Chapter 10

165 10 0
                                    

Lucky's PoV

Lunes....

Lunes ngayon may pasok na naman. Ayaw ko sanang pumasok ngayon dahil ayoko syang makita. Hanggang ngayon masakit parin e. Parang ayaw umalis.

Baka usap usapan na ngayon ang paghihiwalay namin ni Hade. Siguro nagpe pyestahan na ngayon ang mga fangirls nito.

At meron ding tuwang tuwa dahil wala na kami. Yun naman ang gusto nila, ang maghiwalay kaming dalawa e.

Natatakot ako kung ano ang mangyayari mamaya. Baka pagpasok ko agad sa gate ng school, bubungad ang mga salita nilang masasakit.

Ang galing pa naman silang mang judge ng tao. Hindi naman nila ang ang totoong nangyari. Basta kung anong narinig agad na putak ng putak ang mga bunganga nila.

Kung hindi naman ako papasok ngayon, para naring patay na patay ako sa kaniya, na hindi ko matanggap ang nangyaring paghihiwalay.

Ano naman ang inaarte ko? Pagpapanggap lang naman ang lahat ng mga yung mga ginawa namin.

Pero sa akin......

Hindi pagpapanggap ang mga pinapakita ko sa kaniya. Siguro sa una. Oo, inaamin kong pagpapanggap lang yun.

Hindi nagtagal nagustuhan ko din sya at tinigil na ang pagpapanggap, tinotoo na lang. Ang manhid naman nya e. Hindi makita ang pagmamahal ko.

Kahit ni kititing ng pagnamahal, hindi nya ba naramdaman sa akin yun? Gusto kong bigyan ng mga kahulugan ang mga pinapakita nya noo sa akin.

Pero nakatatak sa akin isipan na. Na ginagawa nya lang yun dahil sa pagpapanggap. Ang sweet dahil hindi halata na pagpapanggap lang yun.

Bakit sa kanya pa kasi tumibok ang puso ko?

Pero hindi ako nagsisi na sya ang nagtibukan ng puso ko. Dahil sa kanya ko naranasan ang lahat ng ito. Nagparanas kung gaano kasarap magmahal. Naranas ko sa kanya kung gaano kasaya magpahalaga.

Sana makahanap sya ng babae na magmamahal sa kanya, na mas higit pa sa pagmamahal na binigay ko.

Kahit hindi kami para sa isa't isa atleast nakilala ko. Na naging parte sya ng buhay ko. Hindi ko inaakalang ang Hade Watson na kinakatakutan kong makasalubong.

Na ngayon naging fake boyfriend ko ng hindi ko inaasahan na mangyayari.

Noon lang isa sya sa kinakainisan kong tao sa school dahil sa ugali nyang bastos sa mga guro at lagi itong nambubully ng kagawa kong estudyante.

Makikita ko pa lang sya noo, parang gusto ko ng tumakbo ng mabilis paalis sa harapan nya. Parang gusto ko na ngang sapakin sya e dahil sa ugali nyang ang gaspang.

Kita mo na ngayon, parang kailan lang sya ang pinaka ayaw kong makita. Tapos ngayon, parang hindi ko kayang hindi ko sya makita.

Para akong nababaliw dahil sa pagka miss. Miss na miss ko ang lahat kung paano sya maging sweet sa akin.

Ang mga ngiti at tawa nya ang sarap pagmasdan basta ikaw ang dahilan ng ngiti at tawa na yun. God!! Para na talaga akong baliw. Kasalan ng lalaking yun e.

Winaksi ko muna na lang sa aking isipan ko yun. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba.

Tapos ko naman na naayos ang itsura ko. Tinakpan ko ng konting foundation ang mukha ko para hindi masyadong mapansin na umiyak ako ng magdamag.

Pagbaba ko, pumasok agad ako sa kusina. Nakita ko naman si mama doon na naghahanda ng almusal. Ang bango naman ng linuluto nya.

Agad naman akong humalik sa pisngi nya.

The Man In My Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon