CHAPTER 3

1.1K 50 11
                                    

"Name your price, Attorney Cortez," nakangising saad ni Governor Mendiola sa akin.

Mahina naman akong napatawa sa sinabi niya.

"Ten million, kasama ang ulo mo," nakangising sagot ko sa kaniya.

Umigting naman ang panga ng matanda na nakatitig sa akin. "Tuso ka talaga. Tingnan lang natin kung hanggang saan ka kakapit!" diin na saad niya sa akin.

"I've got enough blood on my hands already, Governor. Do you really think na matatakot ako sa mga salita mo?" nilalaro ko ang ballpen sa aking kamay habang nakangising nakatingin rito.

Nakipagkita ito sa akin sa restaurant. Gusto niya bayaran at i-atras ang kaso laban sa kan'ya.

"It's your choice, Attorney. Kung ayaw mo maging magulo ang mundo mo," aniya na hinihimas-himas ang balbas.

Humalakhak naman ako. Napatingin naman sa akin ang ibang kumakain sa loob ng restaurant.

"Don't be stupid, Governor. You won't be fun if you're dead. But I'm not going to kill you. You don't deserve that kind of mercy." Dumukwang ako rito at inayos ang kan'yang salamin sa mata. " Instead you're going to kill yourself," mahinang saad ko rito at tumayo ako ng tuwid.

Nakaawang lang ang labi niya nakatitig sa akin.

"You think you can teach me a lesson? You're wrong. I'm the one to teach you. See you in court, Governor Mendiola."

Isa-isa kong tiningnan ang kan'yang mga tauhan. Itinaas ko ang aking kamay at kunwaring binabaril ko sila.

"Bye, Governor. Have a nice day," ubod tamis akong ngumiti rito at lumabas na ng restaurant.

Umuwi muna ako sa apartment ko para maligo. Sunod-sunod ang araw na abala ako sa kaso na hinahawakan ko. Noong isang araw, pinagbabaril ang kotse ko. Buti na lang ang kotse ni Daddy ang gamit ko at bullet proof ito. Puro sermon ang natanggap ko kay Kuya Dwaine.

Pagkatapos ko naligo, gumayak agad ako papunta sa opisina. Buti na lang pagdating ko nakahanda na ang mga dokumento na pag-aralan ko. Alam kong may binabalak na naman si Governor Mendiola sa akin.

"Attorney? May meeting po kayo kay Attorney Villa," aniya ng sekretarya ko.

"Cancel it."

"P-Po?"

"May pupuntahan ako, Era. Sabihin mo next week na lang."

"P-Pero, Attorney."

Napatingin ako kay Era na parang napapaihi ito.

"Why?"

"Nagagalit na si Attorney Villa," aniya na nakangibit ito.

"Then, shoot him," nakangising saad ko naman. Namutla naman ito sa sinabi ko. Dali-daling lumabas ito sa opisina ko. Napailing na lang ako sa reaksyon ni Era.

Tinapos ko na ang lahat na pipirmahan ko at nagpaalam kay Era na aalis muna ako. Umuwi muna ako sa apartment ko at doon ko na pinag-aralan ang mga kaso na hahawakan ko.

Kahit anong gawin ni General Mendiola, walang na siyang lusot. Hawak ko na ang mga ebidensya laban sa kan'ya.

Naputol ang pag-iisip ko na may nag-doorbell. Agad ko naman tiningnan ang computer ko na nakakonekta sa mga CCTV ko sa apartment. Napangiti naman ako kung sino nasa labas. Agad ko pinindot ang unlock button sa pinto.

"Come in,mahal ko," saad ko rito sa intercom. Automatic ang mga gamit ko sa bahay. Agad naman ako tumayo para salubungin ito.

"Hey," aniya sa akin ni King.

TAG KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon