Part Seven (Finale!)

20 9 2
                                    

Ilang araw ang lumipas matapos nun. Laging magkasama si Ashton at Callin. Napakilala narin ito ni Ashton sa mga kaibigan nya. At lagi nya ring nakakasama si Callin sa practice ng banda nila. Araw araw din nararamdaman ni Ashton ang lungkot sa oras na aalis na sya sa tabi ni Callin.


Nung dumating ang oras nang pag alis ni Ashton ay di nya maiwasang maging emotional kahit nasa harap sya ng kaniyang kaibigan. Niyakap nya ng mahigpit si Callin na sya ring umiiyak sa pag alis ni Ashton.


"Lagi kang mag iingat duon, Ton-ton." naiiyak na paalala ni Callin. "Wag mong papabayaan ang sarili mo. Pursue your dream and always remember, Ako lang ang number one fan mo, huh?" tumango naman si Ashton at humiwalay sa yakap.


"Opo, sandwitch. Ikaw rin." aniya naman ni Ashton. Sasagot na sana si Callin nang tigilan sya nang mga labing naglapat sa labi nya. Ashton gentle kiss her lips. She kiss back. Nang humiwalay sya sa halik ay may binulong si Ashton na lalong nag pabilis nang sobra sa tibok ng puso nya, "I love you, Callin." bulong ni Ashton at tumalikod na.


Sinundan ng tingin ni Callin ang rebulto ni Ashton na papalayo sakanya. Nung muling lumingon ito sakanya ay ngumiti sya at kumaway. Nang makaalis ito, ay muli rin syang nanghina.


'Tapos na. Ito na siguro ang huli at una nating halik.' turan ni Callin sakanyang isipan.


Lumipas ang mga araw, sa unang mga nakalipas ay masaya lang silang nag uusap sa linya ng tawagan. Ngunit sa mga sumunod ay nawalan na ng oras si Ashton upang makipag kumunikasyon. Naging busy sya sa pag gawa ng kanta kasama ang banda nila.


Ganun rin naman si Callin. Hindi nya na rin madalas masagot ang tawag dahil sa onti onti nyang panghihina nang sobra. Katulad nga sa sinabi ng nurse, mapapabilis ang sakit pag naghiwalay sila.


Lumipas pa ang mga araw hanggang sa oras na ng unang pag-r-realease nang kanta ng banda ni Ashton. Habang nag-d-drums si Ashton ay biglang nabali ang kanyang kanang kamay. Lahat nang nasa studio ay nangamba at nagulat sa nang yari. Dahil sa nangyaring iyon ay napost pone ang planong realease.


Nainis at nadismaya si Ashton sa nangyari, at alam nya kung sino ang dahilan nun. Agad nyang tinawagan si Callin. "Why the hell are you doing this to me, Callin?!" inis na bungad ni Ashton. Nagulat naman duon si Callin na kasalukuyang nakahiga sa kama ng hospital.


"W-What do you mean, Ashton?" tanong ni Callin. Napasandal si Ashton sa frustration.


"Napost pone ang release. Wala nang release na mangyayari, Callin! Nadissapoint ko lang yung mga kaibigan ko! Pati yung sarili ko, Callin! Ang tagal namin 'tong hinintay eh!" inis na pagr-reklamo ni Ashton. "Callin, ginamit mo ba yung manika? Bakit?" nal-lungkot na tanong nya pa.


Huminga nang malalim si Callin. "I-I'm s-sorry, Ashton—" hindi na natapos ni Callin ang sasabihin nya nang muling magsalita si Ashton.


"So, ginamit mo nga? Alam mo naman kung bakit ako nandito di'ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Ashton. "I, Ashton Erwin, a human being and not your fvcking toy, Callin!" galit nyang turan at pinatay ang tawag.


Napapikit na lang si Callin at binaba ang phone nya. Tumingin sya sa manikang nasa tabi nya at ngumiti. "Sana gumana 'tong gagawin ko, Ashton." bulong nya.


Dalawang araw lang ang nakalipas ay gumaling agad ang injury ni Ashton na parang walang nangyari. At dahil duon, natuloy na ang release ng kanta nila.


Dapat ay masaya si Ashton matapos ang release ngunit parang nababasag ang puso nya habang hinihintay ang kahit isang kamusta man lang galing kay Callin. Dalawang araw na silang di nag uusap dahil nadala sa frustration at inis si Ashton kaya hindi nya kayang tawagan si Callin. Habang ang tawag naman na hinihintay niya galing kay Callin ay hindi rin nangyari.


Voodoo Dollحيث تعيش القصص. اكتشف الآن