CHAPTER 6

504 29 4
                                    

ATTORNEY CORTEZ-

NAPANGIBIT naman ako sa sakit. Dahan-dahan akong bumangon at tinanggal ang dextrose na nakalagay sa aking kamay. Ramdam ko rin na mainit ang aking katawan.

"Saan ka pupunta?" aniya ng aking King na dali-daling ibinaba ang pagkain sa mesa at inalalayan ako.

"Uuwi na ako," mahinang saad ko naman.

"Hindi pa magaling ang sugat mo. At namumula pa rin ito!" galit na saad niya at pilit ulit akong pinapahiga.

"Kaya ko na, my King," malambing na sagot ko naman.

"Huwag matigas ang ulo, Ziena Lara!" aniya at inayos ulit ang dextrose sa aking kamay.

Napanguso naman ako.

"Bakit ba nakadikit ang gulo sa inyo? Kung hindi si Jenny, si Z. Kahit sila Bea at Ann," panenermon niya sa akin.

"Subuan mo ako," malambing na saad ko naman.

"AYOKO ng ganito, Ziena. Paano kung mag-asawa na tayo? Baka matulad tayo sa nangyari kay Nina. Namatay ang mga anak niya dahil sa klaseng merong trabaho siya!"

Mahina naman akong napatawa. "Huwag muna natin isipin iyan."

Napapailing na lang ito na sinubuan ako ng sopas.

"Puwede na kaya?" tanong ko rito.

"Ng ano?" nakakunot ang noo na saad niya.

"Boom boom-."

"Tumigil ka! Dudugo iyang braso kapag nasagi," aniya na inirapan naman niya ako.

Napangiti naman ako sa reaksyon ng binata. After ako pinakain ng ni King, may pinainom ito na gamot sa akin at nakatulog na naman ako.

Paggising ko ulit, medyo maganda na ang aking pakiramdam. Wala na ang dextrose sa aking kamay. Pinalitan na din ang suot-suot kong damit.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Hari na kakapasok lang.

"Okay na. Uuwi na ako, panigurado galit na naman si Daddy."

Lumapit ito sa akin. "Available ka ba tomorrow? Gusto sana kita ipakilala sa Daddy ko."

Pasimple naman akong ngumiti. "I'll chey my schedule," sagot ko naman. Kinuha ko ang aking jacket at sinuot ito.

Inabot naman ni King ang baril ko.

"Kaya mo magmaneho?" tanong niya.

"Yes. Mayang gabi, pupunta ulit ako dito. BBP tayo," kindat ko rito.

Mahina naman itong napatawa. "Puro ka kalokohan," aniya at pinitik na naman ang noo ko.

"Ayaw mo ng BBP? Eh 'di, boom-boom pow."

"Crazy," napapailing na saad ng aking Hari.

Humalakhak naman ako at hinalikan ito sa labi.

"See you later, my King," saad ko at lumabas na.

Dumaan muna ako sa bahay ni Kier at kinuha ang files na pinagawa ko noong nakaraang araw.

"Tita Attorney!" Nagsisigaw na tawag sa akin ni Dust.

"Hey, little man," agad ko itong pinupog ng halik sa pisngi.

"Hi, Ziena!" nakangiting bati naman ni Sheena.

"Hello," ngiting saad ko naman. I wonder why, kung bakit baliw na baliw si Harrison kay Sheena. Kahit maraming na itong anak, sobrang ganda at sexy pa rin ito. At higit sa lahat sobrang bata pa.

"Isa, dalawa, tatlo. Apat, Lima. Araw-gabi wala panty si Tita Jenny!"

Napatampal na naman ako sa aking noo.

TAG KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon