09

7 6 0
                                    

"May problema ako nung isang araw about sa poetry ko." Sinulyapan ko si Grasya na nasa harapan ko dito sa library ng school.



Kanina pa siya nagsasalita at nakikinig naman ako sa kanya kahit na hindi ko sinasaulo sa isip ko. Pinapakinggan ko lang pagkatapos ay nawawala na kaagad sa isipan ko dahil hindi ako interesado. Nag ha-highlights lang ako dito sa notes ko at siya naman itong panay na salita sa harapan ko.



"Wag mo ko titigan. Naiilang ako. Nakakailang ang tingin mo." Tinaasan ko ng kilay si Grasya at binalik ko na ang tingin ko sa ginagawa ko.



Hindi ko alam na nakakailang pala kapag tumitingin ako sa mga kaibigan ko.



"May problema ako sa poetry pero tinulungan naman ako ni Natasya kahit wala din siyang alam." Napangisi ako sa narinig ko pang sinabi ni Grasya. "Wala na kasi tayong conversation. Hindi mo na ba ako friend? Seener ka pa naman sa group chat."



"As a friend, you always have me, Gras. Don't mind that we don't have daily conversations. For me, that's not the real definition of friendship." I seriously told her at siya naman itong buang na umaasta na parang kinikilig siya habang hawak hawak niya ang pisnge niya.



"Tapos na akong kiligin. Naalala ko na crush mo si Drake." Nabigla ako sa narinig ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya ng seryoso. "Oh, ba't gulat na gulat ka? Nadulas si Skyler kaya niya nasabi sa'kin. Nagulat ka ba? Noon mo pa naman daw siya crush di'ba?" Dahan dahan akong umiling at pait na ngumisi kay Grasya. "Alam kong hindi ka magagalit pero wag kang mag alala, hindi ko sasabihin sa iba."



"Grasya, aalis na muna ako." Ani ko at tumayo sa pagkakaupo. "Gagawin ko pa ang research ko. Magkita nalang tayo mamaya." Dugtong ko pa at iniwan na siya sa library.



Naglalakad lang ako sa hallway patungo sa classroom namin. Bumuntong hininga ako nang makita ko si Skyler at Skiedyl na naglalakad salubong sa akin habang sumasayaw silang dalawa na parang tanga. Kapag ganito ang ginagawa nila ay natatawa ako pero naalala ko ang sinabi ni Grasya sa akin kanina. Huminto sila sa harap ko at lalagpasan ko na sana sila nang bigla silang tumawa ng malakas sa harap ko. Kahit gusto kong matawa ay pinipilit kong pigilan ang sarili ko. Nilagpasan ko na sila at hindi na pinansin pero bigla naman silang tumakbo upang mahabol ako kaya nandito na sila ulit ngayon sa harapan ko.



Pareho silang seryoso ang mukha at yung mga mata na nanlulumo na para bang batang nagpapa-cute. Pareho silang may problema sa utak. Hindi ko lang alam kung anong klase.



"May problema ka ba?" Skyler asked.



"Galit ka ba? Kanino? Sa amin? O sa akin?" Si Skiedyl. "Galit ka ba dahil hindi ko sinabi sa'yo kung kaano-ano ko yung mga Bacurnay galing sa Cebu na nag aral ngayon sa Xavier? Pinsan ko sila pero malayo na." Dugtong pa nito.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant