Chapter 6

1.5K 26 0
                                    

Pilya ang ngiting sumilay sa mga labi ni Angela nang pagpasok niya sa classroom at inilibot niya ang paningin sa paligid ay nakita si Clyde na nasa pinakadulo at pinakalikurang bahagi ng classroom. Kaya pala hindi niya ito napapansin sa tatlong subject niya sapagkat sa pinakasulok ito nakapuwesto.

Lumapit siya rito. Nagtama ang mga paningin nila. Huminto siya sa tapat ng katabing upuan nito kung saan nakaupo ang isang payat na babae.

"Get your ass off that seat," marahan ngunit mariing utos niya sa babae. "Lumipat ka sa upuan ko."

Lumarawan ang takot sa mukha ng babae. "P-pero..." Tumingin ito sa babaeng katabi nito sa kanan. Marahil ay kaibigan nito ang isa pang babae at ayaw nitong mahiwalay roon sa pagkakaupo.

"Aalis ka ba or hihilahin ko ang buhok mo paalis diyan?" banta niya rito at pinanlisikan ito ng mga mata.

Mabilis na tumalima ito. Nang makaabante ang silya, umupo siya roon habang nakatingin kay Clyde na bahagyang namimilog ang mga mata. Marahil ay nabigla ito sa ginawa niyang pagpapaalis sa seatmate nito. Pero mabilis din itong nagbawi ng tingin at itinuon ang atensyon sa binuklat na libro na tila umiiwas ito na mapagtuunan siya ng pansin.

Siguro naman at kilalang kilala na siya nito? Sa ilang beses na pagtatagpo nila malamang ay kabisado na niya ang pagmumukha ni Angel. Habang hindi ito nakatingin sa kanya, hayagan niyang pinagmasdan ito. He had deep-set eyes, a chiseled nose, a square jaw and kissable lips. Kung aayusin marahil ang buhok nito at aalisin ang eyeglasses ay guguwapo ito. Napuna niya ang mga balikat at arm muscles nito. Ngayon lamang siya nakakita ng nerd na may magandang biceps. Kung huhubarin siguro niya ang old-fashioned outfit nito, makikita niya ang magandang hubog ng katawan nito.

He was a hot nerd. Parang si Clark Kent ang aura nito. But Angel didn't think he had Supermans alter ego. Base sa facial expressions nito, masasabi niyang mayroon itong karaniwang mentality ng nerds. Maganda lang ang katawan nito ngunit duwag at lampa rin ito. Kumbaga sa tinapay, isa itong ampaw.

"Hey Clyde," pagkuha niya sa atensyon nito.

Dahan-dahan nitong ipinihit ang ulo mula sa pagkakayuko sa libro patungo sa kanya hanggang muling magtama ang mga mata nila. Itinuro nito ang sarili na tila kinukumpirma kung ito ang tinatawag niya.

Amused na tinanguan niya ito. "What's your full name?"

"Im..." Lumunok ito. "I'm Cyde Razvan"

Bahagya siyang ngumiti. "How old are you?" Humalukipkip at nag-cross-legs siya.

"Twenty" diretsang sagot nito.

"So why did you transfer?"

"Its because my Aunt wants to live here" tugon ni Clyde at ibinaling muli ang tingin sa libro.

"Ow really?? Napa-isip ito ng malalim at sumilay ang kanyang mapang asar na ngiti. "O baka naman lumayo ka lang at dahil nakaranas ka ng mga bully activities roon? Do you think this university has less bullies than your previous school? she said with an evil smile.

"I think so."

"Youre wrong SCU is infested with bullies. Just because it has the word "saint" in its name doesnt mean its a holy school. Well SCU was probably tame during the first few decades. But that was eons ago. Mula nang pumasok ang new millenium , nagbago na ang Saint Crugy University . SCU now stands for So Curse U. So prepare for yourself for the curse." She was just exaggerating. Gusto lang niyang takutin ito. Kung hindi na niya ito makikita bukas, ang ibig sabihin ay wala itong kasindaling mapaniwala, duwag, at lampa.

"Yes, I've already experience bullied by students, not only once but many times" sabi nito habang nakatutok parin sa libro ang paningin.

"Oh, so be ready dahil sa university na ito walang hindi nakararanas ng pambubully rito, especially me" Angel smiled evily.

"Why?" napatitig naman ito kay Angel.

"Marahil takip ang tenga mo at hindi mo malaman o marinig na si Angel Buenaventura ay isang bully dito sa St. Crugy University, and it was me nakakausap at kaharap mo." mariin niyang pagkakasabi at lumapit naman ito nang bahagya kay Clyde na kunting galaw nalang ni Angel ay magdidikit na ang mga labi nito, ngunit si Clyde na rin ang kusang umiwas ng ganoong posisyon nila. Kaba naman ang namuo kay Clyde sa naganap na iyon. He didn't even know Angel just because he doesn't care from anyone. Instead of that feeling of being nervous he choose to become silent kahit pansin niyang nakatitig parin mula sa kanya si Angel.

"So, how was your first week in school?

Do you have new friends already?" tanong niya.

Umiling ito. Good. "Has anyone bullied you yet?"

Umiling ito."Good." Because you're mine. I'll be your exclusive bully. "You seem to be quite tall. How tall are you?"

"Six-one"

"Do you work out?" Cause I noticed you have muscles."

"I do it for health purposes. Ito kasi ang gusto ng Tita ko."

She smiled crookedly. Oh, a tita's boy. Nasisiguro niyang bukod sa fitness reasons, pinag work out din ito ng tita nito para hindi ito gaanong ma-bully. But unfortunately, wala sa laki ng katawan ang tunay na lakas ng isang tao kundi nasa confidence at mentality.

"Where do you hang out? Let me guess. Museums? Theaters? The library? Bookstores?

"Yes, to all".

Angel rolled her eyes and growled. Do you have other hobbies other than reading boring books, watching boring plays, and viewing boring artifacts and painting?

"I play music and sometimes I write my own song lyrics" he said meekly.

Napangiti siya. "Good!" At least we have something in common. Umilap ang mga mata nito tipong hindi alam kung ano ang sasabihin.

Noon dumating ang professor nila. Inalis na ni Clyde ang tingin sa kanya at tumingin sa guro. Nanatili siyang nakatitig dito. Nahuli niya ang paggalaw ng eyeballs nito patungo sa kanya na mabilis din nitong iniiwas ng makitang nakatingin siya. He looked intimidated. How she loved that kind of expression.

"By the way I'm your new seatmate. Bumaling ito sa kanya at alanganing ngumiti. "My pleasure to meet you"

She smiled wickedly. "The pleasure....is all mine." Nilagyan niya ng emphasis ang huling salita. Lumunok ito at muling ibinaling ang tingin sa guro.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now