo, magpapatuloy lang ito kung saan ito nahinto. At kung magpapatuloy ang pagkakahiwalay nyo, bibilis din ang pagkawala mo." sagot sakanya nito.


"Ibigsabihin—" natigil sa pagsasalita si Callin nang biglang bumukas ang pinto ng clinic at sinigaw ang kanyang pangalan. "A-Ashton?" sambit nya. Agad na tumungo sakanya ito. Napatingin sya sakanyang paligid. "Nasaan yung nurse?" tanong nya nang mapansing bigla itong nawala.


Kumunot ang noo ni Ashton. "Nurse? Ayos ka lang ba, Callin? Sa pagkakaalala ko ay pumupunta ang mga nurse sa principal para sa konsult nang gantong oras sa university natin." nagtatakang turan niya pa. Tiningnan nya ang buong katawan ni Callin. "Wala na bang masakit sayo? Bakit ka ba kasi humihiwalay sa'kin? Di ba sabi mo ako ang lakas mo?" hinawakan nya ang kamay ni Callin. Ngumiti na lang si Callin.


"I'm sorry." aniya niya. Umupo si Ashton sa tabi nya at huminga nang malalim. Tiningnan nya nang seryoso si Callin.


"Pakiusap, wag mo na muling gawin iyon. Wag ka nang umiwas sa'kin." saad ni Ashton. Tumango lang naman si Callin kaya ngumit si Ashton. "Atsaka, may contest kaming sasalihan ng banda bukas, gusto mo bang pumunta?" tanong niya.


"Pwede ba?" tanong naman ni Callin. Tumango si Ashton sakanya.


"Yup! Kapag nakapasa kami, magkakaroon kami nang tsansa na mapasama sa sisikat na banda! Tapos maari na kaming makapunta sa iba't ibang bansa! G-gawa kami nang mga songs! At ikaw ang gagawin kong number One fan ko!" puno ng kompiyansang saad ni Ashton.


Nagpatuloy ang kanilang kwentohan hanggang mag uwian. Nang makauwi si Callin sakanyang bahay ay agad nyang inayos ang sakaling susuotin nya sa contest na papanoorin nya bukas.






~*•*~
1359 words in this part! Please vote or comment!

Voodoo DollWhere stories live. Discover now