Chapter 20

140 7 0
                                    

Lucky's PoV

It's been 1 month since Hade was introduced me to his parents and his grandfather.

Napakasaya ko ng araw na yun dahil pinakilala nya ako sa mga magulang nya. Ako na ata ang pinaka masayang babae sa mundo.

Pagkatapos namin ni tita Kate na mag kwentuhan noon, agad kaming sumunod kina Hade. At dun namin tinuloy ang kwentohan. Hindi kami nauubusan ang mga kwento.

Kwinento din ng lolo ni Hade kung gaano kasungit noon si Hade noong bata pa sya. Buti daw may naglakas loob na nakipag kaibigan sa kanya. Sina Clark, Ivan at Kris, ang mga batang yun.

Tawa lang kami ng tawa habang nag kinikwento nila ang ugali ni Hade noon.

Pero si Hade halos umusok na ang ilong dahil sa kahiyaan. Pulang pulang ang mga pisngi nya. Halos patayin nya ako ng tingin dahil isa din ako sa nakikitawa.

Pero hindi ko parin yun pinansin. Patuloy sa pakikinig ng kwento nila.

Hehe! Ang sarap nya kasing asarin e.

Pagkatapos noon ng kwentohan namin. Hindi ako nun pinansin. Kaya suyo ako ng suyo. Hanggang tinakot sya ng magulang nya.

Kung hindi daw nya ako papansinin, baka raw maghanap ako ng iba na mas gwapo.

Syempre hindi ko gagawin sa kanya yun. Bakit naman ako maghahanap pa ng iba, kung sya palang, sobra sobra na.

Walang isang minuto nun agad naman nya akong niyakap. At sabing wag daw syang ipag papalit sa mas gwapo sa kanya.

Kaya ayun, pinag pyestahan nilang tuksuhin si Hade na takot lang na mawala ako. Agad naman nya akong hinila palayo sa kanila. At agad naman nya akong dinala sa kwarto nya.

Hindi ko malilimutan ang sinabi ni tito Hanze noon.

"Son! I want twins!"

Dahil sa sigaw nyang yun namula ang buong mukha namin ni Hade. Para naman kaming nasampal dahil sa sobrang pula ng pisngi namin.

Natawa lang sila ng tawa ng nakita nila ang reaksyon namin. Binilisan na lang ni Hade ang paghila sa akin para makapasok agad kami sa kwarto nya. Waahh...

Walang umimik sa amin noon pagpasok namin sa kwarto nya.

Ano ba kasi ang pinagsasabi ni tito Hanze? Kaylangan pa nya kasing isigaw.

Pwede naman nyang ibulong sa amin para magawa namin agad........

Charrr!! I'm just kidding!!!

Pero, kinikilig kaya ako noong sinabi nila yun. Hehe!

*PAK*

"Arayy!! WHO THE H*LL IS THAT?!!" murang sigaw ko.

Shete naman oh. Sinong hindi mapapasigaw kung may nangpalo sayo. Nakakaasar!!!

Pero napahawak na lang ako ng labi dahil sa pagsigaw ko. At hindi ko namalayan na napamura na pala ako. Ih! Nagulat kasi ako.

"abat ako pa ang minumura mo. Sheteng ito, masasapak talaga kita." sigaw din pabalik ng pumalo sa akin.

"ikaw naman kasi nang gugulat ka." iritang sabi ko. At sinamahan ng tingin.

"abat ako pa ang may kasalanan. Ikaw tong kanina pa kinakausap. Pero hindi nakikinig. Ano bang iniisip mo at parang lutang ka?" mataray na na tanong ni Abby habang naka taas ang kilay.

Ang taray talaga ng babaeng to. Tanggalin ko kaya ang kilay nya? Haha!!

Napabuntong hininga na lang ako bago sagutin ang tanong nya. Kung hindi ko naman kasi sabihin sa kanya, mangungulit yan ang sabihin mo. Tss.

The Man In My Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon