13

9 5 2
                                    

"Ngayon ka pa umuwi? Bakit ka pa umuwi? Saan ka natulog kagabi? Sinong lalaki?" sigaw ni Papa matapos niya akong sampalin.




Kakauwi ko lang at sakto ding kakarating nila galing sa trabaho. Alas singko na ng hapon at tapos na din ako sa gawaing bahay kanina bago ako umalis. Desisyon ko na ang lahat ng to at tadhana nalang ang magpapasya kung tama ba ang lahat ng ginawa ko.



Nagmano pa din ako sa kanila ni Mama. I saw sadness from my mother's eyes but I still pretend that I don't care about it because I'm hurt. I never forget how they treat me and what they said to me everytime.



"Papa, sorry.." ang hina ng boses ko but still I urge to talk so that it will be okay.



"Hayaan mo na siya, Kim. Tinakasan niya lang ang problema niya dahil sumusobra ka na." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mama kay Papa.



Kahit sa konting salitang 'yon, it makes my heart melt. I can finally think that my mother still loves me and care for me even though I think, I don't deserve it at first because I know I'm not really a good daughter at all.



"Gusto mong hayaan ko siya? Samantalang ikaw naman ang nagalit nung nabasag niya 'yong pinggan!" My father shouted.



"Hindi kasi siya nag-iingat pero hindi ibig sabihun nun ay dapat na akong magalit ulit sa kanya ngayon. Lahat ng tao nagkakamali ganun ka din pero ang problema sa'yo, lahat ng mali ng anak mo, ginagaya mo sa ginagawa sayo ng Nanay mo noong ganyang edad ka pa!"



I can't believe it. My mother defended me. Once in a blue moon lang 'to kaya napangiti ako kahit may luhang umaagos mula sa mga mata ko.



"Talaga, Sierra? Iba ang pagdidisiplina ng Nanay ko sa pagdidisiplina ko sa anak mo! Ang anak mo, Masama, mapagkunwari, wala pang kahihiya—" hindi na natapos pa ni Papa ang sasabihin niya nang bigla siyang sampalin ni Mama. Nagulat si Papa kaya hindi na siya nagsalita pa.



"Wag mo ng pagsalitaan si Shaquira ng ganyan! Gusto mo bang matulad si Shaquira sa ibang bata ngayon? Paano kung katulad ng iba magka-depresyon siya? Hindi mo ba nakikita, Kimen? Ang layo layo na ng loob ng anak mo sa'yo dahil 'yan sa pagiging malupit mo! Kahit naman gumawa pa siya ng sampung kabutihan, ta-tatak pa rin sa'yo yung isa niyang kamalian. Wag mong hintaying masabi ko sa'yo na hindi ka na mabuting ama sa mga anak mo!"



After that happened, hindi pa din nawawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Mama. Para sa iba, maliit na bagay lang 'yon pero para sa'kin, sobrang laking bagay na na ipagtanggol ka ng sarili mong ina kaya nararamdaman kong minsan din akong naging tama, hindi may tama.



"Halfday lang ngayon.." I heard Drake said beside me.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu