34

5 1 0
                                    

"Bakit delay ang period ko, eh, isang beses lang naman namin 'yon ginawa?" Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa calendar sa  cellphone ko at naglalakad papunta sa overlooking area dito sa High Ridge.



Isang beses na halos umabot na sa tatlong oras, Shaquira Kae!



Pumunta ako dito dahil gusto ko. Napangiti kaagad ako nang makita ko ang city lights kasama na naman ang buwan sa buong Cagayan de Oro. Pinikit ko ang mga mata ko at dinadama ang sariwang hangin na lumalapit sa katawan ko na para bang niyayakap ako.



And when speaking of air, si Kuya Pole kaagad ang naaalala ko sa ganyan. I know how much he loves air. And when he's beside me, I feel safe because I have oxygen. It's funny but that's the way Kuya comfort us.



"Hi!" I looked at someone who's now standing beside me. It's Toria smiling at me after she greeted me.



Habang nakatingin ako sa kanya, naalala ko ang maling ginawa namin ni Drake. Hindi ko pinagsisihan 'yon pero nagi-guilty ako habang tinitignan ko si Toria na nakangiti habang nakatingin sa liwanag mula sa buong building ng Cagayan de Oro.



"Lagi akong pumupunta dito kapag may free time ako. Ngayon lang kita nakita dito." Ani ni Toria at nakangiti pa ding nakatingin sa akin. "You really likes city lights with moon?" Tanong niya na hindi pa din nawala ang ngiti niya. "Drake once told me." Dugtong niya.



"Ba't ka umalis noong sa labas ng Lifestyle District?" I asked.



"Kailangan kayong mag-usap ni Drake." She chuckles and sighed. "Alam mo, Drake and I, sometimes have the same mindset. Kapag inaaya ko siyang sumayaw sa tiktok, papayag siya kaagad just to make me happy. We have something in common. We have the same day of birth. He play the online games I play, and we both like watching animes and sometimes hollywood movies. Marami pang iba pero isa don ay wala sa'yo. Hindi ka naglalaro ng mobile o online games. You didn't like watching movies. Wala kang hobbies. You don't know sports. Natuto ka lang naman maglaro ng basketball just because it needs to, but hindi mo 'yon hobby. Hindi mo din 'yon gusto. Wala ka talagang interes sa kahit na ano." Mahabang sabi niya.




Hindi ko siya sinagot. Wala naman akong gustong sabihin sa kanya. Kung makapagsalita siya, parang kilalang kilala na niya ako. Alam niya talaga na wala akong interes sa kahit na ano.




"Sa tingin ko nga, wala kang talent. Hindi ka din naman gaanong sumasayaw, hindi kalambutan ang katawan mo kumpara sa akin, hindi din maganda ang boses mo kapag kumakanta kumpara sa akin." Pagpapatuloy ni Toria. "You are not smart enough, and you don't have interest anything about science or related to science and math. Puro ka lang biro, kayabangan at porma pero wala kang maibubuga." She seriously said and chuckles.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now