Chapter 15

120 8 0
                                    


Lucky's PoV

"pasok na po" paalam ko sa kanila.

Napatingin naman sila sa akin habang kumakain.

"sige nak, mag ingat ka." sagot nila mama. Humalik muna ako sa kanilang pisngi bago lumabas sa kusina namin.

"aalis kana, ate?" tanong ni Loki habang pababa sa hagdan.

Napailing na lang ako dahil kagigising palang nila ni Aki. Ang babatugan talaga ang mga ito, anong akala nila weekend para hindi sila maaga magising.

Tumingin naman ako sa kanila. At punaningkitan ng mata.

"ayy hindi, hindi. Pupunta ako taas para ipagpatuloy ang pagtulog ko. Maaga pa naman e. Kaya matutulog muna ako." sarkastikong sagot ko sa kanya.

Pinaikutan ko sa ng mata. Batukan ko tong kapatid ko na ito e. Kita naman nya na nakasuot ako ng uniform. Tsss.

"huh? Kung ganun, bakit ka naka uniform kung matutulog lang naman? Ang labo mo ate." inosenteng tanong ni Aki at napakamot ng ulo.

Umusok naman ang ilong ko dahil sa mga pampipilosopo nya sa akin. Abat ang batang ito. Ate nya ako, tapos pipilosopoin ako.

Nakapameywang naman akong humarap sa kanila.

"kayong dalawa, wag nyo akong subukan. Kita nyo naman na papasok ako sa school. 'Tas tatanungin nyo kung saan ako pupunta. Aba'y loko kayo a. Batukan ko kaya kayo?" bwisit kong pagbabanta sa kanila.

Pinapainit talaga ng mga ito ang ulo ko. Tsk! Parang gusto nila ng mabatukan.

Napaurong naman sila konti at napakamot ng ulo.

"tsk! Ang labo mo ate, makaalis na nga baka masiraan pa kami ng isip sayo." umiling iling na sabi nila sa akin at dumiretso sa kusina.

Inirapan ko muna sila bago tumalikod sa akin. Tsk! Pinagkakaisahan ako. Psh!

Makaalis na nga.

Bago ako pumasok, tinext ko muna si Hade na hindi ako sasabay sa kanya.

Lagi na lang kaming magkasama eh. Hindi naman sa ayaw ko syang kasama a, baka kasi masanay kami baka madali din kaming magsawa sa isat isa.

Kaya mag isa ako ngayon. Sanay naman akong mag isa na nagji jeep e. Kaya ok lang.

At isa pa gusto ko ding magjeep muna matagal na din kasi na hindi ako nakakasakay dun e. Lagi kasi akong nakakotse. Haha!

Ang yaman ba naman ng boyfriend ko.

****

"bwisit talaga ang driver na yun, medyo malayo pa ang gate ng school namin binaba na nya ako. Aish! Nakakaasar naman oh.!!!" sigaw ko.

Buti na lang walang masadong estudyante na dumadaan. Sobrang asar ko ngayon dahil sa driver na yun.

Pinababa agad ako ng hindi pa ako nakakarating sa gate ng school namin. Nakakabwisit.

At laki pa ang sinisingil na bayad. Kung hindi ko napigilan ang sarili ko kanina, baka binutas ko agad ang gulong ng jeep nya, na kala mo naman ang ganda.

Kalag kalag naman. Tss. Bakit hindi na lang nya itapon ang bulok nyang jeep. Kabanas. Ngayon na lang ako ulit nagjeep ganun pa ang ending. Tsk!!

'atleast may jeep sila, eh ikaw meron ba? Wala. Kaya wag ka, masasapak talaga kita.' kontra ng isip ko.

"waaahhhhhh bwisit! Bwisit" asar kong sigaw.

Papagyak padyak ako ngayon dito sa gilid ng daan. Parang akong bata na kinuhanan ng lollipop. Huhu!

Kita ko naman na ang gate ng school.

The Man In My Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon