CHAPTER 7

812 32 8
                                    

"Maghiwalay na lang tayo!" Sigaw ng babae.

Napairap naman ako sa magkasintahan na nakatayo sa aking harapan. Nandito ako ngayon sa isang sari-sari store, at may inaabangan akong dalawang lalaki na makakatulong sa kaso na hinahawakan ko. Kung tutuusin, patay na sana si Cervantes, na hindi ko kailangan na nahihirapan pa sa kasong ito, pero ayaw ni Z na daanin ko ito sa dahas.

"Mahal kita, please. Huwag mo ako iwanan!" aniya naman ng lalaki.

Damn! Parang teleserye ito ah.

"Ziena!"

Napatingin naman ako sa babae na nakangisi ito.

Nakasuot lang ito ng pekpek short at nakasando na puti. 

"Buenas malas, Rivas," nakangising bati ko naman.

Mahina naman itong napatawa.

"Hindi na nga kita mahal!" galit na naman saad ng babae.

Nginisihan ko naman si Rivas. 

"Ala eh, kung hindi mo na mahal, palitan mo. Hangga't hindi wasak ang kuweba, sige lang ng sige," sagot naman ni Jenny sa babae.

Napahagikhik naman ako.

"Huwag mo siya sulsu-!" aniya ng lalaki at humarap kay Jenny. Napatigil ito sa pagsasalita at napanganga na nakatitig sa kaibigan ko. Syempre napatulala ito sa ganda ni Rivas.

Napailing naman ako. Kapag ganito kasi ang misyon ko, balot na balot ako. Nakasumbrero ako at naka-sunglasses. Puting t-shirt at kupas na maong naman ang suot ko. 

SAMANTALA si Rivas, as usual, pang club na naman ang porma.

"Bakit kasi hindi mo mahal ang jowa mo, Miss? Siguro may iba ka na?" tanong ni Jenny.

Yumuko naman ang babae.

"Ganito na lang. Kung ayaw na, iparaya mo na, Sir. Atleast, tinitigasan ka pa rin. Hanap ka ng babae sa gidli, iyong kaya ang 10 rounds," Banat ulit ni Rivas.

Natatawa na lang ako. 

"Pasukin na natin ang squatter area," saad ko naman.

"Mag-ayos na kayong dalawa, aba, dinilaaan niyo na ang isa't isa, kaya dapat stay strong and happy forever kayo."

Natatawa naman kaming dalawa na iniwan ang magkasintahan. 

Dumaan muna kami sa sasakyan ni Jenny at nagbihis ito ng t-shirt at pantalon. 

"Dalawa ba sila ang kukunin mo, o kahit isa lang?" tanong sa akin ni Rivas.

Inaayos ko naman ang baril na gagamitin ko. "Dalawa sila. Kailangan ko sila pareho. Kung sakali na manlaban sila, make sure na kapag binaril mo, huwag sa maselang bahagi ng katawan. I need them alive."

"Yes, Attorney?" sabay kindat niya sa akin.

Inayos ko naman  ang maliit na earpiece na nakakabit sa aking tainga.

Sinenyasan ko si Jenny, sa kabilang side siya dumaan. Pinasok namin ang masikip at mabahong iskinita.

Nakatago muna ang baril ko sa aking tagiliran.

"Psstt?! Sino ka?!"

Napatingin naman ako sa mga lalaking nag-iinuman.

"Dayo ka ba dito?!" tanong niya ulit.

"Taga-lending lang po. May sisingilin lang ako," mahinang saad ko naman.

"Maraming pera  yan dala, Pare!" aniya ng isa at tumayo ito. Lumapit ito sa akin.

TAG KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon