Chapter 8

166 11 0
                                    

Lucky's PoV

Three days later...

Nandito ako ngayon sa bench yung lagi namin pinupuntahan ni Abby kung break time. Gusto kong magpahangin dito dahil ang presko.

Nakakatanggal ng pagod.

Buti na at magaling na si Hade. Umuwi agad ako ng kinabukasan nung natulog ako sa kanila para alagaan sya.

Pumasok agad sya pagkagaling. Hindi na ako nagpapasundo sa kaniya. Baka mabinat pa sya, edi mas lalo akong magi guilty.

Napag isip isip ko iiwas na talaga ako sa kaniya dahil sa akin nangyari sa kaniya yun.

Kahit sabi pa ni tita Kate na hindi ko kasalanan, sinisisi ko parin ang sarili ko. Kung hindi ko sya inaya, hindi sya magkakasakit.

Kahit masakit, ok lang hindi lang sya magkasakit ulit. Ganun ko sya kamahal.

Hindi na ako pumupunta sa bahay nila. Tumawag na lang ako para tanungin ang lagay nya.

Sabi naman ni tita ok na daw.

***

"Hello iha?"

Napaayos naman ako sa pagkakaupo ng marinig ko ang boses ang mama ni Hade na si tita Kate sa kabilang linya.

Syet! medyo kinakabahan ako.

"Hello tita! Ah? T-tatanungin ko lang po sana si Hade kung okay na ba ang pakiramdam nya?" medyo utal kong tanong sa kaniya.

Narinig ko naman humugot ng buntong hininga sa kanilang linya.

Huh? May masama bang nagyari kay Hade? Tanong ko sa aking isipan.

"Hmm! Oo, iha magaling na sya. Nakakakain na din sya ng maayos. Mabuti na lang at mabilis syang gumaling e. Ang galing kasi ng nurse nya, ehem." sagot nya sa tanong ko pero may kasama namang panunusok.

Namula naman ang buong mukha dahil sa panunukso ni tita Kate sa akin.

Si tita naman e. Lagi na lang akong tinutukso. Heto naman ako laging namumula.

Napakagat na lang ako ng labi." Tita naman e. Lagi mo na lang akong tinutukso." maktol ko.

Narinig ko naman syang natawa sa kabilang linya.

"Haha! Ikaw talaga iha. Wait? Bakit ka pala hindi pumunta dito sa bahay? Hinahanap ka ni baby Haden ko?" biglang tanong nya sa akin na kina bigla ko.

Hindi ko ine expect na tatanungin nya yun sa akin kaya gulat na gulat ako.

Syet! Kinabahan ako dun a.

Napabuntong hininga naman ako bigla. Ano kaya ang magandang palusot? Hindi ko naman pwedeng sabihin kay tita ang totoo.

"Ah! Eh! pasenya na tita hindi ako nakapunta dyan sa bahay nyo, marami po kasi akong ginagawa e. May mga project pa kaming ginagawa." palusot ko.

At kinagat ang ilalim ng labi ko.

Damn! Buti na lang at hindi ako nautal sa palusot ko. Halos matanggal ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok.

Natahimik naman ang nasa kabilang linya. Shit! Halata ba na nagsisinungaling ako? Lord, sana wag nya pong mahalata.

"Ganun ba iha!! Sige sasabihin ko na lang sa kanya na hindi ka nakapunta dahil maraming kang ginagawang project." maalumanay nyang sabi sa akin.

Naguilty naman ako sa sinabi." Sige po."

Nang nawalan na ng boses sa kabilang linya.

Napatitig na lang ako sa kawalan. At napabuntong hininga na lang. Paano kaya kung magalit sya sa akin?

The Man In My Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon