Chapter 15

106 7 0
                                    

Missing

"Luto na! Baba na kayo, Lan!" Sigaw ko sa labas nang kwarto.

"Coming,"

May ilang minuto pa akong maghintay bago lumabas si Lan na buhat-buhat si Yol. Maingat kaming pumasok nang dining area at kumain. Si Yol naman ay tamang dede lang. Buti at hindi agad nangangawit si Lan sa kanya. Ako kasi ay wala pa sa isang oras, ngawit na.

"Next week is your graduation, right?" Tanong ni Lan habang kumakain kami.

"Oo, Lan. Na-e-excite na nga ako, eh. Kaso naiisip ko si Yol, hindi ko alam kung paano ko siyang maaalagaan kapag nagcollege na ako." Pagnguso ko bago kumagat ng hotdog. "Hindi ka rin naman pwede dahil may trabaho ka. Hindi rin pwede si tita, katulad ko ay may trabaho rin siya." Pagpapaliwanag ko pa habang ngumunguya.

"Don't speak when your mouth is full." Bawal ni Lan sa akin.

"May space pa naman."

Napapaubo na sinamaan ako nito nang tingin. "I am not kidding. Are you joking with me? Then, you joked the wrong person." Irap nito.

"Aba... Lalabanan mo 'ko?!" Pasinghal ko na tanong. Balak pa niya ata akong saksakin ng kutsilyo rito!

"Hindi sa gano'n..." Agad na tiklop niya bago tiningnan ang natutulog na si Yol sa bisig niya. Tingnan mo 'to, titiklop rin pala sa 'kin. Kala naman niya uubra siya sa kadaldalan ko?

"Sir Lan!" Dahil sa biglaang sigaw ni Baty ay nanginginig sa gulat na napaiyak si Yol. Mukhang grabe ang takot ng bata.

"What the fuck, Baty?!" Singhal ni Lan sa kadarating lang na si Baty. Napayuko kaagad ito at napanguso sa hangin. Halata naman na hindi niya sinasadya ang nangyari.

"S-Sir Lan naman, hindi ko naman po alam." Kanda-utal na sabi nito.

"Look what you made!" Agad kong nilapitan si Lan dahil mukhang magbubuga na siya ng apoy. "The baby is crying!" He hissed.

"Lan, bakit ba ang init ng ulo mo? Kanina ka pa na umaga, ah." Pagalit na rin na ani ko bago kinuha si Yol at inalo.

"S-sorry po, sir Lan." Yuko ni Baty.

"Okay lang 'yon, Baty." Pag-aalo ko rin dito. "Sige na. Mamaya mo na lang siguro sabihin kay Lan ang ipinunta mo rito kapag malamig na ang ulo niya." Tumango na lamang si Baty at bagsak balikat na umalis. "Hoy," tawag ko kay Lan.

"What?" Inis niya akong tiningnan.

"Bakit ba ang init nang ulo mo?! May problema ka ba, ha?" Umirap lang siya sa akin. "Ano? Mayroon ba?"

"Lagi naman," bulong niya bago uminom ng tubig.

"I heared that... What's our problem?" Hinawakan ko siya sa braso. Napatingin siya ro'n bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Nagalit lang ako kasi nagising si Yol. Mahirap pa naman 'yan na patahanin." Tiningnan ko ang sanggol na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. "Baka kabagan 'yan kakaiyak." Bunting hininga ni Lan. Kinuha niya sa akin ang bata at maingat na niyakap ito. Unti-unti naman nang humihina ang iyak ni Yol.

"Hindi mo na sana sinigawan nang gano'n si Baty... Pwede naman kayong mag-usap ng masinsinan." Pangaral ko rito habang inililigpit ang pinagkainan namin. Tumulong na rin sila manang at sila na ang nag-urong.

Sa kwarto na dumiretso sila Lan kaya dumiretso na rin ako ro'n.  Naabutan ko itong ibinababa si Yol sa higaan na ngayon ay napatulog na niya.

"Pupuntahan ko lang si Baty." Paalam niya at may kinuha na kung ano sa kabinet ko. Humarap siya sa akin. "Bantayan mo si Yol." Agad akong tumango sa kanya.

"Mag-iingat ka. Tawagan ko ako kapag pauwi ka na,"

"May ipapabili ka ba? Dadaan na ako sa mall kung meron." Nagsuot siya ng itim na jacket.

"Wala naman, Lan. Sige na, puntahan mo na si Baty." Tumango lang ito bago na umalis.

Maingat kong kinumutan si Yol at pinalibutan siya ng unan, para hindi ito mahulog kahit na anong likot pa niya.

Naglinis na ako ng kwarto. Nakaligo na rin ako at nakapagluto na nang tanghalian, tapos ay hindi pa rin umuuwi si Lan.

Dumaan na rin ang hapon at padilim na, pero wala pa rin siya. Si tita Chanly naman ay hindi makakauwi dahil busy sa kumpanya nila na pang-fifteen company.

Alas nuebe na ng gabi at gising na gising pa rin ako. Nag-aalala ako kay Lan, inaamin ko. Hindi man lang siya nagtext o tumawag sa akin.

Nilingon ko si Yol na mahimbing na mahimbing na ang tulog. Namg hindi na makatiis ay bumangon ako at tinawagan si Lan. Nakailang ring pa 'yon bago niya sinagot.

"Lan-"

"Are you looking for Lan?" Napakunot ang noo ko dahil sa hindi ko makilala ang boses na 'yon. Boses lalaki, pero hindi ko pa 'yon naririnig.

"Uhm, oo? Nakita mo ba si Lan? Bakit nasa 'yo ang phone niya?" Sunod-sunod ko na tanong.

"We kidnapped him. Baty and Lan-"

"What?!" Hindi makapaniwalang singhal ko.

"Noisy!" Singhal din niya pabalik.

"B-bakit mo sila kinidnap?! Masama kaya 'yon!" Pag-irap ko sa hangin. Hindi naman dapat ako kabahan, alam kong magaling mag-isip ang dalawa na 'yon.

"Nandito sila ngayon sa teritoryo ko, nakatali at mga walang malay. Ano? Angal ka?"

"Sa'n 'yan?" Nagmamadali ko na tanong. Pumunta ako sa kwarto ni manang at kumatok do'n. Nang lumabas si manang ay agad ko sa kanya na sinabi sa kanya si Yol kung pwede niyang bantayan ang bata, buti na lang at pumayag ito. "Hoy, saan kako yaan?!" Pagalit nang tanong ko bago pumara ng taxi. Buti na lang mayroon pang gumagala-gala na taxi rito.

"Anak ng... ite-text ko sa 'yo!" Sigaw niya pabalik bago pinatay ang tawag.

Nang ma-text na nito sa aking kung nasaan sila ay agad kong itinuro 'yon sa taxi driver. Wala pa sa dalawang oras ay narating ko na 'yon.

Sa totoo lang ay mas natakot pa ako sa babayaran ko sa taxi kaysa sa dumukot kila Lan.

Pagkapasok sa lumang maliit na bahay ay agad akong pumasok.

"Hep... Are you the one who called us?" Harang sa akin ng isang lalaki. Puro tattoo ito at piercing, mayroon pa sa mukha.

"Yeah? Kailangan ba english talaga?" Takhang tanong ko.

"Bobo ka ba?!" Singhal niya. "Ayon! Ayon 'yong hinahanap mo!" Sigaw niya sa mukha ko at itinuro ang loob ng isang kwarto. Do'n ko natanaw si Lan at Baty na nakahiga sa sahig habang nakatali ang mga kamay sa likod, wala pa rin silang malay. No'n lang ako nakaramdam ng kaba dahil sa marami ring tauhan ang nakapalibot sa amin. May malalaking baril at tubo.

"Pota..." Naibulong ko na lamang. "Bakit mo sila kinuha?" Pagharap ko rito. Ngumisi siya ng nakakaloko bago inilapit ang mukha sa akin.

"Because they are one of my enemys," bulong niya sa tenga ko. Agad akong kinilabutan at napalayo ng isang hakbang sa kanya.

"Bakit? Anong klaseng enemys 'yan, ha? Tungkol saan?" Malakas na loob kong tanong.

"Oh, it was all about the transactions." Ngisi muli nito. "Because Lan is one of the powerful mafia." Agad akong natigilan at napatitig sa kaharap ko.

A what?!

"P-pakiulit... Baka... Baka namali lang ako ng rinig," kinakabahan ko na sabi.

"Lan Yuan is a mafia...  He was one of The Hiding Mafia."

The Hiding Mafia Where stories live. Discover now