CHAPTER 9

135 8 2
                                    

ZIENA LARA CORTEZ

WALANG tinatawag na batas para sa akin. Kung isang kriminal din naman ang hahatulan.

Yes, pera-pera lang pagdating sa ganitong trabaho. Pero, ang pamilyang tutulungan ko ay deserve rin nila makamit ang hustisya.

Gigil na gigil na nginunguya ko ang chewing gum habang nakatingin sa di-kalayuan, kung saan nandoon nakaupo sa loob ng restaurant ang target.

"Kung isang matinik na kriminal ka, Cervantes. Puwes, isang matinik na assassin ang tatapos sa buhay mo," nakangising saad ko.

Nandito ako sa loob pa ng sasakyan ko. Kanina nanggaling ako sa bahay ni Kier at hiniram ang sniper rifle niya.

"Kapag patay ka na, panigurado, magbubunyi ang mga kalaban mo sa negosyo," mahinang saad ko habang inaayos na ang sniper rifle.

Kung sa mga maliit na negosyante, gusto nila mawala si Cervantes. Dahil hindi sila panigurado kikita kung isang malaking leon ang sagabal sa kanilang dinadaanan.

Pero, si Caden Salvacion, baliwala lang ito sa kan'ya. Why not? May sariling mundo ang Daddy ni Javi.

"T-Tita Attorney?"

"Holy Christ!" nagulat ko na biglang lumitaw si Sun sa aking likuran.

"Holy Shit! Bakit nandito ka?!" Sigaw ko naman sa anak nila Sheena at Kier.

"I w-want to go with you," aniya na maluha-luha ang mga mata.

Napatampal naman ako sa aking noo.

"Damn! Dito ka lang sa sasakyan, okay?" diin na saad ko naman dito.

"Yes, Tita Attorney!" masayang sagot naman ni Sun.

Ang masama, baka hinahanap na siya ni Harrison.

"Sun, dito ka lang sa kotse ko. Huwag- huwag kang lumabas, okay?"

"Yes! Yes!" aniya na pumalakpak pa ito.

Tsk! Mana talaga sa nanay niya na isip-bata pa rin? Mga pasaway talaga!

Dali-daling pumunta na ako sa gusali kung saan doon ako pupuwesto. Maya maya lang, napatigil naman ako.

Bwesit!

Agad ko naman binalikan si Sun. Hindi ko puwede iwanan si Sun sa sasakyan. Baka kung ano pa ang mangyari sa bata.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ito na panay ang tumbling sa upuan.

"Mabalian ka. Halika sumama ka na sa akin," mahinahong saad ko naman.

"Really?! Yeheey!"

Agad ko naman ito kinarga at pumasok na kami sa loob ng gusali.

Nasa fifth floor ang room na pina-check-in ko kanina.

Pagpasok namin sa room, agad ko pinaupo sa kama si Sun.

"Behave, okay?" saad ko rito.

Tumango naman ito.

Pumunta naman ako sa bintana at inayos ang puwesto ng rifle. Tamang-tama lang ito na nakaharap mismo sa restaurant.

Habang inaadyas ko ang lens ng rifle, panay naman ang tunog ng aking cellphone.

Fuck! Sabi ba nga eh!

Tumatawag si Kier. Kasabay naman ang pag-miskol ni Z. Then, may chat so Dodi at ng aking Hari.

Sinagot ko muna ang tawag ni Z.

"Z?

"Dammit, Ziena! Nandiyan si Sun sa kotse mo!"

"Yeah. Kasama ko. Why?" tamad na sagot ko naman.

TAG KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon